CHAPTER 27. "Bakit mo ginawa 'yon?" Kunot noong tanong ni Ariella kay Jaeden. Magkatabi sila sa isang bench kung saan kita nila ang buong bukid at dagat at tinatamaan sila ng palubog na araw. Napagpasyahan nilang magtago na muna at magpakalayo-layo sa kapahamakan. Nasa isang isla sila kung saan may bahay sila Jaeden dito na napakalaki. Malapit ito sa dagat at sila lang talaga ang may-ari ng isla nito. Malaki ang bahay at sa ibaba sila Mayshell at Erla naghahanda sa kanilang hapunan. Kumpleto sila ngayon maliban sa Daddy ni Jaeden at Stepmother niya na lumuwas muna ng ibang bansa. Gusto nilang mag-unwind at tumakas sa stress at problema dito. Si Mayshell ay inutusan muna niya si Leila na mag-alaga ng coffee shop at nandun naman si Tita Juvy niya na magpapatakbo. At ang kaniyang tr

