“ANONG SABI NG Hari ng Edwarden, Ponzilitto?” tanong ng Maharaja nang marinig ang pagbukas ng pinto sa kaniyang korte, pumasok roon ang datu na halatang kinakabahan lalo na’t nanginginig ang kamay nito. Napailing na lamang ang Maharaja, sa tingin niya’y nagilabot na naman ang datu sa kabilang kaharian. Hindi naman niya ito masisi. Pawang-kadiliman kasi ang naroon at mas agresibo ang mga halimaw, iyon nga lang tuwing gabi lang lumalabas ang mga ito. Bago nagsalita ay yumuko muna ang Datu bilang pagbabati at sinaluduhan ang Maharaja. “Nakausap ko na ho ang tagapag-payo ng Amang Hari ng Kaharian ng Kadiliman.” Panimula ng Datu kung kaya ay sumenyas ang Maharaja na magpatuloy. “Hindi daw sila ang nagpadala sa mga halimaw na gumagambala dito sa ating Kaharian.” Napalunok ang Datu mat

