Chapter 13

1132 Words
Clyde's POV Maaga akong umalis kinabukasan. Sa labas na ako kumain ng agahan at hindi ko na hinintay na makapagluto si Drake ng breakfast. Pupuntahan ko ang mga job posting na nakita ko sa internet kagabi. Kailangan kong magbanat ng buto ngayong araw. Halos mapudpud na ang apakan ng sapatos ko sa kakalakad ko buong araw. Sumasakit narin ang mga paa ko at tagaktak na ako ng pawis. Hindi ako pweding sumuko. Kailangan ako ng mga anak ko. Ako na lang ang inaasahan nila. Pero talaga mailap sa gaya ko ang trabaho. Karamihan kasi puro single at bata ang hinahanap. Tsaka iyong may mahabang work experience. Napaupo ako sa isang bench sa isang public mini park. Nagpahinga ako saglit. Tinignan ko ang mga taong naglalakad sa park at ang mga vendors na matiyagang ibinebenta ang mga paninda nila sa mga dumadaan. Simple lang naman ang buhay na hinahangad ko. Ang magkaroon ng trabaho para matustusan ang pangangailangan namin sa araw araw. Noong nabubuhay pa si Jared, hindi ko naging problema ang pera. May pagkukulang man sya sa'kin sa oras at pagmamahal hindi naman sya nagkulang na tustusan ang pangangailangan namin sa araw araw. He was a good provider. Tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bag at tinignan. Ang kapal ng mukha. May lakas ng loob pa talagang nagtext si Sir Simon. 'Malakas din ang loob mong bawian ako Clyde, may kalalagyan kayo ng karelasyon mo' wika nya pa sa text. Ako pa ang pinagbantaan nya? Gayong sya iyong may ginawang masama sakin! Hinayaan ko lang sya at hindi ko na pinansin. May mas mahalaga pa akong bagay na kailangan pagtuonan ng pansin bukod sa ka epalan nya. Naglakad lakad ako at naghanap ng mga job postings. Habang nakaabang sa gilid ng pedestrian lane, napansin ko ang isang malaking electric billboard na nakalagay sa napakataas na gusali sa harapaan ko. Commercial iyon ng isang clothing brand. Huminto na ang mga sasakyan at signal na iyon para tumawid na kami sa pedestrian lane. Pero nang muli kong tignan ang nasa eletric billboard ay nagulat ako. "Dra-Drake?" nagtataka kong tanong. Bakit sya nasa billboard? KAmukha nya lang ba iyon?" "Clyde, bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" bungad sa'kin ni Drake nang makauwi ako sa bahay. Tinignan ko sya nang mabuti at inalala ang mukha na nakita ko sa billboard. "May problema ba?" tanong nya sa'kin. Pwedi naman sigurong magkamukha lang silang dalawa. "Wa-Wala." sagot ko. Pinuntahan ko ang mga bata sa kwarto nila at nakita kong naglalaro sila doon ng baril barilan. Tumakbo sila papunta sakin nang makita ako. Niyakap ko naman sila ng mahigpit. "Kumusta? Sali naman ako sa laro nyo." nakipaglaro ako ng baril barilan at habulan sa kanilang dalawa. Umabot ang takbuhan namin hanggang sa may sala. Nagtago si Riu sa likod ni Drake. "Akala mo ha!" hinuhuli ko si Riu na nasa likod ni Drake. Dahil sa katangahan ko nawalan ako ng balanse. Kaya natumba kami ni Drake sa sahig at nakapaimbabaw ako sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko. Maging si Drake ay hindi rin nakakakilos at nakatingin lang sa'kin. May kakaiba sa mga mata ni Drake, ang pinagkakatakhan ko lang ay parang pamilyar na sa'kin ang mga matang iyon. "Ahem, ahem. Hello, good afternoon sa lahat? " agad akong tumayo at inayos ang sarili ko. Tumayo naman si Drake. "Naisturbo ko ba kayo?" tanong ni Ray. "Hindi." magkasabay pa naming wika ni Drake. "Nabalitaan kong napaalis ka daw sa trabaho mo Clyde." wika ni Ray. Tumango ako. "Ikinwento sakin ni Drake kanina. I am offering a job to you. " wika nya. "Talaga? Bibigyan mo ako ng trabaho?" nakangiti kong tanong sa kanya. "Kaya mo bang maging personal assistant ng isang artista?" he asked. Napanganga ako. Seryoso ba si Ray? Jared's POV "Have you lost your mind? Bakit mo sinabi iyon? Ang sabi mo sakin bibigyan mo sya ng trabaho." "Sinabi ko kanina diba?" wika ni Ray. "Kaninong artista? Bakit sa artista pa? Gusto mo bang mawalan sya ng oras sa mga bata?" tanong ko da kanya. "Personal Assistant ni Drake Montefalcon." wika nya. "Ha? Nasisiraan ka na ba?" "Kailangan nang bumalik ni Drake sa showbiz. Kaya kahit labag sa loob ko. Babalik na tayo ng Manila sa susunod na araw. Kasama si Clyde at ang mga bata. Aasikasuhin ko ang lahat para ma transfer ang papers nila at malipat sila sa paaralan sa Manila." "Hindi papayag si Clyde. Ayaw nya sa Manila." wika ko. "Isa pa, hindi ko alam ang gagawin ko. Wala akong background sa pagiging artista. Wala akong talent." "But you are Drake Montefalcon. Kaya huwag kang mag-alala. Ako ng bahala sa lahat. Ang kailangan mo lang gawin ay kumbinsihin si Clyde." "Sayang naman twenty five thousand ang magiging sahod nya bilang personal assistant mo." Clyde's POV Pumunta ako sa Seven Eleven dahil maglo-load ako sa gcash nang mapansin ko ang poster na nakakabit sa pader. Kamukhang kamukha ito ni Drake. "Excuse me Miss kilala mo ba sya?" tanong ko sa lalaki sa poster. Lumiwanag ang mukha nito. "Sino ba ang hindi nakakakilala kay Drake Montefalcon?" tanong nito sakin. Tinignan nya ako. "Don't tell me hindi mo sya kilala?" tanong nya sakin. Umiling ako. "Napakasikat nyang actor pero ngayon balitang naka leave sya sa showbiz matapos nyang magpakamatay sa ilog. Ang sabi umuwi daw sya ng probinsya at doon nagrelax." "Ganoon ba. Sige salamat." Umalis ako ng seven eleven. Naalala ko iyong unang beses na nagkita kami. Halos takpan nya ang buong mukha nya. Dumiretso ako sa bahay. Nakita kong pinapakain ni Drake ang mga bata. Nagluto ako kanina bago ako pumunta ng Seven Eleven. Kung sya nga si Drake Montefalcon bakit sya magtitiis na maging babysitter kung kaya naman nyang mabuhay sa luho? "Mommy, kain na po tayo masarap po ang niluto ni Tito Drake." wika ni Jiro. "Kain na tayo. Pasyensya na pinauna ko nanang mga bata Nagugutom na daw kasi sila." paliwang ni Drake. Marunong syang mag-alaga sa mga bata. Wala syang arte sa katawan. Umupo ako sa hapagkainan at tinititigan si Drake. "Mommy, okay lang po ba kayo? Bakit nakatingin lang po kayo kay Tito Drake?" tanong ni Riu. "Ha? Wala ah . Sige kain na tayo." Maagang natulog ang mga bata. Naabutan kong naghuhugas ng pinggan si Drake sa kusina. "Iyong sinabi ni Ray kanina nagbibiro lang ba sya?" nilingon ako ni Drake. "Iyong sabi nyang maging personal assistant ako ng isang artista." paliwanag ko. "Seryoso si Ray, Clyde pero baka mahirapan ka. Don't worry alam kong may iba pang malalapitan si Ray para magkaroon ka ng trabaho." "May nakapagsabi na ba sayo na kamukha mo si Drake Montefalcon?" I asked. Natigil sya sa paghuhugas ng pinggan. Humarap sya sa'kin. At tinignan ako sa'king mga mata. "Marami na nga. Pero hindi ako si Drake Montefalcon, Clyde." wika nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD