Señorita, Adriela? Hindi niya pinansin ang boses ng binatilyong si Mark. Nakatayo lang siya sa gilid ng mga alambre na maraming tinik. Pinagmamasdan niya ang mga baka sa di-kalayuan. “Señorita, pinapasamahan kayo sa akin ni Tiyang baka daw kayo ay maligaw.” “Si Mathias ba ay may kausap pa rin?” tanong niya. “Oho. Hindi pa sila tapos mag-usap nina Gov at kasama ang Mayor sa kabilang Isla. Kapag nagawi rito si boss ay palaging bumibisita si Gov. Kaya habilin sa akin ay samahan daw kita sabi ni T’yang dahil magtitimpla siya ng litson.” Hindi siya kumibo at nanatili lang ang tingin niya sa mga baka. Magmula kasi kaninang pagdating nila dito ay hindi na sila muling nag-usap ni Mathias. May mga bisita kasi itong dumating ‘yon nga ang gobernador ng lalawigan ng Masbate at mayor naman sa

