⚓ Troop Episode 01

2257 Words
2,000 years ago, the Land of Soar was in the midst of war between two Kingdoms. The Kingdom of  Sorealiz where the humans resides and they, who claim themselves the owner of the great land; and the Kingdom of Edwarden the so called creatures of the dark that ought to claim the land as their territory, But after years of wielding swords, a peculiar event took place in the land. A sign they believed, that their land is about to perish and with that the war was put to an end and a bond was formed between the two Kingdoms in order to protect the land of Soar from the death that is about to come. The bond was formed by a ritual held by the most powerful rulers of both Kingdoms, with the help of their ancestors the ritual was successful, and in such a powerful bond was formed. A bond that will be divided among five warriors from each Kingdom, it will give them the strength that no creature in the land could fathom; a sigil will be carved in their souls it represents their brave and true hearts, they will be blessed, be loved and respected by many. These warriors will protect the Land of Soar from all evil; they will carry the will of their people, and most importantly warriors that will have a strong connection to each other in order to become heroes of their Land. “AT ISA KA sa mandirigmang iyon, Euzie!” Napangiti ang batang si Euzeine nang marinig ang giit ng sariling ina, nangislap ang kaniyang mata habang pinapantasya ang sarili niyang may hawak na espada habang pinoprotektahan ang mga taong mahal niya mula sa kasamaan. “Talwaga ba, Ina?” hindi halos mabura ang ngiti ng batang si Euzeine. Napatayo pa ito sa sarili niyang kama at kinuha ang espadang yari sa kahoy ng kawayan at umaktong isa siyang magiting na mandirigma. “Sumwoko nwa kayo! Mga mashamang nilwalang!” natawa ang sarili niyang ina at itinawag siya upang humiga na at matulog. “Ina, magkawoon bwa akow ng mga kwebigan kapwag maging mandiwigma nwa ako?” kyuryos na tanong ng batang si Euzeine, kumikislap ang kaniyang mata habang tinatanong iyon. Saglit na natigilan ang babae at niyakap ng mahigpit ang kaniyang anak, muli niyang nararamdaman ang mabilis na t***k ng kaniyang puso. Kailanma’y hindi patas ang mundo, laging inaapi ang mahihina tanging mayayaman at may kapangyarihan lamang ang nakakatikim ng kaligayahan at langit. ‘Di gaya nilang mahihirap nasa lupa lang sila palagi, isang kahig isang tuka para sa makakain nila at dahil dito iba ang trato sa kanila, nakakaranas sila ng iba't-ibang uri ng diskriminasyon dahil lamang sa estado ng kanilang buhay, tinuturing silang basura. “Anak, ang mundo ay puno ng kasamaan, mangyayari ang mga bagay na hindi mo inaasahan ngunit ‘wag kang mag-alala. Sa oras na makilala mo sila makakaramdam ka ng saya na tila ba’y ililipad ka sa kalangitan at kapag dumating na ang araw na iyon, protektahan mo sila. Sila ang magsisilbi mong pamilya at ikaw Euzie..” hinawakan ng babae ang pisngi ng kaniyang anak at pinagkatitigan ito. “Ikaw ang magsisilbing Kapitan nila. They will hold on to you kaya kahit anong mang-yari, Euzie magtiwala ka sa kanila.” Napa-ngiti ang batang si Euzeine, kapagkuwan ay napangiwi siya at napakamot sa sariling ulo. "Inwa, ang shunga nwaman pwo kung wala kaming pangalan ng gwupo ko." naka-nguso nitong giit at mararamdaman ang frustrasyon sa maliit nitong boses, natatawang ginulo naman ng babae ang maitim na buhok ng kaniyang anak at tinitigan niya ang kulay berdeng mata nito. "Troop Endeavour." maikling giit ng babae habang naka-ngiti, napantig naman ang tenga ng batang si Euzeine at dahan-dahang umangat ang gilid ng kaniyang labi dahilan upang masilayan ang ngipin niyang bungi dahil sa kadalasang pagngat-ngat niya sa matatamis na kakanin. "Twup Endewoo!" eksayted nitong giit at itinaas pa ang kaniyang kamao sa ere. "Twup Endewoo!!" giit niya ulit at kahit nahihirapan ito sa pagsambit ay patuloy niyang sinasambit ang magiging pangalan ng kaniyang grupo, kapagkuwan ay napasimangot ito ulit "Inwa, pwaano pwo kung hindi sila pwapayag--- mwakiki-pagkebegan swakin?" halos manubig ang mata ng batang si Euzeine, ayaw pa naman niyang inaayawan siya ng magiging kaibigan niya, ayaw niyang nilalayuan siya ng mga taong ituturing niyang pamilya. Napa-ngiti ang babae at saka tumayo ito upang ipakita sa anak kung ano ang dapat niyang gawin kung sakaling mangyari ang kinatatakutan ng kaniyang nag-iisang anak, napabangon naman ang batang si Euzeine at mariing tinignan ang kaniyang ina na ngayo'y naka-ngiti na at nakalahad ang kaliwang kamay nito sa kaniyang harapan. "I, Euzeine Von Luiz the Captain of Troop Endeavour take this oath, that you can always hold on to me." giit ng babae, dahilan upang sumilay ang ngiti sa labi ng batang si Euzeine. Tumikhim pa ito ng ilang beses at napatayo sa kaniyang kama, ginaya niya ang pormahan ng kaniyang Ina at dahan-dahang sinambit ang mga salitang sinambit nito kanina lang. "I, Wuzeyn Bon Luwiz da Capin of Twup Endewoo twake thwis owth, thwat you cwan always hwold on to mwe." diretso nitong giit at nabubulol pa, natawa na lamang ang babae at niyakap ang kaniyang anak, kapagkuwan ay pinahiga nito at binalutan ng kumot dahil sa lamig na omokupa sa kanilang silid. Hinalikan ng babae ang noo ni Euzeine at napangiti sa kaniyang sarili. "My Euzeine will grow up to be the bravest man." napatingala ang babae sa itaas at tahimik na pinasalamatan ang Bathala, kapagkuwan ay napakurap siya ng ilang beses nang marinig ang munting hilik ng kaniyang anak isang senyales na ito'y nakatulog na. Wala sa sarili siyang napangiti at hinalikan muli ang kaniyang anak sa pisngi na ngayo'y naka-ngiting nagsasalita habang nakapikit ang mga mata. "Kaptwin, twup endewo."   "Sleep well my dear Captain, you have a whole land to protect and save."   “TANGINA, BUMALIK ka dito!” galit na sigaw ng isang ale habang hinahabol ang binata na dala-dala ang tinda niyang hinog na saging, isang sipi ang nanakaw nito na siyang dahilan kung bakit nag-aalburuto sa gitna ng palengke ang kawawang ale. “Habulin niyo ang lalaking iyon! Isa iyong kawatan!” halos maghysterika sa gitna ang ale at itinuro ang binata na ngayo’y nakatungtong na sa yero ng isang pamilihan, habang sarap na sarap sa kinain nitong saging na ninakaw lamang niya. Siyang-siya ito sa pagkain at ipinapakita niya talaga iyon sa ale na halos mamatay na sa sobrang galit, nagsigaw-sigaw na ito sa gitna ngunit walang pakialam ang binata. Laking gulat na lang niya nang makita ang palaso na muntik nang tumama sa kaniyang paa nailuwa tuloy niya ang nakain niyang saging sa sobrang gulat, ilang beses siyang napakurap at agad na lumundag paibaba sa lupa upang makihalo sa mga taong bumibili ng kanilang pangangailangan habang pinagmamasdan ang paligid.   Muli siyang napatingin sa ale, doon lamang niya napansin ang mga maharlika na kasama nito, mabuti na lang at may kalayuan siya dito. Pinagmasdan pa niya ang bawat galaw ng maharlika, ngunit huli na ang lahat nang magtagpo ang kanilang mga mata at nagsisigaw na lang ang mga ito bigla.   “Ayon siya! Dali habulin niyo!” sigaw ng isang maharlika, agad itong tumakbo papunta sa kinaroroonan niya kaya nama’y minabuti na niyang tumakbo agad dala-dala ang saging na kaniyang ninakaw.   “Ayan! Habulin niyo ang magnanakaw na ‘yan!” giit ng ale kaya nama’y mas binilisan niya ang kaniyang pagtakbo. Ilang beses siyang napamura nang makita ang mga maharlika na humahabol sa kaniya, sobrang tulin ng mga ito at ilang agwat na lang ay maabot na siya ngunit hindi nagpatalo ang binata mas bumilis ang biyas ng kaniyang mga paa at hindi pinansin ang mga taong nabangga niya.   “Pasensya na, padaan niyo muna poging mag-nanakaw!” sigaw niya habang tumatakbo, agad namang nagbigay daan ang mga tao na tila ba’y gulat kung bakit siya tumatakbo. Itinumba niya lahat na kaniyang nakikita at itinulak ang bawat tao na nasa kaniyang harapan para lang matagalan ang mga maharlika sa pag-habol sa kaniya.   Ilang beses na tumitingin sa likod ang binata. Nais niyang makita ang mga maharlika na humahabol sa kaniya, kung nakakasabay pa ba ang mga ito. Lumabas ang malutong na tawa sa kaniyang bibig nang makitang nahirapan ang ilan sa mga ito sa pagdaan. “HAHAHAHAHAH! Habulin niyo ko!” natutuwa niyang giit habang tumatakbo pa rin.   “Tigil, tigil! Aarestuhin ka namang ‘pag hindi ka tumigil!” hinihingal na sigaw ng isang maharlika. Natawa lamang ang binata sabay kuha ng mansanas na nakalatag lamang sa isang mesa, kinagatan niya iyon saka itinapon sa mga maharlika na humahabol pa rin sa kaniya. “Hulihin niyo muna ako!” pilyo nitong giit saka lumundag isang poste, nakatayo na siya roon na siyang ikinagulat ng mga maharlika.   Napa-ngisi lamang ang binata at sumaludo sa mga ito “Adios!” giit niya bago siya tumalon sa kabilang bakod, unang tumapak ang kaniyang paa sa lupa dahilan upang magsiliparan ang mga alikabok sa daan. Pinakinggan ng binata ang paligid nang mapansing hindi na nakahabol ang mga maharlika, saka lang siya nakahinga ng maluwag at napaupo sa isang sulok.   “Di ako pinalaking magnanakaw ni Ina, tiyak na ako’y kukurutin non pag-nalaman niyang lumaking magnanakaw ang pinakamamahal niyang anak.” Natawa ang binata sa sarili at tiningala ang kalangitan, naniniwalang naroon ang kaniyang mahal na Ina. Napa-ngiti siya habang pinagmamasdan ang mainit na sikat ng araw, agad niyang itinaas ang kaniyang kamay upang harangin ang nakakasilaw na liwanag nito.       SA KABILANG DAKO nama’y hindi mabura ang ngiti na nakapaskil sa mukha ng isang dalaga, nakatingin lamang siya sa daan kung saan tumakbo ang binatang magnanakaw. Isa kasi siya sa mga taong nabangga nito pero imbes na galit iba ang naramdaman ng dalaga, lalong-lalo na nong hinawakan ng binata ang kaniyang balikat sabay bulong sa kaniyang tenga ng “Padaan, nakaharang ka sa daan.” Ilang beses siyang kumurap at umusog ng konti para makadaan ang binata, hindi niya pinalampas ang maliit na sandali upang pagmasdan ang hitura nito. Mula sa baritone at nakakaakit nitong boses na narinig niya kanina, sa buhok nitong kulay itim na siyang kumikinang sa bawat tama ng araw, sa mata nitong kulay berde at higit sa lahat ang ngiti sa mukha ng binata habang hinahabol ng mga maharlika. Isang ngiti na naging dahilan upang magkagulo ang kaniyang sistema at wala siyang ibang marinig kundi ang mabilis na t***k ng kaniyang puso na tila ba’y sumasabay ito sa bawat yapak ng binatang tumatakbo palayo sa kaniya, mukhang hindi lang saging ang nanakaw ng binata pati rin ata ang puso niya. “Iha, iha ayos ka  lang ba?” nagising sa katinuan ng dalaga, wala na ang binata sa kaniyang harapan at bumalik muli ang masiglang awra ng palengke na tila ba’y walang nangyaring sakuna kanina lang. “Ay opo, pasensiya na po.” Namumula niyang giit dahil sa kahihiyan, agad niyang kinuha ang kaniyang maliit na pitaka at saka dumukot roon ng ilang barya upang bayaran ang pinamili niyang kagamitan. “Hay! Grabe talaga ang binatang iyon, halos araw-araw ng nagnanakaw.” Giit ng isang ale dahilan upang manahimik lalo ang dalaga. Napuno ng bulongan ang palengke tungkol sa binata, hindi rin mapigilan ng dalaga ang makiusyoso sa mga ito. “Ah, mawalang galang po, pero ano pong pangalan ng binatang iyon?” kahit nahihiya ay nagtanong pa rin ang dalaga, ramdam niya ang mabilis na kabog ng kaniyang puso habang hinihintay ang pagbuka ng bibig ng isang ale na ngayo’y naka-ngiwi na sa kaniya. “Hay, naku iha! ‘Wag mo nang alamin pa.” mataray nitong giit at tila ba’y galit, napatango na lamang ang dalaga at napatingin sa  kalangitan. Mataas ang sikat ng araw ngunit hindi iyon mainit para bang andiyan lang ito upang magbigay ng liwanag sa kanilang lahat. Itinaas ng dalaga ang kaniyang mga kamay hindi para takpan ang nakakasilaw na sikat ng araw, kundi ang abutin ang langit na nagbibigay kapayapaan sa kaniyang puso. Habang tumatagal ay nakaramdam ng pagkabalisa ang dalaga doon lamang niya napansin na wala na ang pulseras sa kaniyang pupulsuhan, ang pulseras kung saan nakaukit ang kaniyang pangalan.   NAPA-NGISI ang binatang si Euzeine nang makita ang mga alahas na nanakaw niya sa mga taong nabangga niya kanina.  Agad niya itong nilagay sa maliit na kahon na nakatago sa ilalim ng punong nara, na siyang ibebenta niya bukas sa mga pirata. Pasipol-sipol niyang inilagay iyon sa ilalim ng kahoy sa gitna ng kagubatan upang walang makapansin dito. Aalis na sana ang binata pero isang kislap ang umagaw sa kaniyang atensyon, pinulot ito ni Euzeine at ipinagmasdan ito isa pala itong pulseras. Gawa ito sa pilak na siyang kumikinang tuwing nasasagi ito ng liwanag na dala ng buwan at imbes na ilagay sa kahon ang pulseras hinubad ni Euzeine ang suot niyang kwintas at saka ginawa iyong palawit na nagbibigay desinyo sa kaniyang kwintas at agad niya itong itinago sa loob ng kaniyang damit. Hindi mawala sa kaniyang utak ang pangalang nakaukit sa pulseras SORRIENA, sa di malamang dahilan nakaramdam ng kiliti sa tiyan ang binata. Nais niyang ibalik ang pulseras na nanakaw niya ngunit hindi niya maalala ang mukha ng may-ari nito, napatingin na lamang si Euzeine sa liwanag ng buwan, tumaas ang sulok ng kaniyang labi at tahimik na pinasalamatan si MAYARI ang dyosa ng buwan at gabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD