NosiBayaSi
Abah ren..kanina ka pa nakapangalumbaba dyan..wala akong ipapalit dyan at wala pa akong benta dine sa aking talong..
Matumal baga ang talong ni tatay?sabay tanggal ng pagkakangalumbaba at baka yun ang dahilan kung bakit wala pang benta ang knyang nanay sagot ni ren(short for Maureen)
Typical na babae..walang arte sa katawan..one of the boys ika nga..Malakas sa inuman pero hindi istorbo sa daan..Thats Maureen Nobnob!Panganay sa apat na magkakapatid.Hindi mayaman ang pinagmulan pero hindi rin naman masasabing mahirap.Not so typically na masunuring anak..malakas nga uminom eh..haha..pero hindi naman ganun kasakit sa ulo..Kunsintidor na ate...loyal na kaibigan..at supportive girlfriend.Okay naman ang pinas sa kanya..Pero parang me kulang..She wants to grow as a person.she wants to help her parents.gusto nyang mabigyan ng khit hindi mansion basta maayos na bahay at negosyo ang kanyang mga magulang..mapagtapos ang kanyang 2 kapatid pa.oh db huwarang tao na itech!
"Ay oo anak..napurga na ata sa kakatalong ang mga taga dine sa tin..wala pa akong buena mano..nanggaling na nga ako sa bayan ng lagay kong toh...asan baga mga kapatid mo?"
"my pasok ho si owel ngaun.si buboy naman eh nakay inana(tawag sa nanay ng tatay o nanay..in short lola)"
"ah ganun ba?nagsaing ka na ba?eto na lang Talong ang ulamin natin ngaun at bka makabenta mmya eh d maiiba ang ulam ntin ng hapunan.."
"Tay..ako ho eh may sasabihin.."
nakakunot noo akong tiningnan ng tatay..
"abah..maureen ha...bka sabihin mong buntis ka..ika'y magtigil ha..mahirap ang buhay ngayon lalong mahirap bumuhay ng BUHAY"
at mukang galit na nga at tinawag ako sa buo kong pangalan eh..
"galit agad tay?nakakahighblood pla ang araw araw na pagtataLong ano ho..."
lalong umusok ang ilong ng aking ama..hehe..ang cute biruin eh..hindi naman mistiso pero namumula..lalo na pag nakainom..sa kanya nga ko nagmana eh...
"anu nga un Maureen..kaya siguro ang lalim ng iniisip mu knina at hindi mo namalayan na dumating na ako eh"sinabi ko na sa inyo ni Darwin wag na wag kayo gagawa ng bagay na pagsisihan nyo...nku..mga kabataan ngaun..abah bente ka palang eh.."
hahahah..patawa tlga toh si tatay..dapat naging writer toh eh..me kasunod na agad yung sasabihin ko...
"Tay..hindi yun..at paano naman mabubuntis pede baga mabuntis ng hindi nagkikita..ganun na po ba kahigh tech ang mundo ngaun at naitatawid na ang semilya sa cellphone lang?"
"abah malay ko sa inyo kung kayo eh patagong nagkikita ng lalaking iyon"eh anu baga yun sasabihin mu at ako eh kinabahan na agad eh...teka..ipagtimpla mu nga muna ako ng kape hali at sa balkonahe tayo magusap"
isa rin sa namana ko sa tatay ang hilig sa pagkakape..thrice ata ako kung magkape lalo na kung mainit ang panahon..certified coffee addict here!
"balak ko sana magapply pa ibang bansa"inilapag ko ang tasa ng umuusok na kape sa kanyang harapan
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10...sampung segundo akong tiningnan ng tatay..sampung segundo pero parang tumagos na gang kaluluwa ko yung tingin nya skin..
"sigurado ka ren?"
kung tumataginting na Maureen ang tawag niya sa akin kapag nagagalit naiinis
Ren naman niya ko kung tawagin kapag naglalambing or naeexcite or natatakot...
sa uri ng pagkakabigkas nya ng Ren ngaun..parang mas lamang ang TAKOT?hmmmm...bakit takot hindi ba dapat excitement?kasi mapapaganda yung buhay namen..Hindi na siya maglalako ng Talong..hindi na magbibingka si nanay sa harapan ng bahay namen..makakatulong na ko sa pagpapaaral sa mga kapatid ko..maipapaayos na namen kahit papanu yung bahay namen..Takot yung least expected na damdamin na inaasahan ko ke tatay..
"hindi biro ang pag aabroad anak"wika ni tatay sabay higop ng kape. na bagamat mainit eh parang hindi nya ininda ng kanyang taste bud..
"wala kami ng nanay mu dun kapag kinailangan mo kmi"patuloy ng tatay
ngaun naiintindhan ko na kung bakit Takot yung nakita ko sa mata nya ng sabihin ko yung plano ko sa kanya.. I am a fathers girl..parehas ko nmn n close ang nanay at tatay pero mas lamang na habol ako sa taty kasi bikod sa unang anak ako unang apo din ako on both sides..kaya siguro spoiled ako..pero d ako brat..spoiled in a sense na kapag nagagalit si tatay kapag nakakainum siya at naghahanap ng away eh ako lang ang makakaawat sa knya..hindi kami mayaman yes..pero super love ako nila..ng parents ko at mga kapatid ko..mahirap din naman sa kin na iwan sila..pero syempre hjndi na nabata sila nanay at tatay..at bilang panganay obligasyon ko n tumulong at mabigyan din sila ng masaganang buhay..hindi nila hinihingi pero gusto...
hinawakan ko ang kamay ng tatay..me konting kulubot na..gawa ng pagsasaka at pagbebenta ng talong...
"alam ko tatay..pero kakayanin ko..gusto kong kayanin hindi lang para sa inyo kundi para din sa sarili ko"
tiningnan ako ng tatay..alam ko kahit nag aalangan siya..mejo humupa yung takot na nakita ko kanina sa mga mata nya..
"desidido ka na ba?nakausap mo na ba ang iyong ina?"
tumango ako "opo tay..gusto ko po subukan..pag hindi ko kinaya anytime i can go back here db?"
"anytime anak"