AYAW niyang bumitaw kay Mathias. Sobrang bigat ng aalis ito, ang isang oras lang na hindi niya masilayan ang binata ay parang isang taon na. “Don’t cry, sweetheart. Everything will be fine.” Maging si Mathias ay lumuluha rin. “Kahit isang linggo ka lang do’n pero napakatagal sa pakiramdam ko. Mathias, baby…” sambit ni Adriela at hinawakan pa niya ang mukha ni Mathias at hinahaplos. “Mahal na mahal na mahal kita. Hindi nasusukat ang kaunting panahon na magkasama tayo, dahil para bang isang dekada na tayo magkasama. Para bang kilalang-kilala na kita at… parang kahati ka ng aking buhay.” Sunod-sunod na pumatak ang mga luha niya. Napatingala si Mathias at bumuga ng hangin. Panay rin ang agos ng luha ni Mathias napakadami na namumula na nga ang ilong nito at pisnge. “Mahal na mahal na

