BEST, bakit ang lungkot-lungkot mo? Napatitig siya kay Adelina dahil kanina pa siya nito napapansin. Nandito sila sa salon at nagpapa-ayos ng buhok niya. Ang dating hanggang puwet niyang buhok ngayon ay pantay kili-kili niya lang. Gustong-gusto pa naman ng mommy ni Mathias ang mahaba at tuwid niyang buhok. “Okay lang ‘yan beshy hahaba pa naman ‘yan. Mabilis lang ang isang buwan.” Napangiti siya kay Adelina. Nagpapalinis sila ng nails at parehas pa silang black ang napikiling kulay. Busy ang kaibigan niya sa phone nito, kilig na kilig sa Ninong niya. Mula kanina nang magkita sila dito sa Salon ay tahimik na siya. Gustong-gusto niyang sabihin sa kaibigan ang tunay niyang pagkatao pero natatakot siya. Baka iwasan siya ni Adelina, tas malaman pa ng parents ni Adelina knowing sa mga matap

