eat and make up...

1185 Words
Inabot na ako ng tanghali sa pagkakahiga sa bed ko..Andun na tayo na kapag may menstruation ang mga babae talagang nadoble ang pagkatamad...Yung tipong feel lang tumihaya and do nothing at all...Kung hindi pa nga kumalam ang sikmura ko..hindi pa ako babangon sa higaan..Lumapit ako sa mesa..tiningnan ang mga nakataklob na  iniwang pagkaen sa akin ni Pearl.May fried rice dun..at pritong talong na may alamang..Sobra ba naging tulog ko kanina at hindi ko man lang naamoy ang alamang na niluto ni Pearl..Alam ko luto niya yun at hindi binili lang..maraming taba eh...At ang Talong...saan man nito nakuha ang talong..nagpapasalamat ako at yun ang kakainin ko sa araw na yun..I miss home..lalo na at hindi ako okay..Tiningnan ko muna ang cellphone ko kung may ngmessage ba..at hindi naman ako nabigo..May message nga si Mike..kaso wala pa ko sa mood basahin...Kaya nagpatugtog na lang muna ako at nagsimula ng kumaen..Gutom pala ako at naubos ko ang nakahaing pagkaen..Syempre with coffee kahit tanghaling tapat na..Hinugasan ko ang pinagkainan ko ng mapansin ang ilang damit sa laundry basket ko..Napagpasyahan kong labhan na iyon..nagpalit na din ako ng punda at kumot at kubra kama..Isasalang ko lang sa washing machine yun..at idadryer para diretso tiklop na...Hindi pa din kasi ako sinasapian ng kasipagan..sadya lang ayoko ng mahiga at nanakit na likod ko..ayoko din hawakan muna ang cellphone ko..Masakit padin...Kaya papalipas muna ako ng sama ng loob...Tinungo ko ang banyo pagkasalang ko ng labahin sa washing..May 20minutes pa ako bago matapos ang timer ng washing..pila lagi ang dryer kayat nagalarm ako...Pumasok na ko ng cr para maligo..may heater naman kaya okay lang maligo kahit unang araw ng buwanang dalaw..kung nasa pinas ako..malamang makurot ako sa singit..bawal daw kasi maligo pag "meron" at papasukin daw ng lamig...5minutes pa bago matapos ang timer sa washing kayat dali dali na kong nagbihis...Saktong tapos na ko magbihis ng mag alarm ang cellphone...Bumaba na ko at sinamsam ang nilabhan ko..at dumiretso na sa dryer area..mabuti walang pila kung kaya sinalang ko na ang damit ko..Pagkasalang ko ng damit ko umakyat ulit ako para magalarm..mga kumot lang ang drinyer ko kasi baka masyadong matusta mga damit ko kunv isasama ko pa sa dryer..40minutes ba naman yun...Naisipan ko na lang isampay yung mga nawashing kong damit tutal parang tuyo na din  naman yun..konting hangin na lang at pwede na tupiin...Nararamdaman kong mejo sinisipag ako ng konti kaya naman..naisipan kong maglampaso ng room namen...kinudkod ko din ang sahig at bowl ng cr..Malapit na ko matapos sa paglilinis ng tumunog ang alarm ko..hudyat na tapos na yung drinadryer ko..Tinapos ko na ang paglilinis at naghugas ng kamay at bumaba na para kunin ang nilabhan ko.. Tpos ko ng tiklupin ang nilabhan ko..ng maramdaman kong gusto ko ng ice cream...Kayat bumaba ako apra pumunta sa coop. Coop yung tawag sa tindhan sa loob ng dorm namen na pinamamahalaan ng chekwa..Mostly mga snacks at daily necessities ang laman ng tindahan..at syempre may ice cream..Pabalik na ko sa room matapos kong makabili ng ice cream..ng mamataan ko ang pamilyar na kotse sa labas ng dorm namen..GRILL lang yung gate namen kaya kita ang mga nakaparadang sasa kyan sa labas ng dorm.  kay Mike yun..Marami mang ganung kulay at modelo ng sasakyan...pero iisa lang yung ganung may plate number..at sigurado ako kay Mike yun..Dali dali akong pumunta sa room para tingnan ang cellphone ko...Binuksan ko iyon at binasa ang mensahe ni Mike "Im here outside...lets talk.."magaalas diyes ng umaga ng isent sa akin ang mensaheng iyon.. anong oras na ngayon...mag aalas kwatro na ng hapon..halos anim na oras na siyang nagaantay sa labas..bakit hindi siya tumawag?Hindi ko narinig tumunog ang pamilyar kong ringtone..Chineck ko ang sounds setting ko...sheeeeetttt...nakasilent pala ako...At 50missed call na ang nagawa niya... marahil nakita niya na nabasa ko na ang mga message niya kung kayat tumawag na siya...Hala..anong sasabihin ko...Kumain na kaya ito?Baka nalipasan na ng gutom..Maaaaring payat ito pero malakas toh kumaen...Bantulot kong sinagod ang tawag... "Hello.... "Thank God...youve answered the phone..Are you okay?"tanong nito pagkasagot ko ng tawag.. Nawala yung tampo ko ng marinig ko yung boses niya..Yung tipong anim na oras siya nagantay pero walang inis o galit pero pagaalala ang narinig ko sa boses niya.. "Molin..wait for me outside after 10minutes okay?I will just get us something to eat"at pinatay na nito ang tawag.. eksaktong sampung minuto ang lumipas bumaba na ko para antayin siya..kaso andun na siya..at ako ang inaantay...Kumaway siya sa akin..Nakita ko siyang may bitbit na paperbag.Pagkaen ang laman niyon base sa nakatatak na Mcdonalds sa paperbag..Hanggang gate lang ako pwede..hindi ako pedeng lumabas at kinumpiska ang swipe at id card ko.Pero pede naman tumanggap ng bisita basta magiiwan ng id ang visitor kapalit ng pass.Tapos na magfill up si Mike ng visitor's form kung kayat nakapasok na siya gamit ang swipe card na binigay..Inakbayan niya ko ng makapasok siya..iginiya ko siya sa may canteen area..dun lng pede ang bisita eh... Binuklat ko ang dala niya pagkaupo namen...Parang pang limang serving ng burger at chicken ang dala niya..Hindi naman ito gutom at ang daming fries..may sundae pa... "Are you okay?!"ulit na tanong niya sa akin..Nakailang tanong na ito sa akin..paulit ulit din naman na... "Yes i am.."ang sagot ko.. "Is the Mc that Bad?" so yung Mc ko inaalala niya..Yung selos ko kaya itanong mo din..bulong ng puso ko..Oo super ngselos ako at until now..palaisipan pa din sakin yung babaeng iyon na nasa kama niya..Kaso ang hirap naman na yun agad ang topic namen..Baka hindi pa makakain ito ng maayos at mukang ganado pa naman..naubos na yung isang burger at fries eh..Isa pa..may pasok toh ngayon ah..kung alas diyes palang ng umaga nasa labas na toh ng dorm namen..anu yun..hindi ito pumasok?! "Did you not go to work today too?!"isinatinig ko ang tanong sa isip ko.. Nakita ko siyang sumipsip muna ng cola..bago sumagot "The boss called me yesterday night..so i have to go to work at around 10pm"he answered me and take a big bite in his "second" burger... 10pm?as in 10 in the evening?Kung pumasok eto ng trabaho..sino yung sumagot ng  tawag ko kagabi..Naguguluhan ako...Tila naman nahulaan niya ang nasa utak ko kung kayat kusa na itong nagsalita.. "it was Yohka...His my cousin....I was in a hurry so i left my phone at home..He asked if he could stay with his "friend"of his in the house...And yah.. shes the girl you asked about yesterday..." Nakanganga ako habang nagpapaliwanag siya..So wala ngang basehan ang selos ko..Ibig sabihin..wala din kwenta yung baldeng baldeng iniluha ko..Namaga pa mata ko dahil dun..Lintik na Yohka yun..naguwi na nga ng babae sa bahay ng nobyo ko..nangingialam pa ng cellphone ng may cellphone...Humanda yun sa akin pag nakita ko yun eh..Hindi pa man...i dont like him na agad...Muntik pa kaming magkasira ni Mike dahil dun.. "Close your mouth honey...you are so tempting..I want to kiss you.."sabay subo sakin ng fries dahilan para isara ko ang bibig ko para nguyain ang sinubo niyang fries.. Kinilig nanaman ako...Eto masarap after ng away eh...yung kiss and make up..kaso mauudlot pa yung kiss na yun dahil bukod sa nasa public kami..ay.. magpapaliwanag pa ko.. "You still have explaining to do.."sabi nito..seryoso ang mukha..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD