Pinag-isipan kong mabuti kong dapat ko bang ibigay kay sir Agaton ang hiyas na hinahanap sa akin ng mga taong humabahabol at gusto akong patayin. Nag-aalala naman ako at baka buhay naman ni sir Agaton ang manganib sa oras na malaman ng mga kaaway na nasa kanya na ito. Pero paano naman nila malalaman kung ako lang naman ang siyang nakakaalam na nahanap ko na ito at ibinigay na kay Sir Agaton? Nagdadalawang-isip tuloy ako kung sasabihin ko pa at ibibigay ang hiyas sa kanya. Kahit naman na alam kong magaling sa pakikipaglaban si sir Agaton ay ayoko pa rin na ilagay ang buhau niya sa alanganin. Pero bakit ba kasi nag-aalala pa ako? Alam ko naman na may sa pusa ang buhay ni Sir Agaton. At saka marami siyang mga tauhan na kaya siyang protektahan anuman kahit saan man siyang lupalop ng mun

