⚓Troop Episode 07

2857 Words
Ang buong lupain mismo ay parang mahika, mula sa mga nilalang na tumira sa mga kagubatan na nagbibigay buhay sa bawat puno at mga bulaklak na naroon. Sa apat na diwata ng apat na kabukiran na nagsisilbing tagapag-protekta na pumapalibot sa kaharian, lahat ng mga nilalang sa lupaing Soar ay nagsisilbing taga-gabay ni Euzeine at ng dalawang binate sa kanilang mga paglalakbay. Lingid man sa kaalaman ng kaniyang kasamahan, ang bawat bato na kaniyang pinupulot sa maputik na lupa ay ang mga gabay na nagtuturo kung nasaan ang mga halimaw nagtatago, bukod roon ay ginagabayan rin sila ng hangin ni Amihan. Kotang-kota na ni Euzeine ang bawat routa, mula sa pinakamalayo hanggang sa pinakamalapit ngunit kailanman ay hindi pa niya naapakan ang Kaharian ng Edwarden, ang kaharian ng binatang bampira at lobo ayon sa bali-balita na kaniyang naririnig mula sa mga alipin na isang nakakatakot na kaharian daw ang Edwarden, tirahan kasi ito ng mga nilalang ng kadiliman gaya ng mga bampira, lobo at iilang mangkukulam, andoon rin ang ilang mga nilalang na nabubuhay lamang sa kadiliman at gaya ng sinasabi nilang Kaharian ng Kadiliman, nababalot nga ng kadiliman ang kaharian ng Edwarden at tanging buwan lamang ang nagbibigay ilaw dito. "Otso, maari ko bang malaman kung bakit kayo nagtungo dito sa Kaharian ng Ilaw?” hindi na napigilan ni Euzeine ang makyuryos, hindi naman ipinagbawal ang pagtutungo sa iba't-ibang kaharian lalo na't laging nagaganap ang pagpapalit ng kalakalan at negosyo ngunit andoon pa rin ang pakiramdam niya na kakaiba ang dahilan ng dalawa upang sila'y magtungo rito sa kaharian lalo na't alam niyang galing sa royalidad ang dalawa, si Devoene na anak ng Hari ng Edwarden at si Devoene na anak ng isang datu.   Kaagad na natigilan ang binatang lobo sa naitanong ng kapitan sa kaniya, dahan-dahan niyang ibinaba ang hawak niyang karne na nakatusok sa kawayan at tinitigan ang binatang magnanakaw at saka binaling ang tingin sa binatang bampira. "Sekreto." maikling giit niya at muling bumalik ang seryosong ekspresyon sa mukha nito, unti-unting nawala ang bibo nitong awra kanina lang. Walang nagawa si Euzeine, ayaw naman niyang pilitin ang binata ngunit may kutob siyang iba ang dahilan kung bakit nag-tungo ang dalawa dito. Alanganing napa-ngiti si Euzeine at napatayo saka nilapitan ang binatang bampira  na ngayo'y naka-sandal at nakapikit na ang mga mata, mukhang nakatulog ulit ang binata. "Magiging, ayos lang ba si Devoenyo?" inilagay ni Euzeine ang kaniyang palad sa noo ng binatang bampira, hindi niya mapigilan ang mag-alala lalo na't tatlong araw na ang nagdaan at ganito pa rin ang kondisyon ng binata. "Magiging ayos lang ang prinsipe kapitan, wag kang mag-alala." kampanteng giit ni Octavus na kasalukuyang hinuhubad ang pang-itaas na damit, kitang-kita tuloy ang matigas nitong kalamnan pati ang mga ugat nito na sumusunod sa bawat galaw ng binata, bukod roon ay kapansin-pansin rin ang tatu sa gilid ng katawan nito. Isa iyong lobo na may kagat na bulaklak, kapareho iyon sa tatu ni Euzeine na agila at may bitbit ring maliit na bulaklak, nakalagay iyon sa gitnang daliri ng kaniyang kanang kamay at sa binatang bampira naman ay isang paniki na may dala ring maliit na bulaklak at nakalagay iyon sa kaniyang leeg. "May problema ba?" mungkahi ni Octavus, kanina pa kasi nakatitig si Euzeine sa kaniyang katawan kung kaya ay hindi na niya napigilan pa ang mailang lalo na't pareho silang lalaki. Umiling lamang ang kapitan at naka-ngiting tumingala sa kalangitan, mataas ang sikat ng araw ngunit hindi sila naiinitan o di kaya'y nasisilawan lalo na't nakaharang ang makakapal na dahon ng ilang puno. "Tutuparin ko ang aking pangako Ina, sasagipin ko siya at ang buong Lupain." at sa sinabi niyang iyon, tuluyan ng umihip ang malakas na hanging dala ni Amihan. Saglit niyang ipinikit ang kaniyang mata at itinaas ang mga daliri sa ere, ngunit kaagad ring naputol ang kaniyang pag-munimuni nang marinig ang isang boses. "Iho, alam mo ba ang direksyon papunta sa sentro ng Kaharian ng Sorealiz?" malamlam na giit ng matanda kaya namay agad na napabangon si Euzeine at nilingon ang nagsalita. Isa iyong matandang babae, kulubot na ang balat at halos puti na ang buhok nito may dala rin itong basket na naglalaman ng klase-klaseng prutas sa kaliwang kamay habang sa kanang kamay naman ay may hawak itong baston na yari sa kahoy ng mahogany na nagsisilbing suporta sa paglalakad nito.   "Nawawala ho ba kayo?" gulat na saad ni Euzeine matapos mapagtanto ang tanong ng matanda, samantalang si Octavus nama'y kanina pa nasapo ang kaniyang noo, hindi niya talaga mabasa ang takbo ng utak ng Kapitan masyado naman kasing halata na nawawala ng matanda, kaya nga ito nagtanong 'diba? "Oo, iho nais ko kasing ibigay sa aking apo itong naani kong mga prutas ngunit natagpuan ko na lang ang sarili ko sa loob ng gubat na'to." dismayadong giit ng matanda kaya namay agad na nakaramdam ng awa si Euzeine sa matanda. "Nasaan po ba ang apo niyo?" magalang niyang tanong rito at kinuha pa ng putol na kahoy ang matanda upang makaupo ito ngunit tumanggi ito lalo na't nais na nitong magtungo sa sentro. "Sumali kasi sa isang paligsahan yung mahal kong apo at nagaganap ang paligsahan na iyon sa parating na Huwebes, balita ko'y tumatanggap na raw ang kaharian ng mga mandirigma na galing sa mahirap na pamilya." naka-ngiting giit ng matanda kung kaya ay napantig ang tenga ni Euzeine, "tungkol saan po ba ang paligsahan?" "Ahh, sabi nila ay tungkol raw ito sa pagrerecruit ng bagong maharlika na dadakip sa mga criminal na lumalabag sa batas." giit pa ng matanda kaya nama'y napatang-tango si Euzeine. Ang alam kasi niya ay hindi lang basta-bastang tumatanggap ng mandirigma ang kaharian ng sorealiz lalo na't yung mga royalidad at nabibilang sa mayayamang pamilya lamang ang angkop na tawaging maharlika kaya ganoon na lang rin ang kaniyang pagkagimbal nang malamang nangunguha ng bagong mandirigma ang kaharian. "Nais kong ibigay sa aking apo itong mga prutas bilang pagbabati ko sa kaniya." malungkot na giit ng matanda kung kaya ay kaagad na nagka-ideya si Euzeine. "Ihahatid ko na po kayo sa sentro." giit ni Euzeine kaya nama'y agad siyang binatukan ni Octavus na kanina pa pala nakinig sa kanilang dalawa. "Kapitan, ano ba yang sinasabi mo?" pabulong nitong giit habang naka-akbay pa sa kaniya, tinuro-turo pa nito ang matandang babae na ngayo'y nakatitig na sa tulog na si Devoene. "Bakit, may mali ba?" pabulong rin na tanong ni Euzeine, napanguso ang binatang lobo at itinuro ang matandang babae. "sa tingin mo ba ay hindi kaduda-duda ang gurang na 'yan?" napakurap si Euzeine saglit, akala ni Octavus na nakuha na ng kapitan ang kaniyang pinaparating ngunit ganoon na lang rin ang kaniyang pagkadismaya nang makita itong nakasimangot kung kaya ay wala siyang nagawa kundi ang magpaliwanag gaya ng lagi niyang ginagawa sa kapitan tuwing may hindi ito naiintindihan. "Una sa lahat, bigla na lang yang sumulpot sa kawalan." tumango-tango si Euzeine. "Pangalawa, bakit siya nandito sa gubat eh iilang araw ang kailangan lakarin bago makarating dito eh sa tingin ko'y galing iyan sa kabilang baryo." tumango-tango ulit si Euzeine. "Pangatlo, mukha siyang bruha." bulong nito sa pinaka-maliit na tinig kung kaya ay agad siyang binatukan ng binatang kawatan. "Buang ka talaga Otso!" kaagad niyang winakli ang kamay na naka-akbay sa kaniyang balikat at nilapitan ang matanda na nakatitig sa kawalan. "Ayos lang ba ang kaibigan mo?" biglang tanong ng matanda at itinuro pa nito ang natutulog na si Devoene, napakalambing ng boses na iyon at pakiramdam ni Euzeine ay dinuduyan siya ng malamig na hangin. Unti-unti niyang napagtanto ang tanong ng matanda, muli siyang napatingin kay Devoene nakaupo ito sa lupa at nakatali sa isang punung-kahoy habang natutulog ng mahimbing, bumalik sa kaniyang ala-ala ang mga sandali na puno ng singhalan, asaran, pikonan at sigawan sa aaminin man niya o hindi, namiss niya ang mga sandaling iyon kung kahapon lang ay ayos lamang siya dahil walang naninigaw sa kaniya ngayon ay parang malungkot na siya lalo na't araw-araw na siyang nasanay sa paninigaw ng binatang bampira. "Hindi po siya maayos, nag-aalala na po ako." hindi na napigilan ni Euzeine ang maglabas ng hinanakit, sa aaminin man niya o hindi, sa iilang linggo nilang pagsasama tinuring na niyang kaibigan ang binatang bampira kahit na para itong bulkan na sumasabog bigla sa galit tuwing kinakausap. Kapagkuwan ay napa-buntong-hininga siya at nilingon muli ang matandang babae. "Ihahatid ko na po kayo sa sentro." "Ay naku iho, wag ka nang mag-abala pa. Direksyon lamang ang kailangan ko." giit ng matanda ngunit mas lalong nagmatigas si Euzeine, ayaw niyang sukuan ang matanda lalo na't nakapgbitiw na siya ng salita na ihahatid niya ito sa sentro, ayaw niyang bawiin iyon lalo na't isa iyon sa mga pinangako niya sa kaniyang Ina. Makapangyarihan ang mga salita, kung kaya ay kung ano ang iyong binitawan siguraduhin mong tutuparin mo iyon kahit na ano ang mangyari-- ito ang sinabi ng kaniyang Ina, sampung taon na ang nakalipas at hanggang ngayon ay nakaukit pa rin ang bawat salita sa kaniyang puso. "Wag po kayong mag-alala, ihahatid ko na po kayo sa sentro." "Direksyon lang iho." "Ihahatid ko na po kayo. "Direksyon!" "Ihahatid ko na po kayo." "Direksyon ang kailangan ko, bingi ka ba?" hindi na napigila ng matanda ang pumutok sa galit, ipinalo nito si Euzeine sa ulo gamit ang mabigat niyang baston. Kaagad namang napa-ngiwi si Octavus nang marinig ang malakas na putok, hindi niya alam kung kanino galing iyon pero sa tingin niya ay sa baston iyon galing lalo na't matigas ang ulo ng kapitan.   "Ihahatid ko nga ho kayo." muling giit ni Euzeine, sapo ang kaniyang ulo dahil pinalo iyon ng matanda. Ramdam nya ang sakit roon at sa tingin pa niya ay magkakabukol siya, nais niyang magmura ngunit ayaw naman niyang magmukhang walang modo sa harap ng matanda, baka hindi lang palo ang matatanggap niya.   "Wag na kasi iho, hindi ka ba nag-aalala sa kaibigan mong maiiwan diito." saad ng matanda kaya nama'y kaagad na natigilan si Euzeine, alam niyang mahihirapan siya sa kaniyang sitwasyon kung sakaling sasamahan niya ang matanda ngunt ayaw naman niyang bawiin ang isinaad niya rito, alam kasi niyang may galit ang binatang lobo kay Devoene, natatakot siyang baka magpatayan ang dalawa sa oras na aalis siya. Hindi niya alam ang dahilan ng galit ng binatang lobo kung kaya ay ganoon na lang ang kanyang pangamba.   "Kapitan." nalunod si Euzeine sa kaniyang pag-iisip, kapansin-pansin ang puting usok na lumalabas sa kaniyang tenga, isang tanda na malapit nang mag-malfunction ang kaniyang utak sa sobrang pag-iisip, ni hindi niya narinig ang boses ni Octavus na kanina pa siya tinatawag.   "Iho, direksyon lamang ang kailangan ko!" giit ng matanda at ipinitik pa ang kaniyang daliri sa noo ni Euzeine na ngayo'y nakangiwi na at nakasapo sa kaniyang noo. "Ang sakit non gurang ah?" naka-ngiwi niyang giit kaya nama'y muling itinaas ng matanda ang kaniyang baston upang ipalo ulit kay Euzeine, kaagad namang itinaas ni Euzeine ang kanyang mga braso upang protektahan ang sarili.   "Kapitan!" sigaw ni Octavus kaya nama'y napakurap si Euzeine, ito ang unang beses na narinig niyang sumigaw ang binata upan kunin ang kaniyang atensyon, sitsit kasi ang lagi nitong ginagawa.   "Yes my Otso my beloved wolf boy?" malambing niyang giit at kumindat pa sa binatang lobo, kung kaya ay agad siyang tinaponan ng maliit na bato ng binata at saktong tumama iyon sa kaniyang tiyan. "Ako na ang bahala kay Devoenyo, wag kang mag-alala." giit nito na para bang nabasa nito ang laman ng kaniyang utak, natigilan si Euzeine sa kaniyang narinig at gulat na tinitigan ang binatang lobo. "Sigurado ka?" nag-aalala ang tono ng kaniyang boses. Kaagad namang tumango ang binatang lobo. "Wag kang mag-alala, hindi ko papatayin ang mahal na prinsipe kaya kung ako sa'yo, tulungan mo na ang gurang na 'yan." giit nito kaya nama'y kaagad na umilaw ang mata ni Euzeine at naghugis puso pa, unti-unting umangat ang gilid ng kaniyang labi at patakbong sinalubong ng yakap ang binatang lobo. "Goodest boy ka talaga Otso!" masayang giit nito kung kaya ay namula ang tenga ng binatang lobo, kailanma'y walang nakapag-sabi sa kaniya na siya ay mabait at mabuti ito ang unang beses kung kaya ay hindi na niya mapigilan ang malakas na takbo ng kaniyang puso. "Walang anuman Kapitan, bukod roon ay nangako rin ako." giit nito bigla kaya nama'y natigilan si Euzeine. Nagtatanong ang mata nitong nakatitig sa kaniya. "Pangako, saan?" tanong niya, ngunit umiling lamang ang binatang bampira at tumayo upang mag-inat. Tumango-tango lamang si Euzeine at yumuko sa harap ng matanda upang makasakay ito sa kaniyang likuran, alam kasi niyang aabutin sila ng ilang araw kung maglalakad lamang sila kung kaya ay mas mabuti kung kargahin niya ito, tiyak na hindi sila aabutin ng dalawang araw lalo na't may alam siyang shortcut papunta sa sentro at saka mapanganib rin ang gubat kung kaya ay mas mabuti na ang sigurado. "Oh siya, may tiwala ako sa'yo Otso! Mag-ingat kayo dito. Sayonara!" giit nito at tumakbo ng mabilis habang karga-karga ang matandang sumisigaw na sa galit dahil sobrang bilis ng kaniyang pag-takbo, sa likuran niya ay ang nakangiting si Octavus na kumakaway pamamaalam. Pangakong susundan kita habangbuhay, kapitan. "AAAAAAAAAAAAH----andito na si Euzeine ang pinaka-poging kapitan ng Troop Endeavour, ah ah ah! Andito na si Euzeine matakot na kayo mga masasamang nilalang! Andito na ang bayaning sasagip sa buong lupain mula sa kasamaan!" kumanta si Euzeine sa gitna ng gubat habang karga-karga ang matanda, agad namang nagising ang matanda mula sa gulat, hindi niya mapigilan ang mapangiwi lalo na't wala sa tono ang pagkanta ng binata at para itong kinikitil na manok kung pakinggan ng maigi. "WALA KANG modo, hindi mo ba alam ang salitang 'wag na?" nangggigil niyang giit ngunit nagpatuloy lamang ang binatang si Euzeine sa pagbirit, tuluyan nang  iginalaw ng matanda ang kaniyang paa upang masipa si Euzeine, agad namang natigilan ang binata dahil kamuntikan na silang madapa. "Ano ba gurang, madidisgrasya tayo!" naka-nguso at may diin na saad nito kaya nama'y ipinalo siya ng matanda sa ulo. "Respetuhin mo ang sasabihin ng mga babae!" giit nito.Sino ba kasi ang hindi magagalit eh pabigla-bigla siyang kinarga nito at wala man lang pasabing tatakbo kaagad, muntik tuloy siyang malaglag kanina. Bukod dito ay kailangan dapat respertuhin ang sinabi niyang 'wag na, kahit pa'y sabihin na isang tulong ang ginawa ng binata kung sasabihin ng isang babae na 'wag na, dapat niya pa ring respetuhin ang sinabi ng isang babae. "Pasensya na po kayo kung pabigla-bigla ko kayong sinakay kahit alam kong hindi kayo papayag, napaka-delikado po kasi ng Bundok Lantoy at tiyak na aabutin tayo ng gabi saka 'wag po kayong mag-alala, wala pong bayad tong ginawa ko at hindi ko pa kayo pagsasamantalahan." sinserido ang boses na iyon kung kaya ay unti-unting humupa ang galit na naramdaman ng matanda kanina lang. Napa-buntong hininga siya at hinawakan ng mahigpit ang kaniyang baston sa magkabilang dulo, nasa harapan kasi iyon ni Euzeine na nagsisilbing suporta upang hindi siya malaglag at nakahawak rin ng mahigpit si Euzeine sa kaniyang paa para sigurado. Napa-ngiti lamang si Euzeine at nagpatuloy sa paglalakad, sa mga oras na 'to mas mabilis at matulin ang bawat hakbang na ginawa niya hanggang sa naging takbo na ang ginawa niya. "Dahan-dahan lang!" namumutlang sigaw ng matanda pakiramdam niya'y iniiwan na siya ng kaniyang kaluluwa lalo na't sobrang tulin ng takbo ni Euzeine dagdag pa ang pabigla-bigla nitong pag-lukso sa mga sanga ng punung-kahoy. "Kapit kang mabuti, gurang!" at sa sinabi niyang iyon ay lumabas na ang malutong at nakakaloko niyang tawa, sa isipan niya ay sa wakas at makakaganti na siya sa palong ibinigay ng matanda kanina ngunit imbes na humawak ng mabuti, sinakal lamang siya ng matanda gamit ang baston nito na nagsisilbing hawakan nito. "Teka lang po, maghinay-hinay na po." giit ni Euzeine at binagalan ang kaniyang paglalakad nampa-buntong hininga na lamang ang matanda sa konsumisyon, hindi niya aakalaing ang katigasan ng ulo nito ang magpapahamak sakanila. "Ano bang pangalan mo, iho?" tanong ng matanda, mas mabuti ng malaman niya ang pangalan nito lalo na't ito ang makakasama niya sa iilang araw na pagbyahe. "Euzeine po, ang kapitan ng Troop Endeavour!" mayabang na giit nito at binuntutan pa ng isang malakas na tawa, napa-ngiwi lamang ang matanda lalo na't wala siyang maintindihan sa sinabi nito. "Ha? Yosi? Naninigarilyo ka?" gulat nitong tanong kaya nama'y si Euzeine na ngayon ang napa-ngiwi. "Euzeine po, U-zeyn." binigkas ni Euzeine nang maayos ang kaniyang pangalan ngunit bingi ata ang matanda at tinawag siyang "Yosi nga, yosi ang narinig ko." tumango-tango ang matanda sa sarili kaya tuluyan nang napakurap si Euzeine dahil hindi siya makapaniwala sa sinabi ng matanda. "U-zeyn nga po." "Oh alam ko, Yosi. Ilang taon ka na?" muntik nang maiyak si Euzeine sa itinawag sa kaniya ng matanda ngunit wala siyang magawa kundi sagutin ang tanong nito. "21 po." giit niya kaya nama'y napatango-tango ulit ang matanda.  “May mga kapatid ka ba?” biglang tanong ng matanda ngunit umiling lamang si Euzeine, lingid sa kaalaman ng matanda kanina pa pala naka-ngisi ang binatang magnanakaw na kumakarga sa  kaniya. “Hay Etheren, kanina pa kita nahahalata.” Bulong nito sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD