RAMDAM na ramdam ang malamig na simoy ng hangin, napakalamig at nakakapanindig balahibo. Kapansin-pansin ang nangingitim na kalangitan, na para bang konting maling galaw ay sasabog iyon at tuluyan nang bubuhos ang malakas na ulan. “Kapitan..” sigaw ng binatang lobo nang maramdaman ang mabibigat at malalaking patak ng ulan sa kaniyang balat, parang kanina lang ay umaambon ngunit ngayon ay umuulan na ng malakas, palakas ng palakas ang ulan. Nakakabingi ang bawat patak ng ulan na tumatama sa lupa at patuloy na umiihip ang malakas na hangin. “Tontong Mortal! Gising!” tuluyan nang dumapo sa pisngi ng binatang magnanakaw ang malutong na sampal mula kay Devoene, basang-basa rin sa ulan ang binatang bampira ngunit hindi iyon alintana lalo na’t mas nag-aalala siya sa kasalukuyan ni Euzeine, kani

