“NAKAHANDA NA BA ANG LAHAT?” tanong ni Euzeine, saglit na nagkatinginan ang lima kasali si Hasina at sabay-sabay na sumagot sa Kapitan. “Naka-handa na, Kapitan.” Napa-ngisi si Euzeine at nilingon ang binatang si Octavus na nasa tabi niya lamang “Otso, handa na ba?” “Handa na ang lahat at ayon ito sa inuutos mo Kapitan!” deklara ng binatang lobo kaya napatango-tango ang binatang magnanakaw at saka lumundag paibaba sa lupa. Galing kasi siya sa balkonahe ng kanilang bahay, hugis T iyon at naroon sa ibabaw ang binatang lobo samantalang nasa ibaba ang natitira kasama si Euzeine. Nakatingala lamang sila sa itaas at hinihintay ang senyales ng Kapitan. “Siya, ilabas ang apoy ng pagsasama!” at sa isang iglap ay napuno bigla ng makukulay at engrandeng bulaklak ang madilim at malawak kalangita

