⚓Troop Episode 02

2290 Words
“PAKAWALAN NIYO AKO!” nanlaban ang binatang si Euzeine nang matagpuan niya ang kaniyang sarili na nakakulong sa isang malaking kahon, hindi mawari sa kaniyang isip kung paano siya nakarating doon at kung kailan siya nakuha ng mga taong dumukot sa kaniya. Nakarinig ng katok ang binata mula sa labas, malakas iyon na para bang galit ipinapahiwatig sa kaniya na dapat siyang manahimik. Napabuntong-hininga na lang ang binata. Madilim ang kahon na kinasisidlan niya, ni maliit na siwang upang makapasok ang ilaw ay wala siyang nakita. Ipinikit ng binata ang kaniyang mga mata at muling inaalala ang huling sandali bago siya madukot ngunit wala talaga siyang maalala. Tanging naalala niya ay nakatulog siya sa ilalim ng punong nara at nagising na lang siya nang maramdamang umaalog ang lupa, doon niya lang napagtanto na nasa loob na pala siya ng isang kahon. “Pastilan! Alam ko namang gwapo ako pero ‘wag niyo naman akong ilagay sa loob ng kahon!” sigaw nya sa loob na dahilan upang mabulabog ang pag-uusap ng mga maharlika sa labas. “Manahimik ka, Kawatan!” galit na giit ng isang maharlika dahilan upang mapangiwi si Euzeine, walang nagawa ang binata kundi manahimik. Pinakinggan ang bawat bakas ng paa na gawa ng mga kabayo rinig na rinig niya ang apak ng mga ito. Ilang minuto ang nagdaan nang makaramdam ng pagkabagot ang binata. Dahan-dahan siyang napatayo at inilibot ang kaniyang tingin, tanging kadiliman ang kaniyang nakikita. Idagdag pa ang pabigla-biglang pag-alog dahil may natatakpang bato ang sinakyan nilang kariton kaya nama’y ilang beses ring nauntog ang kaniyang ulo sa ibabaw na bahagi. Sadyang may kaliitan ang kahong kinalalagyan niya at sa bawat tama ng kaniyang ulo ay ang pagrinig niya ng hagikhikan ng mga maharlika sa labas na para bang iniinsulto siya ng mga ito. Napasimangot ang binata at kinamot ang sariling ulo. “Sige tawa kayo, ‘pag ako makawala dito puputulan ko ng ari ang kabayo niyo!”nagtatampo niyang sigaw nang may nadaanan ulit silang malaking bato kaya nauntog ulit ang kaniyang ulo, mas malakas ang tama nito keysa kanina kaya nama’y sobrang lakas rin ng taguktok na gawa nito. Agad na napayuko si Euzeine at hinimas ang sariling ulo,  ramdam niya ang sakit doon at pakiramdam pa niya ay magkabukol siya ng wala sa oras. Napasimangot siya nang marinig ang pag-singhot at pag-tawa mula sa labas. “Manahimik ka na lang kasi, bata!” giit ng isang maharlika at sinundan iyon ng halakhak. Napairap na lang si Euzeine at napa-nguso. “Hindi na ako bata!” giit niya at ipinagcross ang braso sa ibabaw ng kaniyang dibdib ngunit tinawanan lamang siya ng mga maharlika. Hindi porket napag-iwanan siya ng height niya may karapatan na ang iba na tawagin siyang bata este tanggap naman niyang baby face siya pero insulto na yung tawagin siyang bata sa edad niyang bente uno kung sa iba ay nakaka-flatter yun, pwes sa kaniya hindi! “Ma-ambush sana kayo.” Halos maiyak niyang giit. Naupo na lamang siya sa gitna at nag-isip ng gawain upang malibang ang sarili, hindi ata tumitigil sa pagtakbo ang kahong sinakyan niya. Wala siyang ibang maisip kundi ibuka ang kaniyang labi at kumanta ng isang katutubong awit na siyang turo ng kaniyang ina noong siya'y bata pa. “Si Felimon, si Felimon namasol sa kadagatan, nakakuha-nakakuha ug isdang tambasakan, gibaligya-gibaligya sa mercadong guba ang halin puros kura, igo ra gipanuba!” buong puso niyang kanta na mag-aakala ang lahat na siya ay gumaganap sa isang entablado kung saan may taong pinapalakpakan ang bawat tono na nagagawa ng maganda niyang tinig. Ngunit hindi ganoon ang nangyayari ngayon. Una sa lahat nakakulong siya sa isang di kalakihang kahon, pangalawa ay walang entablado at imbes na makatanggap ng palakpak bilang pagkamangha, tanging katok at hampas mula sa labas ang natanggap ng binata pati na rin ang pag-sigaw ng maharlika na tila ba’y narindi ito sa kaniyang kanta. Pero hindi nagpapigil ang binata tumikhim siya at muling kumanta at sa mga oras na ito mas malakas ang boses niya. “Tong, tong pakitong-kitong alimango sa suba, gibantug dili makuha ako ra’y nakakuha, ako ra’y nakasuwa!” sinabayan pa niya iyon ng pag-hampas sa kahoy na gumagawa ng isang nakakabinging tunog, natawa na lamang ang binata nang marinig ang sunod-sunod na katok at sigaw mula sa labas. “Puta, manahimik ka!” galit na sigaw ng isang maharlika at sa oras na ito tuluyan nang nanahimik si Euzeine, pinakiramdam ang nangyari sa labas nagulat na lang ang binata nang bumukas bigla ang kahon at bumungad sa kaniya ang isang espada, nakatutok ito sa kaniyang leeg ramdam niya ang matalim at malamig na punto ng espada na para bang kayang-kaya nito na bawiin ang kaniyang buhay. Napalunok si Euzeine at tinignan ang taong may hawak ng naturing na espada, nakatitig sa kaniya ang lalaking may suot na malaking sombrerong kulay itim na yari sa rattan ngunit wala doon ang kaniyang atensyon kundi sa mata ng nilalang na nasa harapan niya. Kulay pula at nangingislap ang mata nito, nagpapahiwatig ng nag-liliyab na galit. Napatingin si Euzeine sa gilid ng kaniyang mata, nakahandusay na sa gilid ang apat na maharlika namumutla na ang mga ito at kapansin-pansin ang dugong tumutulo mula sa leeg ng mga ito na tila ba’y kinagat ang mga ito ng isang hayop at base sa malagkit at kulay pulang likido, napaisip si Euzeine na baka sinipsipan ang mga ito ng dugo. Napatingin ulit si Euzeine sa taong nasa kaniyang harapan kapansin-pansin ang mantsa ng dugo sa gilid ng labi nito pati na rin ang matatalim nitong kuko at ang ngisi nitong nakakaloko na kaya kang ihatid sa kabilang buhay. “SA WAKAS ay nahanap din kita mortal!” naka-ngising giit ni Devoene nang mahanap na niya ang lalaking ilang taon na niyang hinanap, inirolyo niya ang kaniyang dila sa ilalim ng kaniyang labi napa-ngiti siya nang malasahan ang matamis na lasa ng dugo. Napakurap ng ilang beses ang lalaki sa kaniyang harapan na tila ba’y pinoproseso pa nito kung totoo ba ang nangyari o hindi. “Teka, dong baka maling tao ka!” giit nito at itinaas pa ang dalawang kamay sa ere. Napailing si Devoene at mapait na napahalakhak “Ikaw lang naman ang tanyag na magnanakaw dito sa Sorealiz.” Gigil niyang giit at mas diniinan lalo ang espada sa leeg ng binatang nasa harapan niya. Ilang taon na niyang hinanap ang binata sa kaniyang harapan at ilang taon niyang hinintay ang sandaling ito hinding-hindi niya palalagpasin ang oras na ito upang makuha ang buhay ng binata sa kaniyang harapan, ang binata na dahilan upang magkandaleche-leche ang buhay niya, ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi mawala ang sakit sa kaniyang puso. “Grabe ang famous ko.” Giit bigla ng binata sa kaniyang harapan dahilan upang matigilan siya ngunit hindi pa rin niya binitiwan ang hawak na espada nakatutok pa rin ito sa leeg ng binata sa kaniyang harapan, naka-ngiti na ito sa kaniya na tila ba’y sayang-saya ito sa ideya na isa siyang tanyag na magnanakaw. Pasipol-sipol pa ito na para bang walang espada na nakatutok sa kaniyang leeg. “Euzeine Von Luiz.” Binanggit ng binata ang kaniyang buong pangalan habang naka-ngiti na parang timang, kaya nama’y napasimangot si Devoene napairap siya at inismiran ang binata. “Kilala kita, mortal!” malalim ang boses na iyon na para bang galling sa kaila-ilaliman ng lupa, nakita niya ang pagkagulat sa mata ng binata sa kaniyang harapan dahilan upang mapa-ngisi siya. “Kay tagal kong hinintay ang sandaling ito, mortal! Ngayon ay bibigyan ko ng wakas ang iyong buhay gaya ng pagwawasak na ginawa mo sa akin!” galit niyang sambit at ikinumpas ang kaniyang espada sa ere para ihiwa ito sa leeg ng binata pero bago pa man tumama ang espada sa leeg nito, tuluyan nang nawala ang binata sa kaniyang paningin. Nasa tutok na pala ito ng kahon at naka-ngisi na sa kaniya ngunit hindi niya rin mapigilan ang matawa, ang liit kasi ng binata hanggang dibdib lang ata niya ang tangkad nito. “Pastilan! Hindi nga kita kilala tas gigilitan mo’ko bigla? Buang ka ba?” naka-ngisi nitong giit, ang kaninang tawa ni Devoene ay agad na nabura. Nakaramdam siya ng kilabot at kailanma’y hindi siya nakaramdam ng ganito ngayon lang, napalunok siya at sinalubong ang mata ng binatang nakatayo sa ibabaw ng kahon. Naka-ngisi pa rin ito ngunit may napansing kakaiba si Devoene sa kaniya, kung kanina’y kulay berde ang mga mata nito ngayon ay kulay ginto na. Nakatitig ito sa kaniya at nagpapahiwatig ng kapangyarihan ngunit imbes na matakot nakaramdam ng aliw si Devoene, nangislap ang mata niyang kulay pula. Tumaas ang sulok ng kaniyang labi at lumundag sa ibabaw ng kahon na walang kahirap-hirap, sa isang iglap ay nasa likuran na siya ng binata. “Labanan mo ko Mortal!” naka-ngisi niyang giit kaya nama’y unti-unting lumingon sa kaniya si Euzeine, may hawak na itong maliit na kutsilyo dahilan upang lumawak ang ngisi sa kaniyang mukha. Sa pag-ihip ng hangin, tuluyan nang inatake ng binata ang bawat isa, saksi ang bawat puno at ibong nagliparan sa labanan ng dalawang binata, rinig na rinig ang bawat kalansing ng hawak nilang sandata, parehong ayaw magpatalo, parehong mapagmataas. Sa bawat kumpas ng espada ay ang emosyong nakatago sa pinakailaliman ng puso ng bampira, puno iyon ng gigil ngunit sa bawat kumpas na iyon ay hindi natamaan ang binatang si Euzeine, hindi man lang ito nadaplisan dahil masyadong maigsi ang galaw nito at para bang katumbas lang iyon sa bilis ng mga bampirang kagaya niya. Ngunit hindi nagpatalo si Devoene, gamit ang kaniyang bilis bilang bampira madali niyang natunton ang bawat galaw ni Euzeine unti-unti na niyang nabasa ang bawat galaw ng binata sa kaniyang harapan. "Sa tingin mo ba ay kaya mo akong matalo? Tontong Mortal!" pang-iinsulto niyang giit at humigpit ang hawak niya sa espada, natawang lumayo naman ang binatang si Euzeine at dinedepensahan ang sarili gamit ang hawak niyang maliit na espada. "Hindi ko naman sinabi na matatalo kita, pero hindi ako magpapatalo bampira!" “Papatayin kita mortal!” galit na giit ni Devoene at muling kinumpas ang kaniyang espada sa ere upang tumama iyon sa binatang magnanakaw, napangisi na lang si Euzeine at iniwas ang sariling katawan bago pa tumama ang espada sa kaniyang balat. “Hindi kita kilala, bampira!” panunukso niya dito dahilan upang mangislap lalo ang pulang mata ni Devoene.“Makilala mo rin ako mortal, at sa mga oras na iyon ay patay ka na.” Naka-ngising giit ni Devoene kaya nama’y napasimangot si Euzeine mukhang pursigido ata ang binatang bampira na patayin siya, iniwasiwas niya ang maliit niyang kutsilyo sa ere at hinanda ang sarili sa muling pag-atake ng binata sa kaniyang harapan.   Napailing si Devoene at pinagmasdan ang binata sa kaniyang harapan, sa isang iglap gamit ang kapangyarihang angkin niya bilang bampira, nakarating na siya sa likuran ng binata. Nakatutok ang kaniyang espada sa leeg nito habang nakasakal ang isa niyang braso sa leeg ng binata. “Napagod na ako sa pakikipag-laro sa’yo mortal.” Tila ba’y nanigas ang katawan ng binata dahil sa gulat, napa-ngisi si Devoene nang maramdamang pabor sa kaniya ang pagkakataon. Wala ni isang mortal ang kayang makipag-sabayan sa angking bilis ng mga bampira. “Pagod na rin ako sa pangjojoke-time mo bampira.” Napalitan ng gulat ang naka-ngising mukha ni Devoene. Hanggang sa naramdaman na lang niya ang mahapding sensasyon sa kaniyang tiyan. Nakaturok na pala doon ang kutsilyo ng binata, doon lamang niya napansing yari pala ito sa pilak na siyang kahinaan nilang mga bampira. Hindi malalim ang pagkaturok nito ngunit sapat na ang dampi nito para siya’y manghina, tuluyan nang lumuwag ang pagkahawak niya sa binata. “Sino ka?” tanong ni Euzeine sa kaniya. Napailing na lang si Devoene at sinalubong ang mata ng binata. “My name is none of your business, puny mortal.” Sambit niya upang mainis ang binata. Kung ito lang naman pala ang kaniyang katapusan susulitin niya ang sandaling ito upang pikonin ang binata sa kaniyang harapan nandidiri sya kapag makikita niya ang nag-ngingiti mukha ng binata bago siy mamatay mas gustuhin niyang makita ang galit nitong mukha bago siya mawala sa mundong to' tutal wala na siyang rason upang mabuhay pa, ipinikit niya ang kaniyang mata at hinintay ang pagbaon ng kutsilyo ngunit laking gulat na lang niya nang marinig ang tawa ng binata.   “HAHAHAHA, komedyante rin pala kayo mga bampira.” Nakaramdam ng inis si Devoene, inimulat niya ang kaniyang mata at tinignan ang binata sa kaniyang harapan. Nakatingin na ito sa kalangitan habang tumatawa pa rin ng malakas. “Sige, ipakilala ko ulit ang sarili ko. Euzeine Von Luiz.” Giit ng binata, hindi alam ni Devoene kung ano ang nangyari sa kaniya, bumuka bigla ang kaniyang labi at unti-unting binanggit ang sarili niyang pangalan. “Devoene Ferry Edwards.” Nais niyang kutungan ang kaniyang sarili, ngunit nakakahiya yun at ayaw niyang mag-mukhang baliw. Napa-ismid na lamang siya at tinignan ang binata, nagulat siya nang makita ang sinseridong ngiti nito. Naka-tingin na ito sa kaniya habang kumikislap ang ngayo’y berde nitong mata. “Devoene Ferry Edwards, you’re the first troop member of Troop Endeavour and I, Euzeine Von Luiz the Captain of this Troop promise that you will be in my care, and whatever hardship you may face, we’ll face that together and I swear on my mortal life that you can always hold on to me.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD