“Mga bakla may isusuot na ba kayo sa thanks giving party natin?” tanong ng bakla naming ka trabaho. Malapit na kasi ang thanks giving party namin na taon-taon naman talagang idinaraos. Marami pang mga pa give away at bongga ang mga pa-raffle kaya talagang present ang lahat ng mga epmpleyado mula sa taas hanggang sa pinamababa. At ang pinakamasaya talaga ay kanya-kanyang department ang pa raffle kaya wala talagang uuwing luhaan. Lahat panalo at may bitbit pauwi. Ang pinakamalaking na pa-raffle ng company ang ang brand new car na noong last party ay isang security guard ang nakapag-uwi. Hindi tinitipid ni sir Agaton ang company para lalo pa raw magsipag ang lahat para sa mas ikakaunlad pa ng kumpanya. “Ano raw ba ang theme ng party ngayon? Noong nakaraan ay hawaiian diba?” tanong ni Er

