Euzeine Von Luiz Foundation of Troop Endeavour “Hanggang kailan ka ba magiging sakim, Euzeine?” agad kong naramdaman ang p*******t ng aking pisngi nang maramdaman ang suntok roon ng lalaki sa aking harapan, napaismid lamang ako at tinignan siya--- tumambad sa akin ang ekspresyon ng kaniyang mukha, tuluyan na akong nasuka nang mapagtanto ang ekspresyon na iyon. Ekspresyon ng pagkabigo. “Tapos ka na, Etheren?” naitanong ko na lamang at hindi na pinansin pa ang ekspresyon ng kaniyang mukha, napaawang ang labi nito sa akin. “Ethanor.” Giit pa niya, iyon na pala ang ginagamit niyang pangalan. Nag-kibit balikat na lamang ako at napatingin sa kalangitan

