"Aaaaahhhhhhhhh"Sabay sabay na sigaw namen nila Pearl habang nakasakay kami sa space shuttle..Halos lawit na ang dila namen kakatili sa mga extreme rides na sinakyan namen pero yung bagets ko ay enjoy na enjoy pa din at walang katakot takot!Sulit na sulit ang ride all you can ticket nito na libre ni Darwin..Tinotoo nito ang birong libre..Lahat kami ay binilhan ng ride all you can ticket nito.. "Common Momhy..dun naman tayo sa Ekstreme!"excited na aya agad ng anak ko sa pagkababa pa lang namen ng space shuttle. Tiningnan ko ang mga kasama ko..Si Edios halos ay masuka suka na..na nakahawak pa sa barandilya sa gilid..nasa likod nito si Pearl na hinihimas ang likod nung una..Si Darwin naman kahit hindj umimik ay halatang hindi na kakayanin pa ang magrides pa dahil sa putla nito..Napalingon

