kinakabahan ako habang papasok ako sa meeting place namen ni Madam Chu.. isang shabu shabu place sa may Tainan..Favorite spot ng mga Pinay yung place na yun..Kasi bukod sa mura..sulit na sulit ang pagkaen..Pag sinabing unli..eto yung isa sa perfect place na maiisip ko..
pang araw ako nun kaya past 8 na ng gabi ako nakarating sa lugar..Buti nalang 11pm pa last trip ng train.. mahab haba pa oras namen para makapag usap.Malamang tungkol yun sa kumakalat na video..
Binuksan ko ang glasa door ng resto..sinalubong ako ng Taiwanese receptionist ng pumasok ako..Hindi pa ako nakakapagsalita ng lumapit sa akin si Madam Chu..
"Follow me"utos nito
Nginitian ko muna ang receptionist bago sumunod sa nanay ni Mike..
Nasa pinagkatagong corner ang mesang pinili nito..My kadamihan pa din ang tao to think na last hour na..
"I hope you wont mind but i already ordered a soup for you..Its original flavor for both of us"tumango ako bago ngpasalamat..Mas bet ko sana ang seafood pero may magagawa pa ba ako?!okay din naman ang original kaso wala akong mga condiments na dala..Kapag kasi kumakaen kami ni Pearl dito..lagi kami may baon na sinigang mix..Mahilig magexperiment si bff kahit nga buttered shrimp naluluto nito dun....
"Let eat first.."sabi ulit nito
Hindi ko alam kung makakaen ako ng maayos kasama si Madam Chu.Pakiramdam ko kasi bantay sarado lahat ng kilos ko.Kasi nung minsan tumayo ako para kumuha ng maraming hipon at talaba at squid balls..Sabi nito sa akin ay wrong combination of food daw..Ngumiti na lang at hindi itinodo ang kinuha kong hipon at talaba..Tinanung pa ulit ako nito kung uubusin ko daw yun lahat at bakit hindi ko pa niluto..Sabi ko naman..baka hindi ko kasi maubos pag niluto ko lahat..Eh bakit daw ako kumuha ng marami kung hindi ko naman daw kayang ubusin..Nag aaksaya daw ako ng pagkaen..Hays...napakamot na lang ako sa ulo sabay ngiti..Yung pakiramdam kong pilit na pilit na lang yung ngiti ko sa labi..Mukang hindi ako matutunan kaya naman kumuha ako ng coffee..pampatunaw ko yun..
"Its that coffee.."
"Yes madam..you want some..i can get you one"nakangiti ko pang tanong ko dito..kasi tiningnan niya na yun simula ng ilapag ko sa mesa eh..
"Nǐ jīn wǎn bù shuìjiào ma?"tinatanung nito kung hindi daw ba ako matutulog mamaya.Kaya naman pala ganun nalang ang tingin nito sa kape ko...Black coffee kasi..pero hindi matapangkaya hindi ako kayang ipaglaban sa atribidang nanay ni Mike..
"Wǒ huì shuìjiào"sagot ko naman..syempre matutulog ako may pasok pa ko bukas ng umaga.wag sana ako bangungutin at mukhang hindi magiging good night ang tulog ko dahil dito eh..
napatango na lang ito pero hindi kumbinsido.sabagay anuman ata sabihin ko wala itong paniniwalaan..Hindi ko nga alam bakit pa ko mineet nito eh..
Tinamad na akong tumayo pa ulit..Magdedessert pa sana ako ng ice cream..kaso baka ano nanaman sabihin ni Madam Chu.Im having my last sip of coffee ng magsalita ito ulit
"I will get to the point..I dont care about the scandal youre in right now..but i want you stay away from my son..
Naks naman...masyadong straight to the point..hindi uso ang paligoy ligoy dito ah...Hindi ko naman na kinabigla yun even imagine a worst case scenario in my head..Yung tipong irereenact namen yung pagbubuhos ko ng naicha kay Darwin..Kaibahan lang shabu shabu soup flavor ang isasaboy sa akin..Kaya yung sinasabi na ito ni Madam Chu..sisiw nalang sa akin..
"I think..you must talk to your son first madam!"
"you think..i would talk to you if my son would listen to me?!sumandal at nakahalukipkip pa nitong sabi..Typical na kontrabida sa telenovela na maputla naman ang labi..Hindi uso lipstick dito..Pero kilay is life.Tinalo pa ko sa pagkaperfect ng kilay nito..Ito lang yung nakita kong Taiwanese na makapal ang tattoo na kilay..Tatooed yun..sigurado ako..
"then we dont have anything to talk about.. Madam..like what you said..your son wont listen to you..What made you think "po" that i would listen to you?!sabi ko emphasizing the "po"
"po?!"tanong nito..sabi ko na nga ba magtatanong toh..
"it is commonly use by Filipino to show respect to elders.."
tumango tango ito bago nagsalita..
"but do you think saying unfamiliar words to the person you are not even friends with..is a rude thing?!
"How will i know of that is the real meaning of that "po"?!"dagdag pa nito..
Naku naman..dito ata ngmana ng pagiging matalino si Mike.Nasobrahan nga lang ata toh.At parang nakikipagdebate kung makipag usap..
Ibubuka ko na sana ang bibig ko para sumagot ng may matangkad na babaeng bumati dito..Mahaba ang itim na itim na buhok nito na halatang kinulot ang dulo..Hindi kaya ito nilalamig at ang iksi ng nakapatong na paldang suot sa may fishnet thights..Hindi ko pa mabistahan ang mukha ng bagong dating dahil nakatalikod ito sa akin eh..Nag usap ang mga ito ng lengguwaheng bagamat may naiintindhan ako ay sobrang bilis naman ultimo google translate eh mahihirapan ipaliwanag..Nagulat na lang ako ng paupuin nito ang babae sa tabi nito..kaya ngayon nakita ko ng harapan ang mukha nito..Hindi ito kagandahan..Typical na taiwanese na walang double lid..pero sobrang puti naman..Sungki ang mga ngipin nito..Nakita ko kasi nung ngumiti ito sa akin..Pero hindi nagsalita at nagpatuloy lang sa pag uusap ang dalawa..Hindi man lang ako pinakilala ni Madam Chu.Kahit nga nagpaalam na ako na magccr muna..hindi man lang ako pinansin ng dalawa..
nakailang pabalik balik na ko sa cubicle..iniisip ko kung babalik pa ko sa table namen..Mukha namag busy si Madam Chu at yung kawayang kausap niya..Ang tangkad kasi kala ko basketbolista..Napatingin ako sa orasan sa cellphone ko..Naku...9:45pm na pala..Need ko na nga talagang magpaalam..Tutal mukhang wala nanaman kaming pag uusapang importante eh..Ngdesisyon na akong lumabas ng cr..Nagulat ako mg makita si Mike na wariy inaantay ako..
"What brought you here?!"tanong ko sa kanya..
"You should have told me that you are going to meet my mother"hinawakan niya ko sa kamay at sabay kaming naglakad pabalik sa table namen..
"its okay hon..everything is under control"ngumiti ako sa kanya..masyado bang obvious na hindi boto sa akin ang nanay nito..at nag-aalala pa ito sa pagkikita namen ng ina..
ngumiti ito bago ako hinalikan sa noo..ng makatapat na kami sa table namen eh
"Wǒmen xiànzài yào huí jiā"
nagpaalam na ata ito na uuwi na kami..Parang ganun kasi hinila na ko palabas ng resto eh..Halata pa sa mukha ng nanay nito ang disgusto sa desisyon ng binata..Hindi na niya inantay pa ag sagot ng ina nito..
"Is everything okay hon?!"tanong ko ng pareho kaming makasakay ng kotse nito
"you said everything is under control right?!"sabi naman nito na kumindat pa bago pinaandar ang kotse