“Ingat ka, Erica,” bilin ko kay Erica ng maghiwalay na kami ng daan pauwi. Ako kasi ay malapit sa trabaho namin kaya kapag hindi naman ako masyadong pagod o kaya ay may kailangan akong bilhin sa convinient store ay naglalakad na lamang talaga ako para na rin mag exercise na rin sa maghapon na pagkakaupo sa trabaho. Kumaway pa ako kay Erica bago kami magtalikuran at magkanya-kanya ng uwi ng bahay. Tatawid na sana ako ng may tumawag sa pangalan ko kaya naman napagawi napalingon na ako sa likod. “Sir Ruie,” ani ko at saka siya hinintay na makalapit sa akin dahil mabilis niyang hinakbang ang pagitan naming dalawa. “Miss Joy, tara na hatid na kita,” paanyaya niya sa akin. Ngunit hindi ko naman alam kung paano ko siya sasagutin o tatanggihan sa kanyang paanyaya. Mag-a-alasais pa lang nama

