“Miss Joy, kung sakaling makikita mo si Waldy ay kung maaari lamang ay iwasan mo siya at huwag na huwag mong kausapin,” ang bilin ni Sir Agaton ng ihatid niya na ako sa lugar kung saan ako nangungupahan. “Sir, bakit naman? Wala naman siyang ginagawang masama sa akin noong una kaming magkita. At saka, pinsan mo naman siya, sir,” sabi ko. Mukha namang kaya nakikipaglapit s akin si Waldy ay dahil alam nitong malapit ako sa kanyang pinsan. “Sundin mo na lang ako, Miss Joy. Unless kong natipuhan mo siya dahil sa sinabi niya sayo kanina. Huwag na huwag ka agad nagtitiwala sa lalaking hindi mo pa masyadong kakilala, Miss Joy. Huwag mong masyadong bigyang pansin si Waldy at ganun din ang gawin mo kay Mr. Ruie.” Ha? Bakit pati si Sir Ruie? Ayos namang kasama ang lalaking iyon at first time ko

