“Bakit ang init naman?” Narinig kong tanong ni Joy habang kating-kati sa katawan niya. Paano naman kasi na hindi siya maiinitan ay bukod sa suot niyang makapal na damit ay kayrami niyang nainom na matapang na alak sa party. Kung bakit naisipan niya kasi na sumali-sali sa truth or dare na game na yon? Akala mo naman talaga ay kaya niyang makipag sabayan sa pag-inom ng matatapang na alak sa mga kasamahan niyang sanay na sanay mag-inom. “Ang init talaga!” sigaw niya na naman pero nanatiling nakapikit ang mga mata at nakahiga sa ibabaw ng kama sa kwarto na kanyang ginamit sa bahay ko. Nagpapadyak pa siya at tila naiinis dahil nga naiinitan. Oo. Inuwi ko talaga siya rito sa bahay ko dahil natumba na siya kanina at mabuti na nga lang at nasapo ko agad at hindi siya nasaktan. At ako ang

