Chapter 15

1403 Words
Jared's POV "Are you out of your mind? Bakit mo ginawa iyon?!" gigil na tanong ni Ray sa'kin. Kakauwi lang namin sa bahay. Matagal akong nakalabas sa 7-Eleven dahil pinagkaguluhan ako ng mga tao. Kung di pa dumating ang mga pulis ay di pa ako makakaalis doon. "Ang alin? He intentionally pulled my facemask, hindi ko binalandra ng kusa ang pagmumukha ko sa kanya." sagot ko. Pero kahit anong explain ko ay di talaga mapalagay si Ray. "Iyong pagsuntok sa kanya ang tinutukoy ko at hindi ang pagkatanggal ng facemask mo." wika nya. "Drake Montefalcon never hit someone in private or in public kahit na gigil na gigil na sya rito." diin pa ni Ray. "But Simon was riping Clyde's neck. Sa tingin mo ba dapat hahayaan ko lang syang gawin iyon? Mas lalong mapapasama ang image ni Drake kapag ginawa ko iyon." "I'm sorry." narinig naming wika ni Clyde. Nakayuko lang sya habang nag-uusap kami ni Ray. "Sorry kung nadamay kita sa problema ko." "No, wala kang kasalanan, Clyde. Hindi mo kasalanan ang pagiging masamang tao ng Simon na iyon." wika ko kay Clyde. "Kaya huwag mong sisisihin ang sarili mo." dagdag ko. " Why can't you just behave for forty fives days?Gusto mo bang itali na lang kita hanggang sa dumating ang araw na iyon?" "I think you're just overreacting, Ray. Let's wait and see kung ano ang mangyayari bukas. For now let's take some rest.Hindi biro ang nangyari kay Clyde. " "Are you asking me to take a rest forever?" inis na nag walk out si Ray. "Totoo nga talaga? Na ikaw si Drake Montefalcon?" tanong ni Clyde sa'kin nang makaalis si Ray. Tinignan ko sya. Dahil hindi naman talaga ako si Drake Montefalcon. Pero kailangan kong magpanggap na siya for the meantime para matulungan si Clyde. "Bakit mo nagawa iyon? Ang magsinunaling sa'kin? " tanong ni Clyde. "I'm sorry Clyde kung kailangan kong magsinungaling sa'yo. Iyon lang ang alam kong paraan para matakasan ang magulong mundong kinabibilangan ko." ito lang ang alam kong paraan para mapalapit sayo. "Nagpakamatay ako ilang araw na ang nakaraan. Wala akong maalala. Dahil panandaliang nawala ang memorya ko ng tumalon ako sa ilog. Gusto ko lang sanang humingi ng tawad dahil hindi ako nakapagsabi sayo ng totoo. " Maang syang napatingin sa'kin. "Na-Nagpakamatay ka?" hindi nya makapaniwalang tanong sa'kin. "Pero bakit? Perpekto na ang mundong kinabibilangan mo kaysa sa'min" "Maybe because the world I live in was too perfect kaya nagmumukha na itong hindi totoo sa paningin ko. " sagot ko kay Clyde. Ewan ko pero parang kusang lumalabas ang mga sagot sa bibig ko. Sigurado akong nasa loob lang din ng katawan ni Drake ang kaluluwa nya at hindi naman talaga ito umalis dito. "Ray, suggested na bumalik muna kami ng Manila at kunin kitang personal assistant ko. I don't think na kaya kong kumuha ng ibang tao lalo na ngayon sa sitwasyon ko. " Alanganin akong tinignan ni Clyde. "Alam kong mahirap lumayo sa mga bata. Pero ito lang ang alam kong mabilis na paraan para maibalik sina Jiro at Riu sa'yo. Hindi ka papanigan ng korte if they find out na hindi ka eligible na alagaan sila." Napaisip si Clyde. "Bibigyan kita ng panahon para makapag-isip, Clyde." wika ko. Clyde's POV Hindi parin ako makapaniwala na ang kinuha kong babysitter ay isa palang sikat na artista. Sino namang mag-aakala? Magaling rin sya sa mga gawaing bahay at mag-alaga ng mga bata. Kaya pala pamilyar sya sa'kin. Simula kasi nagka pamilya ako ay hindi na ako masyadong nanunuod ng TV o ng Kdrama. Kinabukasan, balita agad sa TV ang nangyari kagabi. Pero kabila sa inaasahan ni Ray, naging hero pa nga sa telebisyon si Drake Montefalcon dahil sa pagligtas sa'kin. "Clyde, nabalitaan ko ang nangyari." wika ni Nancy sa'kin. Nagkita kami ni Nancy sa isang fastfood chain. "Hindi ko alam kung ililipat ni Mama ang mga bata ng paaralan. Pero kung hindi man please Nancy pakitignan naman sila. Itext mo'ko kapag nagkaproblema ang mga bata." pakiusap ko sa kanya. "Makakaasa ka Clyde. And sorry to tell you this. Pero talagang may saltik iyang mother in law mo. Tama ba naman na kunin sa'yo ang mga bata? Kinuha na nga nya ang perang dapat ay sa inyo napupunta buwan buwan. Tapos pati mga bata kukunin niya pa. Hayssst." "Naghahanap na ako ng trabaho pero sadyang mailap sa gaya ko ang makapasok sa isang magandang kompanya. May nag-ooffer naman sakin kaso sa Manila pa. Masyadong malayo." "You need to have a stable job Clyde. Kahit sa malayo. Kung ito naman ang paraan para makasama mo uli sina Jiro at Riu. Anong trabaho ba iyan?" curious nyang tanong sa'kin. "Personal Assistant ng isang artista." sagot ko. "Wow! Sino?" tanong ni Nancy hindi ko pa pala naikwekwento sa kanya ang nangyari kahapon. Kaya pinaliwanag ko sa kanya ang lahat. "OMG! Sya pala si Drake Montefalcon! Di ko man lang sya nakilala agad! Pero talagang kinutuban ako sa kanya na hindi sya isang normal na tao lang. Kita mo naman ang tindig, mukhat at katawan nya talagang pang ulam este pang artista." Bahagya akong natawa sa sinabi ni Nancy. "Di kaya sya na ang sagot sa problema mo? Baka sya na ang solusyon. Drake Montefalcon is a well known actor and to stay by his side.is a good option. Tyak na makakapundar ka ng mga ari arian lalo na't malaki ang net ng isang Drake Montefalcon. Alam mo bang hindi bumababa sa milyon ang talent fee nya?" Jared's POV "Clyde kumusta? Nakapag decide ka na ba?" tinanong ko siya. Nakita ko siyang nagliligpit ang mga sinampay. "Ou, sasama ako pa Manila. Pero bago iyon pupuntahan ko sana sina Jiro at Riu at magpapaalam.ako Buonna ang loob ko kailangan kong maging matapang at harapin ang panibagong buhay na naghihintay sa'kin para sa mga anak ko." Nakatayo lang ako sa labas ng guardhouse ng subdivision si Clyde dahil ayaw syang papasukin nh mga guards dahil narin sa intruction ni Mama. Ilang oras kaming naghintay bago namin nakita sina Mama na sakay ng sasakyan kasama ang mga bata. Agad na pinangharang ni Clyde ang sarili nya at kamuntikan na syang mabangga dahil rito. "Nasisiraan ka na ba ha?" inis na lumabas si Mama ng sasakyan. "Pati ba naman ako ipapahamak mo dahil sa kabaliwan mo Clyde?!" "Please Ma, hayaan nyo pong makausap ko ang mga bata." pagsusumamo nya ritom "Para saan? Pwedi ba huwag mo ng guluhin ang utak ng mga apo ko. They're doing fine without you. " "Aalis na po ako. Pupunta po ako ng Maynila Ma para mgtrabaho huwag nyo po sanang ipagkait sakin na makausap ang mga anak ko kahit sandali lang man." Tinignan ako ni Mama. Tapos tinignan nya si Clyde. "Sige pero isang minuto lang." Pinalabas ni Mama ang mga bata. Nagsipagtakbuhan sila kay Clyde. At niyakap ito ng mahigpit. Halatang namiss nila ng todo ang mommy nila. "Mommy i uwi nyo na po kami.Miss na miss ka na po namin Mommy."wika ni Jiro. "Mommy, sama na po kami sa inyo." umiiyak din si Riu at ayaq bitiwan ang Mommy nila. Hinwakan ni Clyde ang magkabilaang pisngi ng dalawa. "Jiro, Riu magpakabait kayo sa lola nyo ha? Aalis muna si Mommy dahil kailangan munang lumayo ni Mommy para makasama ko kayong muli. Babalik si Mommy pangako. Kapag nagka trabaho na ako kukunin ko na kayo kay lola." "Mommy, saan po kayo pupunta. Sama kami mommy." "Sasama ako kay Tito Drake sa Manila. Doon ako magtratrabaho. Babalik si Mommy promise yan." "Mommy ayaw namin malayo sayo Momm." Niyakap ko sila ng mahigpit. Tila dinudurog ang puso ko sa mga hagulgol nila. Gusto ko pa sana silang makasama ng matagal pero hinila na sila ni Mama palayo. "Pasok na sa sasakyan Jiro, Riu." "Jiro, Riu babalik si Mama! Hintayin nyo ko! Jiro, Riu." tumakbo si Clyde at hinabol ang sasakyan hanggang sa mapahinto sya. Naaawa ako kay Clyde. Pero wala man lang akong magawa. Clyde's POV Nag-ayos ako ng gamit ko na dadalhin ko papuntang Maynila. Kumatok si Drake sa pinto. "Pasok." wika ko. Pumasok siya. Tinignan nya ang maleta ko. "Nahalukay ko lang sa bodega. Binasa ko at ang ganda ng kwento. Bakit hindi mo subukan ulit magsulat ng mga kwento?" tanong nya sakin. Iniabot sakin ni Drake ang isang notebook na naglalaman ng mga kwentong sinulat ko noong nasa college days pa ako. "May potensyal ka Clyde. Kailangan mo lang maniwala sa sarili mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD