STRENGTH Octavus Amadeuz Sanzio “Kung kinakailangan itago natin si Hasina upang maprotektahan siya, gawin natin iyon.” Napakurap ako ng ilang beses sa sinabi ni Kapitan, napalunok ako at hinayaan siyang punitin ang papel na iyon. Tuluyan na akong napa-ngiwi nang makitang agad siyang binatukan ni Devoeneyo. “Tontong mortal! Bakit mo pinunit?” at kinuha nito ang ngayo’y punit-punit ng papel kung saan nakaguhit ang mukha ni Hasina. Samantalang napakamot na sa kaniyang ulo si Kapitan. “Ewan ko sa inyo mga tonto!” singhal nito sa amin at nag-anyong paniki, saka ito lumipad palayo. Narinig ko ang pag-buntong hininga ni Kapitan kaya nama’y nilingon ko siya. “Nag-aalala ako kay Devo, Otso.” Malumanay nitong wika. “Ilang araw na rin tayong naglilibot sa iba’t-ibang nayon para lang

