Unli alak. Walwal kung walwal. Walang uuwi na hindi lango at gumagapang na ang sabi ng host ng event. Talaga namang bumabaha ng maraming alak sa party. Tuwang-tuwa ang bakla naming kasama dahil may chance daw siyang makalapit sa mga Fafa dahil nga raw iba ang tama ng alak sa katawan. Kami namang tatlo nina Erika at Carlyn ay umiinom rin naman pero hindi umaabot sa punto na gumagapang na kami sa sobrang kalanguan. Nasa huwisyo pa kami habang ang iba ay wala na yata talaga. Nagwawala na sa dance floor at itinapon na ang hiya sa kung saan. Pero hindi naman kagaya ng mga nasa disco bar na naninira na ng ma gamit o kaya naman ay nagkakaroon ng kaaway dahil nanggugulo na. “Mga babaitang to! Bakit ba mga KJ kayo?! Tara na at sumayaw ng makahanap tayo ng Fafa! Sayang naman ang gabing ito

