Nakasandal siya sa balikat ni Mathias at holding hands silang dalawa habang nakatitig sila sa papausbong na apoy. Si Mathias naman ang nagkukuwento at hindi naiwasan na mapasali ang mommy niya. Hindi na siya gaano nagseselos mula nang malaman niyang walang nangyayari sa dalawa. Tanggap pa niyang maraming dumaan na babae kay Mathias dahil bilang isang bachelor ay normal lamang iyon. Basta ‘wag na lamang ngayon kasi magkarelasyon na sila. Hindi man sila dumaan sa ligawan ang importante ay nagmamahalan sila at sapat na ‘yon. Patuloy sa pagkuwento si Mathias gusto nito ng maraming anak dahil napakahirap naman talaga kapag only child ka lang. Marami pang plano si Mathias, gusto niyang magtayo ng hospital at magdonate ng lupa para gawing school. Tapos college naman dito sa bayan ng Santa Cat

