Dumating na ang mismong araw ng thanks giving party at talaga namang hindi nagpahuli ang karamihan lalo na iyong mga kilalang fashionista kung pumorma kapag pumapasok sa company. Mabuti na lang talaga at napasunod ako nina Carlyn at Erika sa divisoria kung hindi ay baka nagmukha akong katawa-tawa kung ang susuotin ko lang ay lumang dress sa aparador ko. Gumastos rin talaga ang karamihan dahil may premyong fitty thousand ang mananalong best dress sa babae at lalaki kaya hindi na rin talaga lugi kahit bumili ng bagong damit. Kanina pa ako narito pero ang mga kasamahan ko ay wala pa. Kung nasa labas lamang ako ay malamang na nilamok na ako kahihintay sa kanila. Ang problema ko nga ay hindi ko makilala ang mga taong narito na dahil may mga suot silang maskara. Makikilala ko naman sina Er

