Isang linggo matapos nilang ipagdiwang ang kanilang anibersaryo, nagpunta sa isang misyon ang tatlong binata at ganoon na lamang ang kanilang pagkagimbal nang makita ang isang papel kung saan nakaguhit ang naka-ngiting mukha ni Hasina. Nagkaroon ng konting argumento ang lima lalo na’t hindi talaga sila sigurado kung si Hasina nga ba ang nasa litrato lalo na’t punit-punit na iyon at iba pa ang kulay ng mata kesya nakasanayan nilang Hasina, halatang may galit ang kung sino mang huling nakahawak sa papel dahil nagmukha na iyong basura. “Paano kung si Hasina nga tong nasa litrato at nalaman ng Maharaja na siya’y nabubuhay pa, anong gagawin natin?” nabalutan ng pag-aalala ang boses ng dalagang si Ursaillune, nagkatinginan ang tatlo lalo na’t pag-dating sa ganitong bagay ay wala silang magagaw

