“AYOS ka lang ba Shi?” si Ursaillune, tumango lamang ang dalagang si Hasina. Kapansin-pansin kasi ang pamumutla at panghihina ng dalaga, halatang-halata rin ang pangingitim ng ilalim ng kaniyang mata na para bang ilang araw na itong nagpupuyat. “Magpahinga ka na lang kaya, muna?” Si Aveone, napansin rin ang kinalalagyan ng dalagang kaibigan. Ilang araw na rin itong ganito at hindi na nila mapigilan pa ang mag-alala. “Ayos lang ako no!” naka-ngiting giit nito ngunit halata ang katamlayan sa boses nito, napailing na lamang si Aveone at nilapitan ang dalaga na nakasandal sa hamba ng pintuan. “Ang tigas talaga ng ulo niyo, mga inutil.” Inakbayan niya ito at saka giniya paalis sa kusina kung saan kasalukuyan silang naghahanda ng hapunan. “Ingat ka diyan Grae!” pagpaalam niya sa kaibigan n

