Pagdating sa karinderya ay agad akong humanap ng pwesto malapit sa electric fan dahil nakatapat araw sa pwesto ng kainan na ito kaya sobrang init talaga. “Sir, dito ka na lang maupo para nakatapat ka sa hangin." Pagyakag ko kay sir Agaton. Tinuro ko ang bangko kung saan naabot ng pag-ikot ng bentilador ang katawan niya. Si Erika at sir Ruie na ang umorder ng mga pagkain namin pero hindi ako sigurado kung makakain nga dito si Sir Agaton. Nag-aalala rin ako na baka magreklamo ang boss ko kapag natikman niya ang mga pagkain. Sa aking mahirap ay masarap ang pagkain sa karinderyang ito. Ewan ko lang sa panlasa niyang pang mayaman. “Sir, sure ka ba makakain ka rito? Baka magutom ka lang, sir. Lutong-bahay ang lahat ng pagkain dito,” sabi ko pa sa mahinang boses dahil baka may makarinig sa ak

