CHAPTER 26 #MarryMeMisterBillionaire THIRD PERON’S POV. Nagising si Ariella nang buhatin siya palabas ng kotse at papasok sila sa isang abandonadong bodega. “Sino kayo? Bitawan niyo ako!” pagpupumiglas pa niya. Patuloy lang sa mahigpit na hawak sa kaniya ng mga lalake. “Ano bang kailangan niyo sa ‘kin?” Halos mangiyak niyang tanong. Hindi niya alam na hinihintay na rin siya ng Nanay niya at kaibigan niya sa loob. “Ipasok niyo.” utos ng isang babae. Natigilan si Ariella at pinagmasdan ang babae. Parang namumukhaan niya ito, hanggang sa kinalaunan ay naalala niya na ang babaeng ‘yon ang nakita niya bago pa siya nawalan ng malay. Pinasok siya sa isang malaking hawla at mistula siyang hayop na mangangagat kaya ito’y kinulong. “Sino ka? Anong kailangan mo! Palabasin mo ako dito

