Hindi maipinta ang mukha ni Lorraine habang nakatitig sa flat na gulong ng kanyang kotse. Maaga pa naman syang umalis dahil marami pa syang gagawin sa opisina pero napunta lang ito sa wala. Gusto sana nyang tawagan ang personal driver nila pero dumagdag pa sa kanyang kamalasan na ngayon pa talaga nya naiwan ang cellphone nya.. Napunta pa naman sya sa lugar na kung saan walang masyadong dumadaan na taxi.
"Ang malas naman ng araw na ito."
Napasabunot na lang sya sa kanyang buhok at bakas sa mukha nya ang frustration.
Napatingin sya sa kanyang wrist watch at lalo lang nalukot ang kanyang mukha ng makita na it's already 8 am. For anyone's sake 6 am pa sya umalis sa kanilang bahay.
Habang inis na inis syang nakatitig sa kanyang gulong hindi nya namalayan na may taong tumabi na pala sa kanya kung hindi pa ito nagsalita.
"Kahit matanggal pa ang mata mo dyan sa kakatitig sa flat mong gulong, di yan babalik sa dati nyang anyo"
Napatingin sya sa taong nagsalita at halos malaglag ang puso nya ng makilala nya ito kahit pa nakasuot ito ng sunglass.
"Patrick?" ngumisi ito sa kanya at tinanggal ang kanyang suot na sunglass. Hindi nya maiwasan na mapatitig sa kulay berde nitong mata. Ang ganda pa rin ng mga ito. Hindi pa rin nawawala ang paghanga nya sa magaganda nitong mga mata. Napabalik lang ito sa kanyang ulirat ng tumikhim ito.
"H'wag ka naman masyadong pahalata na nagwagwapuhan ka sa akin" may ngisi nitong sabi
"Sino ba nagsabi sa iyo na nagwagwapuhan ako sa iyo?" Pagtataray nya dito.
"7 years na ang nakalipas pero hanggang ngayon sinungaling ka pa rin Kate? Napakahirap ba talaga sa iyo ang magsabi ng totoo?" walang emosyon nitong litanya.
"I'm not......" Sasagot na sana sya sa tanong nito ng pinutol nito ang sasabihin nya.
"Tumawag ka na ba sa kahit sino para tulungan ka?"
"Naiwan ko cellphone ko sa bahay"
Akala nya may sasabihin ito pero wala, iniabot lang nito sa kanya ang cellphone nito.
"Siguro naman saulo mo number ng boyfriend mo?" tanong ng binata sa kanya sa isang sarkasmong boses.
"Wala akong boyfriend, pero driver meron" sabay kuha ng cellphone nito sa kanya at idinial ang number ng kanilang personal driver. Ilang ring lang ay sumagot ito.
Sa kabilang banda, hindi mapigilan ni Patrick na lihim na mapangiti sa nalaman nitong wala itong boyfriend. Pero agad nya ring tinunaw sa isipan ang nararamdaman nyang ito. Hindi na dapat sya makaramdam ng ganito sa dalaga, sinaktan na sya nito at ayaw nya na ulit maging mukhang tanga sa harapan nito.
"Kuya Ben, si Lorraine po ito. Naflatan po ako dito sa bandang *******. Pwede po kaya kayo pumunta dito at pakiayos po ito?" sunod-sunod na litanya ng dalaga sa kausap nito sa kabilang linya. Nanahimik ito saglit para marinig ang sasabihin ng kausap nya sa telepono.
"Tumawag po sa inyo si Dad?" Hindi maiwasan ng binata ng magaalala sa dalaga na makikita sa mukha na kinakabahan ito, kahit 7 years na ang nakalipas para pa rin isa itong open book na madali nyang nababasa ang nararamdaman nito. Ano kayang nangyari? Hindi nya maiwasang magtanong sa sarili.
Biglang nakaramdam ng matinding kaba si Lorraine ng bigla nya naalala na may appointment nga pala sya ngayong 8 am. May kakausapin nga pala sya ngayong investor. Malamang nandoon na yun at kaya tumawag ang kanyang Daddy sa kanyang druver ay dahil ayaw nito na pinahihintay ang mga investor na imemeet nila. Hindi nya maiwasan mainis sa sarili kung bakit kasi naiwan ang cellphone sa bahay nila.
"Kuya Ben, matatagalan pa bo kayo? May duplicate key naman po di ba kayo ng kotse ko, iiwan ko na lang po dito, pakihatid na lang po sa opisina. Salamat po." Pagkatapos ng usapan nila ng driver nila, humarap ito kay Patrick tahimik lang na nakamasid sa kanya at iniabot dito ang kanyang cellphone.
"Salamat"
"You look worried? Something happened?" Tanong nito ng iniabot nya ang kanyang cellphone galing dito.
"Nothing, pero pwede bang humingi ng pabor? Pwede mo ba akong ihatid sa opisina. Promise ko sa iyo, babayaran kita kahit magkano o kahit ano" ayaw nyang magalit ang Dad nya sa kanya kaya kung kailangan nyang lunukin ang pride nya para makarating sa opisina ay gagawin nya.
Halatang nagulat ito sa kanyang sinabi sa halip na sagutin sya, umalis lang ito sa tabi nya at diretsong pumunta sa kanyang kotse. Halos manlumo sya dahil halatang ayaw nyang gawin ang pabor na hinihingi nya. Sino ba naman sya? Sya lang naman ang babaeng nanakit dito? Tapos gagawan pa ng pabor? Ano sya sinusuwerte?
Pero naputol ang pag-iisip nya ng bigla sya nitong tinawag.
"Tutunganga ka na lang ba dyan?"
Agad syang napangiti at dali dali pumunta sa kotse nito at sumakay sa backseat.
"Seriously? Dyan ka talaga uupo?" Inis na tanong nito sa kanya.
"Bakit masama?" Balik tanong nya dito.
"Oo, kasi hindi mo ako driver. Pwede bang lumipat ka dito sa passenger seat." inis na sagot nito sa kanya.
Siya naman ay may sinusupil na ngiti.
Bumaba sya sa backseat at lumipat sa passenger seat.
Nakakunot naman ang noo ni Patrick na nakatitig sa nakangiting mukha nya ng makaupo sya sa passenger seat.
"Bakit ka nakangiti? Para ka dyang tanga." Inis na sabi nito sa kanya
"Wala lang, ang dami mo kasing dahilan, gusto mo lang naman ako makatabi" pangaasar nya dito.
Biglang sumeryoso ang mukha nito at tumingin sa harapan.
"Don't assume too much Kate, Baka lang masaktan ka sa bandang huli. Hindi mo makakaya ang sakit ng pinaasa ka lang"
Biglang nawala ang ngiti nito sa labi at napalitan ito ng sakit. Bakit ba kasi kailangan pa nito ipaalala ang ginawa nya dito noon?
Nabalot ng katahimikan ang buong kotse, tanging tunog lang makina ng sasakyan ang maririnig. Hindi na kasi magawa ni Lorraine na makapagsalita matapos ang huling sinabi sa kanya ni Patrick. Tinuon na lang nya ang paningin nya sa labas ng bintana, medyo malapit na rin naman sila sa kanilang opisina at alam nya na ilang minuto lang ang ilalagi nya sa kotse nito, pagkatapos nito hindi na rin naman sila magkikita ulit.
Hindi dapat syang umaaktong normal lang ang lahat sa kanila ni Patrick, alam nya kung anong nagawa nya sa lalaki. Nasaktan nya ito, kaya nga hindi nya maintindihan kung bakit pumayag sya sa pabor na hinihingi nito. Sino ba naman ang matinong tao na matapos kang saktan ay gagawan pa ng pabor? Siguro nga nakamove-on na siya at wala na syang nararamdaman kaya wala lang sa kanya kahit pa magkasama sila ngayon. Tama naman siya, dapat di ako magassume sa simpleng pabor na ito, naawa lang sya sa akin kaya nya ginawa ito. Walang ibang meaning ang lahat ng ito. Umaasa lang talaga sya.
Nawala lang sya sa malalim nyang iniisip ng tumgil ang kotse at nasa harap na sila ng kompanya nila.
"Salamat, at pasensya na sa abala" wika nya rito na hindi magawang tumingin sa binata.
Akmang bubuksan nya na ang pinto ng kotse ng maramdaman nyang gumalaw ang katabi nya at lumapit sa kanya. Hindi nya inaasahan ang huli nitong ginawa, masuyo nitong hinawakan ang kanyang magkabilang pisngi at pinilit na ilapit ang kanyang mukha sa kanyang mukha at huli na nya naunawaan kung bakit nya ginawa ito nang magkadikit na ang kanilang mga labi.
Hindi makapaniwalang napatingin sya kay Patrick na sinisimulan ng ayusin ang kanyang seatbelt. It take her almost a minute para makareact sa ginawa nito sa kanya.
"Bakit mo ako hinalikan?" Tanong nya dito ng bumalik na sya sa kanyang katinuan.
"Di ba sabi mo babayaran mo ako ng kahit ano? That's your payment. Hindi kasi ako tumanggap ng perang kabayaran, hindi lang kasi ikaw ang mayaman sa mundo" ngising sagot nito sa kanya.
"But it was different thing" sagot nya naman dito.
"Don't be overreacted Kate, It was just a simple kiss. I used to do that with all my girls out there." simpleng sagot nito sa kanya na agad nagpakulo sa dugo nya.
"Siguro naman sapat na yun? Bayad na ako sa abala na ginawa ko." May iritasyong sabi nya dito bago mabilis na bumaba ng kotse.
Pagpasok nya sa kompanya, hindi na nya magawa batiin pabalik ang empleyadong bumabati sa kanya. Malapit ng mag 9am at paniguradong naiinis na ang investor na iyon sa kanya dahil sobrang late nya na sa usapang meeting nila. Agad na pumasok sya sa elevator at pinindot ang floor number kung saan ang opisina ng Daddy nya. Pagbukas ng elevator, mabilis syang naglakad at naabutan ang Daddy nya na may kinakamayan na isang middle aged man na nakabusiness suit sa tapat ng pinto at ito ang investor na sana ay kakausapin nya. Napadako ang tingin ng Daddy nya sa kanya at hindi nya magawang basahin kung ano ang iniisip nya, galit ba ito sa kanya? O okay lang kasi based sa nakita nya ay nagkaroon sila ng magandang deal ng investor? Kung ano man yun, alam nya na hindi maganda ang kinalabasan ng nagawa nya.
Agad syang napatayo ng marinig na bumukas ang pinto ng opisina ng Daddy nya. Pumasok ang Daddy nya dito na galing sa baba dahil inihatid nito ang investor na kausap nya kanina.
"Why are you here Lorraine? I thought you have many appointments to do?" walang mababasang emosyon sa boses nito.
"I'm just here Dad, to ask apology for what I have done. This is very irresponsible for me to be late on the meeting with our investor. I promise you Dad, it won't happen again." hindi nya magawang makatingin ng diretso sa mata ng kanyang ama. This is the first time na nalate sya sa meeting and almost losing that investment, and she's very afraid that her father might felt dissapointment to her because of this kaya nga heto sya at humihingi agad ng tawad sa nagawa nya.
"This is the first time Kate, and I am asking you this now, kaya mo ba talaga na ipagsabay lahat ng appointments mo sa appointments ko next week? I can talk with your mom, kung hindi mo talaga kaya? Hindi na natin ipipilit." mahinahon nitong tanong sa kanya.
Napatingin sya sa kanyang Daddy at bakas ang lungkot sa mga mukha nya na nagtanong dito
"Wala ka na bang tiwala sa akin Dad?"
"Nag-aalala lang kasi ako na baka hindi mo kayanin ang ipagsabay ang appointments ko sa appointments mo. Big investors ang kakausapin ko next week na ipapagkatiwala ko sa iyo and losing their investments will be our big lost"
"Dad I can handle it. Please trust me."
Alam nya na mahirap nga pagsabayin ang appointments nila ng Daddy nya pero alam nya naman na kakayanin nya ito. She don't want to dissapoint her Mom, nakita nito kung gaano kasaya ito ng pumayag ang Dad nila sa Family bonding na plinano nito. Alam nya na maiintindihan ng Mommy nya ang Daddy nya kung sakaling hindi matuloy ang family bonding ng mga ito, but she's also very sure na masasaktan at malulungkot ito ng sobra and she don't want it to happen.
"You know what, I'll just talk with your Mom. Maybe we can reschedule that family bonding" mahinahon na sabi nito pero alam nya na buo na ang desisyon nito at hindi nya na mababago ito. And she can't stop blaming herself silently for this and now, hindi nya alam kung paano haharapin ang mom at ang kapatid nito. She probably know that both of them will be dissapointed to her just like her father and with that she felt again the usual feeling of being worthless, and its very painful.
******
"Hey Bud! Buti nakarating ka? Iiyak na sana ako eh kung hindi ka sisipot ngayon sa kaarawan ko" Salubong bati ni Fred kay Patrick sabay abot dito ng isang boteng beer ng makarating ito sa inuukupa nilang table. Fred is Patrick's bestfriend since college.
"Hindi mo birthday ngayon gago." Masayang sagot nito sa kaibigan
"Hindi ba? Ba't ako ang magbabayad lahat ng iinumin natin kung hindi ko birthday?"
"Ewan ko sa iyo bud, lasing ka na yata. Pero speaking of, nasaan na pala ang dalawang yun na katulad mong abnormal?"
Ang tinutukoy nya ay ang dalawa pa nilang kaibigan na sina Greg at Steve.
"Greg still not here, and Steve, hayun may kalaplapan na." turo nya sa dancefloor gamit ang bote ng beer na iniinom nya.
"Eh ikaw? Wag mong sabihin na iinom ka lang dito?" Tanong nya naman dito.
"Nah, hinintay lang talaga kita para ikaw na ang bahala magbantay sa kanya. Kanina pa raw yun umiinom doon, since I am your hot bestfriend binantayan ko, baka kasi biglang may lalaking umaligid eh. At alam kung di mo yun magugustan. Kaya may utang ka sa akin."
"Sino naman ang tinutukoy mo?" may pagtatakang tanong nya dito.
"Siya," turo nya sa isang babaeng umiinom sa harapan ng bartender. At ng makilala nya ang babae, agad syang nagpaalam kay Fred at deretsong pumunta doon.
"Kate?" napalingon naman sa kanya ang babae at halata sa mukha nito at galaw na lasing na ito.
"Sino ka? Ikaw ba si Patrick? Siya lang tumatawag ng Kate sa akin eh."
Napabuntong hininga na lang sya sa tanong nito. Halatang lasing na talaga ito.
Kinuha nya ang wallet nya at ibinigay sa bartender ang credit card nito para bayaran lahat ng nainom ng babaeng ito. Nang matapos nyang bayaran ang lahat naorder ni Lorraine, binuhat nya si Lorraine na mahimbing ng natutulog.
"Lakas ng loob mong maglasing, di mo naman pala kayang panindigan" pangaral nya dito kahit alam nya na tulog na ito.
Dahan-dahan nyang iniupo si Lorraine sa passenger seat at iniayos muna nya ang seatbelt nito bago tumungo sa driver's seat.
Akmang paaandarin nya na ang makina ng sasakyan when realization hit his mind.
"Sh*t, saan nga pala kita dadalhin? Hindi ko nga pala alam ang address ng bahay nyo."
"Please don't take me home Pat, I'm not yet ready to face their dissapointments. Please take me anywhere else, wag lang sa bahay. Should I kiss you like what you did to me before to do me again a favor?" napalingon sya dito na hindi man lang nya naramdaman na nagising na pala pero nanatili pa ring pikit ang mga mata. Hindi nya maiwasan na magalala nang makita na sobrang lungkot ng ekpresyon nito sa mukha, halatang may mabigat na dinaramdam ang dalaga at wala syang kahit anong ideya kung ano ito.
"Kate, I should bring you home. What is your address?" Mahinahon nyang taning sa dalaga but instead of telling him her address, She just leaned to get near to him and what next she did, gives him unexplainable great feeling like what he felt before when he was the one who did the same thing.
"I kissed you already Pat, please bring me anywhere else except my home"
Napabuntong hininga na lang sya at nagdrive na papunta sa kanyang inuukupang condo unit. This night will be t*****e for him, one of the last things on his list is that for him and her to be together at his condo. Pero hindi nya naman magawang ihatid ito sa isang hotel dahil nangangamba sya na baka may masamang mangyari pa dito. He just wish na sana mapigilan nya ang kanyang sarili sa posibilidad na pwedeng mangyari. A big good luck for him then.
A/N: Done with the Chapter 3. Hope you like it. Thank you for reading.