CHAPTER 36. #GenuineLove Mayshell's POV. "Pasensya ka na May, hindi ko naman intensyon ang sirain kayo. Pero para din naman sa kaligtasan mo 'yon." Paghihingi ng tawad sakin ni Shiela. Nagpa-plano kami sa magiging design ng simbahan at venue. Hindi niya akong magawang layuan dahil kanina pa niya ako kinakausap pero hindi ko siya pinapansin. Hanggang sa napilitan na akong kausapin at patawarin siya. Wala namang kasalanan si Shiela. Sadyang ginawa niya lang ang dapat niya gawin dahil kaibigan niya rin ang asawa at kaibigan niya rin ako. Kaya tama lang ang ginawa niya. Inilayo niya ako sa kapahamakan. "Kung talagang mahal ka nun babalik siya." "Para saan pa? Babalik siya at muli akong lokohin?" Sagot ko pa. "May, magagawa niya ang gusto niya. Kaya niyang mag-file ng annulment an

