TULALA si Adriela kinabukasan, sinadya niyang bumangon ng tanghale para wala ang mommy niya. Kasalakuyan siyang nakaharap sa mesa pero lumilipad ang isip niya. “Good morning, Madam.” Ang boses ng kasambahay ang narinig niya. Tapos ang yabag ng heels sa sahig, tapos humarap sa kanya. Si Gwen! Naupo ito sa kaharap niya at dali-dali naman ang kasambahay na gawan ito ng kape. “Happy graduation anak. Anong gusto mong regalo sa ‘yo ni mommy?” nakangiti si Gwen pero nakatitig lang siya. “Oh, why so sad naman? graduation mo ngayon, oh. Dumating ‘yong graduation card mo, wala ka manlang honor? sabagay, what to expect eh hindi naman kita anak kaya hind imo talaga mamamana ang katalino-han ko.” Napayuko lang siya at kumuha na lang makakain habang si Gwen ay tinatanggal ang table napkin

