Chapter 14

2123 Words
Jared's POV Hindi parin nagpaawat si Clyde kahit ilang beses ko ng sinabi sa kanya na huwag ng maghanap ng trabaho dahil nakapagsabi naman si Ray na tutulungan sya nito. Naglalaro naman kami ng mga bata sa garden. Nilalaro nila iyong laruang binili namin sa Mall nung nakaraan. Hindi pa ito nakikita ni Clyde simula noon dahil sa nangyari sa kanya noong gabing nag team dinner sila. May mga binili rin akong mga regalo para sa kanya na itinago ko lang sa silid ko. Ibibigay ko na lang ito kapag okay na siya. "Kumusta nga pala? Napatalsik na ba si Simon sa kompanya?" tanong ko kay Ray. Nasa paaralan kami at binabantayan ko ang mga bata. "Nakausap ko si Michael kanina. Nakuha na nila ang cctv footage sa MTS at sa hotel noong nakaraang araw. Ipinakita narin niya ito sa Ninong nya." paliwanag nito. "Mabuti kung ganoon." "At sigurado akong mapapatalsik na ang Simon na iyon dahil sa kawalang hiyaan nya. And for sure mahihirapan syang maghanap ng trabaho dahil sa record nya." wika ni Ray. "Salamat." wika ko. "Sigurado ka bang hindi niya nakita ang mukha mo? Dahil kapag nangyari iyon tyak na mamomoblema tayo ng husto." saad ni Ray sa'kin. Umiling ako. "Nasabi mo na ba kay Clyde ang offer ko?" pangungulit ulit ni Ray. "Hindi pa. Talaga bang wala ng ibang options? Hindi ba pweding dito ako sa Davao magtrabaho?" tanong ko kay Ray. "Balak mo bang i revised ang movie? Sa tingin mo papayag ang producer at ang mga writer? Nahihibang ka ba." wika ni Ray. "Its either tanggapin nya ang pagiging Personal Assistant at sumama sa manila or hindi at maiiwan sila dito sa Davao." wika ni Ray. "Tito Drake!" sigaw nina Jiro at Riu. Labasan na ng mga estudyante. Nag high five kami nang makalapit sila sa'kin. Itinaas ni Ray ang kamay nya para mag high five sa mga bata pero dinedma lang sya ng mga ito. "Ayoko talaga sa mga bata nakakasakit sila ng damdamin." wika ni Ray. Natawa na lang ako sa sinabi nya. Clyde's POV Naglakad lakad na naman ako para maghanap ng trabaho. Unfortunately, wala parin akong nakikita. Kanina pa ring ng ring ang cellphone ko. Ano bang problema ng Simon na'to. Pinatay ko ang cellphone ko. Pumasok ako sa isang botique dahil may nakita akong job hiring na nakapost sa labas neto. "Good morning po, mag-aapply po sana ako ng trabaho-" natigil ako ng makita si Mama na nakaupo sa sofa. "Naku, sorry. May nakuha na kami kanina. Hindi ko pa ata natatanggal ang job posting na nilagay ko." paumanhin ng babae sa'kin. Tumayo si Mama at nilapitan ako. "Don't tell me natanggal ka sa trabaho?" tanong nya sakin. Humigpit ang pagkakahawak ko sa envelope. "Huwag po kayong mag-alala. Makakahanap din po ako agad ng trabaho." wika ko. "Huwag akong mag-alala? Eh paano iyong mga apo ko? Sa tingin mo madali lang maghanap ng trabaho?" "Oi, diba sya iyong daughter in law mo?" tanong ng isang ginang na kakalabas lang ng dressing room. Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. "Ou, sya nga. At alam mo ba kasama nyang nakatira ngayon sa bahay nya ang karelasyon nya." napasinghap ang ginang sa mga sinabi ni Mama sa kanya. "Mare, totoo ba yan? Kasama pa ang mga bata? Naku, mas mabuti siguro na kunin mo na lang ang mga bata sa kanya. Isa siyang kahihiya ." anito. "Kukunin ko talaga ang mga apo lalo na ngayon na wala na syang trabaho na pambuhay sa mga apo ko at sa lalaki nya." saad naman ni Mama. Tinitignan na kami ng mga customers na andoon. Alam kong base sa pagkakatingin nila sa'kin ay hinuhusgahan na nila kaagad ako. Sobrabg baba ng tingin nila sa'kin ngayon. "Miss, pwedi bang lumabas ka na lang ng store? Ma di-distract mo ang mga customers dito." wika ng may-ari ng botique. Mahinahon akong lumabas ng botique kahit na nga gusto ko ng magwala sa galit. Hindi naman ganoon si Mama noong nabubuhay pa si Jared. Mabait sila sakin at inaasikaso ako ng mabuti. Pero simula ng mawala si Jared ay nag iba na ang ugali at pakikitungo nila sa'kin. Naging sakim sila sa pera na iniwan ni Jared at gusto na nilang angkinin lahat ng dapat ay para sa'min ng mga anak ko. Bago umuwi sa bahay ay pumunta ako sa Buhangin Memorial Park kung saan nakalibing si Jared. Matagal akong nakatitig sa puntod nya bago ako nagsalita. "Masaya ka ba? Masaya ka ba sa ginawa mo sa'kin? " tanong ko sa kanya. "Alam mo ba ang ginagawa ng Mama at ng kapatid mo sa'kin? Naiinis ako. Gusto ko silang sigawan, sumbatan pero hindi ko magawa dahil nirerespeto ko parin sila." "Hindi ko kailangan ang pera mo, Jared. Handa ko iyong ibigay sa kanila ng buo. Magsisikap ako. Ipapakita ko sa inyo na kaya kong buhayin ang mga anak ko. Kahit wala ka. Kahit wala ang pera mo. " Paalis na sana ako ng sementeryo nang makasalubong ko ang isang pamilyar na mukha na may bitbit na mga bulaklak. Hindi nya ako kilala kaya dire-diretso lamang nya akong dinaanan. Mukhang nasa maayos na siyang kalagayan. Isang taon narin ang lumipas. Paano ko nga ba makakalimutan ang mukhang iyon. Iyon ang mukha ng babaeng huling kasama ni Jared bago sya mamatay. Jared's POV Matamlay si Clyde nang dumating ng bahay ng hapon na iyon. Matapos nyang kausapin ang mga bata ay pumasok na sya ng silid nya at hindi na lumabas. Nag-order na lang ako ng pagkain sa Grab dahil ayaw naman nyang nagluluto ako. Kinatok ko sya sa silid nya. Maya maya lang ay binuksan nya iyon. Napansin kong namumugto ang mga mata nya. Umiyak ba sya? Dahil ba wala syang nakitang trabaho? . Naawa ako kay Clyde. Hindi ko naman intensyon na pahirapan sya ng ganito. "Naihanda ko na ang hapunan. Kumain ka muna." wika ko sa kanya. "Mauna na kayo." wika nya. Papasok sana sya sa silid nya pero hinawakan ko ang kamay nya. "You don't need to suffer alone Clyde. Andito lang kami ng mga bata. You can always count on us. " marahan nyang kinuha ang kamay nya sakin. "Sorry. Magpapahinga lang ako." wika nya. Matamlay syang bumalik ulit sa silid nya. Hindi ko narin sya kinulit pa dahil baka masapak na ako ni Clyde.. Kinabukasan nagulat na lang ako nang may maagang kumatok sa gate. Agad akong bumangon at binuksan ang gate. Nagulat ako ng makita si Mama kasama ang dalawang babaeng may suot na ID ng DSWD. "A-Anong ginagawa nyo?" takang tanong ko kay Mama. "Asan si Clyde, andito ako para sa mga bata." wika ni Mama. Kahit anong pigil ko ay hindi nagpaawat si Mama. Pumasok sya sa loob ng bahay kasama ng dalawang babae. Nagising sina Clyde at ang mga bata dahil sa ingay ni Mama. "Lola, ano po ang ginagawa nyo rito?" tanong ni Jiro. Kinusot pa nito ang mata at humikab pa. "Jiro, Riu sasama na kayo sa lola nyo." wika ni Mama sa dalawang bata. "Ma, huwag nyo pong kunin sa'kin ang mga bata. Kahit iyong sasakyan na lang kunin nyo na po. Huwag lang po ang mga anak ko." pagmamakaawa ni Clyde kay Mama. "Wala kang trabaho Clyde, wala kang pera. Sa tingin mo makakaya mong buhayin ang mga anak mo at ang lalaki mo?" matalim ang tinging pinukol sakin ni mama. "Hindi po totoo ang paratang nyo kay Clyde." wika ko. "Ma, please huwag nyo pong ilalayo ang mga anak ko sakin." lumuhod si Clyde at nagmakaawa kay Mama. Hawak hawak naman ng dalawang taga DSWD sina Jiro at Riu na pumapalag at gustong makawala sa pagkakahawak ng mga ito. "Hindi pa ba sapat ang perang buwan buwan nyong nakukuha? At pati mga anak ko gusto nyo pong kunin? Itong sasakyan. Ang bahay. Kunin nyo na please. Huwag lang sina Jiro at Riu." hagulgol ni Clyde. Nagulat ako mula sa narinig ko kay Clyde. Pinapahirapan ba nina Mama si Clyde? Kaya ba nahihirapan sya ngayon sa pera? Dahil kinuha ni Mama ang para sa pamilya ko? Paano ito nagawa ni Mama? "Ma, paano nyo nagawa 'to sa'min? Sa mag-iina ko? " natigil silang lahat at napatingin sa'kin. "Ano bang pinagsasabi mo ha? Nababaliw ka na ba? Bakit mo'ko tinatawag na Mama. Hindi kita anak! Ilang beses ko bang sasabihin iyon!" "Ma, ako 'to si Jared, ang inyong anak." Napa sign of the cross ang dalawang taga DSWD. "Huwag mo'kong pinagloloko ha!" Akala ko maniniwala si Mama sa'kin. Pero isang malutong na sampal ang ibinigay nya sakin. Pakiramdam ko nga matatanggal ang mga ngipin ko sa lakas ng pagkakasampal nya sa'kin. "Ma, please wala pong kinalaman si Drake dito. Nagtratrabaho lamang po sya sa'min." Kahit anong pagmamakaawa ni Clyde na huwag kunin ang mga bata ay hindi nakinig si Mama. Pursigido talaga syang kunin ang mga apo nya. Sobrang naawa ako kay Clyde dahil hinabol pa niya sina Mama at ang mga bata naman ay iyak ng iyak dahil ayaw nilang mawalay sa mama nila. Sumakay ng taxi si Mama kasama ang mga bata. Pinigilan naman ako ng dalawang taga DSWD. Dahil sa kumusyon ay nakita kong nakiusyoso ang mga kapitbahay. Si Manang Luz naman ay lumapit at inalo si Clyde. "Anong nangyari?" tanong nya sakin. "Kinuha po ng Mama ni Jared ang mga bata dahil nawalan po ng trabaho si Clyde." sagot ko. "Pero hindi niya dapat ginawa iyon, kaawa-awang mga bata." niyakap niya si Clyde na iyak ng iyak. At napaluhod na sa kalsada. Nanatili naman akong nakatayo lang at tinitignan sya. Parang pinupunit ang puso ko habang nakikitang nasasaktan si Clyde. She doesn't deserved all of this. "Alam na ba niya na ikaw si Drake Montefalcon?" tanong ni Manang Luz sa'kin. Nakatulog si Clyde sa kakaiyak. "Hindi pa po." "Mas mabuting sabihin mo na sa kanya ang totoo. Mukhang mali ang pagkakaintindi ng Mama ni Jared sa sitwasyon. Kinuha nya ang bata at ngayon ay labis na nasasaktan si Clyde. Isang mabuting tao si Clyde at hindi niya deserved na masaktan ng ganito." wika ni Manang Luz. "Sana naman maintindihan ng nanay ni Jared ang sitwasyon ni Clyde. Hindi birong maging byuda at pagdaanan ang lahat ng 'to. She's fighting alone, Drake. At iyon ang pinakamahirap dun." "Sige mauuna na ako. Kung may kailangan kayo nasa bahay lang ako." "Salamat po." Pagkaalis ni Manang Luz ay tinawagan ko naman si Ray na agad namang dumating. "Ray, tulungan mo'ko. Kailangan kong mabawi ang mga bata kay Mama." "Mahirap ipaglaban ang custody ng mga bata kung hindi stable ang trabaho ni Clyde. The only way is kailangan mong kumbinsihin syang sumama sa Manila at maging personal assitant mo." Kinagabihan ay kakausapin ko sana si Clyde at hikayating maging personal assistant ni Drake Montefalcon. Nakailang katok ako sa silid niya pero hindi siya lumabas. Kaya napilitan na lang akong buksan ang pinto. Nagulat ako nang hindi mkita si Clyde sa loob. Tinignan ko ang oras alas dyes na ng gabi. Saan naman kaya sya pumunta ng ganitong oras? Clyde's POV Naglakad lakad ako para magpahangin. Hindi parin ako makapaniwala na kinuha ni Mama sa'kin ang mga bata. Sobrang tahimik sa bahay at hindi ako sanay. Sobrang namimiss ko sila. Pansin ko na parang may sumusunod sa'kin. Paglingon ko wala naman akong nakikita. Pumasok ako sa 7-Eleven. Nagulat ako nang makita sa balita sa TV si Drake na tumatakbo palabas ng 7-eleven at pumasok sa isang sasakyan. Iyon iyong araw na tinuturuan nya akong magdrive. Tinitigan ko ng mabuti ang screen ng TV. Sigurado akong sasakyan ko iyon. At alam kong si Drake iyong galing ng 7-Eleven. Hindi ako pweding magkamali. Nagulat ako ng mabasa ang caption ng balita. 'Drake Montefalcon our Prince of Filipino Movies is spotted in Davao City' "Si Drake? At Drake Montefalcon ay iisa?" "Clyde, ang lakas ng loob mong ipahamak ako!" nagulat ako nang bigla na lang akong sakalin ni Simon at isandal sa pader. Nagsigawan at nagtakbuhan palabas ng 7-Eleven ang mga tao. "Si-Simon..." wika ko habang pilit na tinatanggal ang kamay nya sa leeg ko. "Asan iyong walang hiyang lalaki mo ha. Iyong g*gong nagpatanggal sakin sa trabaho. Asan iyon hinayupak na iyon." "Bitiwan mo si Clyde." Nakita ko si Drake na nakatayo. "Drake? " Binitiwan ako ni Simon. At dun pa'ko nakahinga. Sumugod si Simon. Pero naiwasan ni Drake ang suntok nito. Hinila naman ni Drake ang kamay nito. Umikot sya saka pinaluhod si Simon habang iyong mga kamay nito ay pinipilipit ni Drake sa likod nito. "Aray, bitiwan mo'ko." Nagulat si Drake ng makita ang balita sa TV. Naging pagkakataon naman iyon ni Simon hinila nito ang suot na mask ni Drake. Maging si Simon ay nagulat nang makita ang itsura ni Drake. "I-Ikaw si.." "Drake Montefalcon. Ou ako nga. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD