CHAPTER 35. #HindiKayoPwede Saktong pagbukas ng elevator ay narinig ko ang boses ni Shiela dito sa hallway. Nag-uusap sila ni Axle at si Axle ay galit na galit na at nagtitimpi. Naluluha na si Shiela at nagmamakaawa kay Axle. Nasa harap sila ng pintuan ni Axle. "Please, hiwalayan mo na si Mayshell!" Naluluha niya itong pagmamakaawa. "f**k! I love Mayshell at hindi ko siya basta-bastang hihiwalayan na kang!" Sigaw ni Axle. Hindi nila alam na pinapanood ko lang silang nag-uusap at para bang kinakabahan na rin ako sa kung anong sikretong mabubunyag. "Ayokong saktan mo ang kaibigan ko! Hiwalayan mo si Mayshell!" Pag-iingay ni Shiela pero bakit niya sinabi 'yon? Ayaw niya akong masaktan? "Please Axle!" Nagulat ako ng lumuhod na si Shiela sa harap niya. "What the f**k are you doing

