Tumatango-tango na lamang si Hasina, hindi niya mapigilan ang masamid sa sarili niyang laway kaya tuluyan na siyang napaubo. Samantalang nag-iyakan pa rin ang mga bata sa kaniyang likuran. “Siya nga pala, alam niyo ba kung nasaan ang halimaw na Hasina?” tanong ng isa pang binata, kung kaya ay tuluyan nang lumakas ang hagulholan ng mga bata at mas lalong naubo si Hasina. “Kayo ang mga halimaw, bakit niyo papatayin si Binibining Hasina?!” tanong ng isang batang babae, kaagad naman itong niyakap ng kaniyang kaibigan. “Oo nga, ang bait ni Binibining Hasina sa amin! Tapos sasabihin niyong papaslangin niyo siya!” humagulhol sa iyak ang isang batang lalaki kaya tuluyan nang natunaw ang puso ni Hasina. Tumalikod siya mula sa apat at hinarap ang mga bata sa kaniyang likuran, doon lamang niya na

