Accidentally Saw His Thing
Honestly,hindi ko pa alam kong anong laman nitong papel na 'to dahil literal na hindi ko pa tinitingnan.Nakaka-irita lang kasi na late ka na nga,sasabayan ka pa ng tawag galing sa pamilya pero dahil isa akong mabait na anak...ito—kinakausap ko sila habang bitbit ang isang malalaking maleta at bagpack.
"Ma,okay lang ako kakarating ko nga lang tsaka na-late pa ako sa registration kanina.Kailangan ko pang hanapin ngayon kong saang Block ng Building yung magiging Dorm ko." Medyo iritang sabi ko.
"Oh siya sige,basta mag-iingat ka diyan ah?Wag mong pababayaan ang sarili mo at wag din magpapagutom." Bilin ng mama ko sa kabilang linya.Nawala ang inis at pagod ko nang sabihin niya ang mga katagang iyon.Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.Sa tanang buhay ko,simula pagkabata ay ngayon lang ako napalayo sa piling ng mga magulang ko.Pero kailangan kong sanayin ang sarili ko para maabot ang mga pangarap ko.Kailangan kong makapagtapos at dapat hindi ko na iniisip yung mga bagay na maghahadlang sa pag-aaral ko.Nasa stage na ako ng adolescent,so dapat alam ko na ang pagiging independente sa buhay.
Hindi ko mapigilan mapahikbi."Anak?Umiiyak kaba?" Nag-aalalang tanong ni mama sakin.Dahil ayaw ko silang nag-aalala sakin,agad kong pinunasan ang mga luha ko atsaka pilit na ngumiti ng pagak.
"Hindi ma,sinipon lang po sa byahe." Pagsisinungaling ko.Buti naman naniwala siya agad.
Matapos ang usapan namin ni mama ay nagpaalam na siya dahil may aasikasuhin pa siyang trabaho.Saka ko lang napagtanto na ako nalang pala mag-isa.Tumingin ako sa paligid pero wala na akong makitang tao na naglalakad kaya tinignan ko ang papel na hawak ko.Isa itong Mapa at makikita mo dito yung iba't ibang direksyon at pasikot-sikot kaya sinunod ko kong anong nakasulat dito.
Nasa gitna ako ng malaki at malawak na pathway at sa bawat side ko ay may tigli-limang block ng building na nahahati sa dalawang magkaibang kulay—Red at Pink.Sa kaliwang parteng block ay lahat kulay Pink,sa kanang parte ko naman ay kulay Red.Bobo nalang ang hindi alam kong saan ang lalake at babae.Malinis ang paligid at malawak ang kinatitirikan ng mga buildings,makikita mo din sa bawat gilid ng daan ay may mga bench katabi naman nito ay mga Trashcan.
Nilakad ko ito ng nilakad hanggang sa nasa tapat na ako ng panghuling Block.Ayon sa nakasulat sa papel ay pang-last block ako at number ng room ko nalang ang dapat kong hanapin.Pumasok ako sa loob at nakita kong may Front Desk dito kaya lumapit ako.
Nag-aalangan akong lumapit nang makita kong masama ang templa ng mukha nito."A-ahm,pwede po bang magtanong?"
"Grade level?" Deretsang tanong nito sakin.Medyo hindi ko nahabol kaya napatanong ako.
"P-po?" Balik na tanong ko dito pero tumingin lang ito sakin.Nang malaman ko ang pinapahiwatig niya ay agad akong sumagot."First year college po."
Agad siyang nag-type sa pagkatapos ay tumingin ulit siya sakin."Complete name,age at Birthdate mo."
"Skyler Sammer D. Cruz,19,May 11,2002." Agarang sagot ko.Agad din naman siyang nag-type at may kinuha sa ilalim ng desk niya.
"Here's your swipecard with your Room number." Sabi niya saka ito inabot sakin.Tinignan ko ang Room ko at nasa Last floor yung magiging kwarto ko.Kumunot yung noo ko dahil alam ko sa mga gantong klase ng room ay para lang sa mga may katungkulan,matataas at may kaya lang ang pwede.
Ah basta,hindi ko alam pero kailangan ko pa ring magtanong.
"A-ahm Miss,pwede po bang magtanong ulit?" Tumango lang siya at hindi inaalis ang tingin sa cellphone niya."Ito po ba talaga yung magiging kwarto ko?Baka po kasi nagkamali lang po kayo ng bigay."
Tumingin siya sakin saka nilapag ang cellphone na hawak niya."Ang swerte mo nga dahil magiging-roommate mo siya eh.Hay,naku kong ako sayo susulitin ko talaga yung panahong kasama ko siya." Umiiling niyang sabi.
Medyo naguluhan ako sa sinabi niya."Hindi ko po kayo maintindihan."
"Ops,sorry Sabagay lalake ka pala.You're newbie here right?" Tanong niya kaya tumango ako. "Oh sige na makikita mo din siya."
Naguguluhan na ako kay ate kaya umalis nalang baka pati ako ma-praning din.Namangha ako sa design ng Building na 'to.Maihahambing mo siya sa condo unit tapos may makikita kang Elevator sa magkabilaan kaya dahil sa excitement nakangiti akong sumakay dito at pinindot yung floor kong saan ang kwarto ko.
Para akong sira dahil kinikilig ako habang hinahawakan ang bawat sulok at parte ng loob.Maya-maya pa ay nagulat ako dahil sa tunog ng elevetor hudyat na nasa top floor na ako.Agad akong naglakad palabas para hanapin ang magiging kwarto ko.Medyo kakaiba dahil mas malawak ang paligid dito at malalaki ang pinto ng mga kwarto.Hindi din siya pang-ordinaryong design lang dahil Gold ang lining ng bawat pinto.Sa pagkakaalam ko ay dapat sa mayaman lang ito nararapat at isa pa ganitong-ganito ang nakikita ko sa mga korean dramas na napapanood ko.
Hinanap ko ang Room number ng kwarto hanggang sa nasa tapat na ako nito.Last room sa top floor.Hindi ako sigurado kong tamang kwarto ba talaga yung papasukan ko o hindi dahil mas pinaka-bongga pa ito sa kwartong dinaanan ko kanina.Binuksan ko ito gamit ang swipecard na hawak ko at bumukas nga ito.Dahan-dahan kong inikot ang doorknob bago pinasok ang ulo para tingnan kong may tao ba.Pagtingin ko sa loob ay nakabukas na lahat ng ilaw dahil awtomatikong nagbubukas ito pag nabuksan ang pinto.
"M-may tao po ba dito?!"Sigaw ko pero walang sumagot kaya tuluyan na akong pumasok.Tanging tunog lang ng maleta at paa ko ang naririnig sa loob dahil medyo creepy ang loob.Mas maganda na ang handa baka ibang tao ang makasalamuha at maging ka-roommate ko.
Nawala ang takot na nararamdaman ko nang makita ko ang design nang sala at lawak nito.Nangningning ang mga Mata ko dahil Favorite color and design ang nakalagay dito samahan pa ng mga stufftoys na Hello Kitty.Agad akong tumakbo at sumalampak dito at niyakap isa-isa ang mga stufftoys na makikita ko.Feel at home ako kumbaga.
"Wahhh!!!!Ang ku-kyut nito.!!" Tili ko na parang bata.Inamoy-amoy ko ito at hinalik-halikan.Gustong-gusto ko talaga ang amoy ng mga bagong stufftoys na nakaka-relax.Sino kaya ang may-ari ng mga ito?Siguro sa magiging roommate ko.
Maya-maya pa ay narinig ko ang baritonong tinig mula sa kong saan dahilan para manayo ang balahibo ko at matakot.Dahan-dahan akong lumingon sa pinanggagalingan ng boses na 'yon.Ang takot at panlalamig ko kanina ay napalitan ng init sa katawan dahil sa nakikita ko sa harap ko ngayon.Isang lalaking ubod ng gwapo at may perpektong katawan,basa at nakatapis lang.Inisa-isa kong tiningnan ang bawat parte ng katawan niya,mula sa may umbok pataas sa mukha.Napaka-perpekto niya na animoy isang diyos ng kagwapohan at mukhang nasa kanya na ang lahat.
Nagising ako sa pagpa-pantasya nang magsalita ulit siya."Like what you're seeing now?" Nakangising sabi niya.Mas lalo akong nang-init ng makita ko kong gaano kaputi at kapantay ang mga ngipin niya—isa isa pinaka-gusto ko sa isang tao maliban sa katawan.
Kahit narinig ko ay tinanong ko ulit siya."A-ano?"
"You're my roommate right?" Pang-iiba niya ng usapan.Well duh,of course ako yung roommate niya.Alam naman niyang andito ako mismo sa harap niya diba?
Tumango ako."Ahh,oo ako nga." Sagot ko.Saka ko lang naalala na hindi ko pa pala napapakilala yung sarili ko sa kanya kaya tumayo ako at lumapit sa kanya.Dahan-dahan kong inabot ang kamay ko sa kanya."Ako nga pala si Skyler Sammer D. Cruz—your roommate.Nice to meet you."
Ang akala ko hindi niya aabutin ang kamay pero pasalamat ako dahil tinanggap niya."Anton.Nice meeting you too." Tipid na sabi niya.Di ko nalang tinanong kong bakit hindi niya sinabi yung buong pangalan niya dahil baka may rason siya.
Ngumiti nalang ako sa kanya saka binawi ang kamay ko na kasalukuyan pa niyang hawak.Nang marealize niya iyon ay saka niya ito binitawan.Tumikhim siya at naglakad pabalik sa loob ng cr,pero bago siya pumasok ay huminto siya.
"Put all your belongings to that room." Turo niya sa isang kwarto sa likod ko saka binalik ang tingin ko sa kanya.
"T-teka,wal-." Hindi ko na natapos ang dapat kong sasabihin ng agad siyang pumasok sa loob saka malakas na sinara ang pinto ng sobrang lakas.Anong meron sa lalaking yun?
Hindi ko nalang pinansin at pumasok sa itinuro niyang kwarto kanina.Muli na naman akong namangha dahil sa laki ng loob ng kwarto at makikita mo ding kompleto ito ng gamit.Pictures,bookshelves,collected toys,stufftoys at maliit na cactus sa may babasaging bintana.Black na may halong Pink ang theme ng kwarto.Saka ko lang napansin na kanina pa pala ako nakanganga kaya agad kong itinikom ito.Naagaw ang atensyon ko sa isang picture frame na nakalagay sa Bedside Table kaya lumapit ako dito.
Family picture?Tanong ko sa isip ko.Kinuha ko ito saka masinsinang tinignan.Family Picture ito ng lalake kanina pero tanong ko sa isip ko kong bakit nandito ito sa kwartong to?Lumaki ang mata ko nang marealize kong hindi ko lang siya magiging ka roommate kundi magiging ka-bedmate din?
Dahan-dahan kong nilagay ito sa kong saan ko siya kinuha saka dali-daling lumabas bitbit ang maleta't bag ko.Pagkabukas ko ng pinto ay tumama ako sa isang malamig,matigas at basang bagay.Tinignan ko ito at nagulat ako ng makita kong hindi pala bagay kundi tao.Dahil sa gulat kaya napaatras ako ng mabilis dahilan para mawalan ako ng balanse.Hinintay kong bumagsak ako sa sahig pero wala—bagkus ay may isang brasong nakapulupot sa katawan ko at nang binuksan ko ang mata ko,magkalapit na ang mga mukha namin.Kong may makakakita samin dito ay sasabihing naghahalikan kami dahil isang dangkal nalang ang layo ng mga mukha namin.
Dahil sa nangyare ay hindi agad ako nakaiwas.Isa pa,ang gwapo na nga—mabango pa.Dahil sa kong anong tumatakbo sa isip ko ay napalunok ako.Gusto kong putulin ang titig ko sa kanya pero may kong anong bagay ang nagpipigil na gawin ko ito.Nakita ko kong pano niya ako tingnan mula mata,ilong papuntang labi ko.Napansin ko din ang paghaba ng kabilang gilid ng labi niya—nag-smirk siya.
"You have kissable lips and beautiful face do you know that?And i'm soooo eager to kiss that lips of yours." Mababang tonong bulong niya at naramdaman kong may kong anong bagay na tumatama sa legs ko na nagpakilabot sa buo kong katawan kaya naitulak ko siya nang malakas.Mas lalo akong nagsisi nang nakita kong nakasabit pala sa sinturon ko ang tuwalya dahilan para mahubaran siya.
"Ahhhh!!!!" Sigaw ko sabay takip sa mata at tumalikod.My gosh!!!!Ang laki.Ang laki-laki ng alaga niya,hindi normal sa size ng lalake—basta malaki.
Narinig kong tumawa siya ng ng mahina.Nakakaloka naman 'tong lalaking 'to,hindi man lang nahihiya.
"Look at me." Sabi niya pero umiling lang ako.There's no way na titingin ako sa kanya."I said,look at me."
"Ayoko nga!Baliw ka ba?Magdamit ka o magshort,m-mag-brief basta takpan mo muna yan saka ako titingin sayo!" Sigaw kong sabi sa kanya.
"I already put my towel back on my waist,so you don't have to worry—now,look at me.Don't make say it again." Medyo galit na yung tono niya sa panghuli kay napilitan akong humarap sa kanya at totoo ngang natago na niya ang kargada niya.
"Why are you still bringing that thing with you?" Tanong niya.Saka ko lang naalala na plano ko palang lumabas para sana tanungin kong may ibang room pa ba dito.
"May ibang room pa bang bakante dito?" Tanong ko.
"There's none.Why?"
"So,ibig sabihin magsi-share tayo dito sa kwarto na 'to?"
"Why?Are you gonna back out now?" Nakataas-kilay niyang tanong.
"Back out?Bakit,may pinag-usapan ba tayo para mag-back out ako?Syempre hindi ko alam na makiki-share pala ako sa ka-roommate/Bedmate ko sa iisang higaan." Sagot ko.
"So you don't want me to be your roommate?" Tanong niya ulit.Napaka-unbelievable naman ng lalaking ito.
"Obvious ba?Malamang hindi.Gusto ko ng may sarili akong kwarto o higaan."
Pumikit siya saka huminga ng malalim."Okay,here's the thing.I will use the couch and you can use the bed just don't leave 'cuz you'll never gonna find another room like this and hot roommate like me." Pansin kong hindi naman mayabang 'tong isang 'to noh?But at least,may mabuting puso naman siya.Pero,hindi ba nakakahiya sa kanya?Siya yung nauna dito tapos siya pa itong nagpaubaya?
"Hindi ka lang mayabang noh?Feelingero ka pa.Pero nakakahiya naman sa'yo kong ikaw pa yung magpapaubaya so,ako nalang sa couch at ikaw nalang sa bed."
"No,you have to use the bed 'cuz you look so fragile."
"Hindi na.Sa couch na ako." Pagpupumilit ko.
"Whatever." Sabi niya saka siya lumapit sakin at kinuha ang hawak kong maleta at bagpack.Sinundan ko lang siya ng tingin.Nilagay niya ang mga ito sa isang kwarto na hindi ko alam kong ano.Medyo tumagal siya sa loob kaya lumabas nalang ako.
Naglibot-libo muna ako sa buong sala at chineck ang lahat ng gusto kong i-check.Nang makaramdam ako ng gutom ay saka ko naisipang lumabas para sana kumain pero nang akmang pipihitin ko na sana ang pinto para lumabas nang may biglang humawak sa kamay ko na nagpagulat sakin.
Kahit hindi ko na tingnan kong sino ang taong iyon dahil kami lang naman ang nandito sa loob.Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa gulat at maya-maya pa ay may naramdaman akong hangin sa may parting tenga ko.Kinakabahan na nangingilabot ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
"Where are you going?" Tanong niya sakin.Hindi ako nakapag salita ng ilang segundo pero agad ko naman nabawi iyon.
"A-ahm,maghahanap sana ng makakain sa labas.Nagugutom na kasi ako." Sagot ko.
Hindi siya sumagot at agad niya akong binitawan kaya humarap ako sa kanya habang umuusog palayo sa kanya.
"Bakit mo pala natanong?" Tanong ko ulit sa kanya dahil mukhang wala siyang planong magsalita.
Tumingin siya sa'kin kaya napatitig ako sa kanya.Nakasuot siya ng puting damit na medyo malaki sa kanya tapos nakaayos ang buhok na parang korean style.Napansin ko din yung may kaliitan at kasingkitan niyang mata na siguro may lahi itong chinise,hapon o korean.Mapupulang labi na animo'y dugo,at matangos na ilong.Lahat ng nasa kanya ay perpekto.Di ko namalayan na napatagal na pala ang pagtitig ko sa kanya,kong hindi ko pa narinig ang mahinang tawa niya ay hindi ko pa mababawi ang titig ko sa kanyang perpektong mukha.
"So,you're falling for me now?Don't worry babe,i'd definitely catch you and won't let you go." Mayabang na pagkasabi niya kaya nawala nalang bigla ang paghangang naramdaman ko sa kanya.......wait,sinabi ko bang humahanga ako sa kanya?Ahh basta bahala na,ang mahalaga ay hindi niya malaman iyon.
Ika nga nila—'crush is paghanga,but sometimes nawawala'.
Kahit na iba ang epekto ng sinabi niya sakin ay isinawalang bahala ko nalang bago tumingin sa kanya.
"Wala ka ng sasabihin?Kasi nagugutom na Ako ng sobra,kanina pa akong walang kain tapos ang haba pa ng byinahe ko mula samin hanggang dito." Hindi naman halatang inis na sagot pero mukhang nakuha niya iyon dahil nawala nalang bigla ang ngisi sa mukha niya.
Bigla siyang tumayo ng tuwid habang tumitikhim at ipinasok ang dalawang kamay niya sa bulsa ng pantalon niya.
Tumingin siya sakin bago nakakuha ng sasabihin."Sabay na tayo." Hindi pa man ako nakakasagot kong papayag ba akong kasabay siya o hindi nang bigla niyang hatakin ang kamay ko palabas ng kwarto.Babawiin ko na sana ang kamay ko para umangal nang magsalita siya habang patuloy kami sa pagkalakad.
"Don't talk 'cause i don't take 'no' for an answer." Bwesit.
"Let's eat." Sabi niya pero binato ko siya ng nakakamatay na tingin.Alam niyo ba kong bakit?Kasi,dinala lang naman niya ako sa mamahaling kainan na tangin mayayaman lang ang nakaka-afford sa mga pagkain dito at ito pa....halos ubusin niya na ang lahat ng pagkain sa menu,normal pa ba yun?
Hindi niya ba alam na nagtitipid ako at kailangan kong gamitin ng maayos ang pera ko?Sino ang magbabayad ng lahat ng 'to?Ako?Eh halos tatlong buwan kong sweldo yung magiging presyo ng lahat ng pagkain na 'to ah?Pagre-reklamo ko sa sarili ko.Paano na ako mabubuhay neto ngayon?
"Bakit hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo?" Tanong niya.
"Wala akong gana.Nawalan ako ng ganang kumain dahil sa dami ng in-order mo,at wala din akong pangbayad sa mga 'to." Reklamo ko sa kanya pero parang wala lang sa lalake na 'to ang hinaing ko sa buhay.Mukhang wala nga atang pakiramdam ang isang 'to eh.
"Don't worry,i'll pay all of these.I was the one who brought you here remember?So,throw your worries away and enjoys the foods,it'll help you gain more weight and height." Sabi niya habang nakangiti at bumalik na sa paglamon.
Ang totoo,dapat ba akong maging masaya dahil libre niya lahat ng pagkain o mainis dahil mukhang may pinapatamaan 'to eh.Pero iwinaksi ko nalang lahat ng inis ko sa lalakeng 'to at tuluyan ng kumain,sobra talaga akong nagutom.
"The total amount of your order sir is 10,500 pesos,would you like to pay it with card or cash?" Sabi ng waitress na nakatayo sa gilid namin pero hindi 'yun ang nakaagaw ng pansin ko—kundi sa presyo ng pagkain na nakain namin kanina lang.Hindi ako makapaniwalang ganung halaga ng pera ang nakain namin?Sobra naman yata kamahal ang mga pagkain na 'yun na halos kahit isang kutsara lang na pagkain aabot na sa 500 ang halaga.Grabe.
"Card." Tipid sa sabi ng kaharap ko ngayon.Tahimik lang akong nanonood at nakikinig sa kanila dahil ano bang alam ko sa mga ganto isa pa,wala akong ganong kalaking pera para saluhin lahat ng iyon noh.
"Okay sir."
Kinuha niya ang card sa itim na wallet niya saka iyon ibinigay sa babae.Agad niyang ni-swipe iyon sa hawak niyang gamit saka ibinalik sa kanya."Here's your card sir,the total amount of 10,500 has been credited from your card.Thank you for spending your time and for choosing this place to eat and i hope you would come back here again.I'll excuse myself." Sabi ng babae saka umalis.
Tahimik lang akong nakasunod sa kanya dahil sa hiya at panliliit.Nagawa niya pa akong pagbuksan ng pinto kanina hanggang sa kotse niya.Kasalukuyan kaming nasa sasakyan ng hindi ko alam kong saan ang distinasyong pupuntahan namin.Hindi ko na rin magawang magtanong at magsalita dahil nga sa nahihiya ako kaya hinayaan ko nalang siya sa kong saan niya akong gustong dalhin.
"Okay ka lang?You're so quiet kahit nung nasa restaurant tayo,is there something wrong?" Tanong niya.Tumingin ako sa kanya nang umiiling.
"Wala naman.May iniisip lang." Tipid kong sagot sa kanya pero ang totoo niyan nahihiya ako.
Napatingin ako sa labas nang mapansi kong tumigil ang sasakyan.Ba't naisipan niya akong dalhin dito sa mall?Anong gagawin namin dito?Tanong ko sa sarili ko.
"Let's go." Sabi niya.
"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko sa kanya pero ang loko hindi man lang sumagot bagkus ay lumabas kaya sumunod ako sa kanya.
Tanong ako ng tanong sa kanya hanggang sa makapasok na kami sa loob pero hindi niya ako sinasagot kaya nang nakaramdam ako ng inis ay napag-desisyonan kong hindi sumunod sa kanya.Bahala ka diyan.Naghanap ako ng mauupuan pero swerte ko sa araw na 'to dahil may nakita ako.Nakangiti akong lumapit dito nang biglang may umupo kaya nawala ang saya ko sa oras na 'to at napalitan ng inis.
Malas ko naman.Nakabusangot kong sabi sa isip ko kaya umalis nalang ako.