Maghapon akong lutang at walang ibang laman ang isipan kung paano ko ba kakausapin si Sr Agaton para isauli ko na sa kanya ang nawawalang hiyas na siyang pakay niya talaga sa pakikipaglapit sa akin. Madali lang naman siyang tunguhin sa kanyang opisina o kaya naman ay abangan ko na lang ang paglabas niya sa building pero hindi ko alam kung paano ko ba siya patutunguhan gayong siya pala ang taong may sala kung bakit ako naulila. Dahil lang sa isang maliit na kapiraso ng bato ay nawalan ako ng mga magulang. Nilisan ko ang lugar na kung saan ako ipinanganak at hindi nakauwi ng ilang taon dahil sa takot na baka nakaabang lang ang kaaway. Na nakaabang nga lang. Nakamasid lantao Nakikiramdam lang kung alam ko ba talaga kung nasaan ang hiyas na siyang bukod tanging ako lang ang alam niyang n

