Mula sa kalayuan ay dali-daling tumakbo pauwi ang dalagang si Ursaillune, bagay na ikinagulat ng tatlong binata lalo na’t ang alam nila ay pagod ito sa misyon na silang apat lamang ang gumawa. Dalawang araw na ang nagdaan at ngayon lamang sila nakauwi, mula noong isinagawa nila ang kanilang misyon at dalawang araw na rin ang nakalipas simula noong narinig ni Ursaillune ang usapan ng dalawang dalaga, sa totoo lang ay nangangati na siyang umuwi ngunit ayaw naman niyang iwan ang mga binata na takot sa itim na lambana. Nakayakap kasi sa kaniya ang mga ito na parang mga tanga at ang lungkot pa. “Saillune, mahal na mahal ka namin.” Si Kapitan. “Tontang babaylan, nakakabwisit ka.” Hindi na natuloy ng binatang lobo ang kaniyang pangungusap lalo na’t lumawak ang ngiti ng dalagang babay

