Chapter 12

1338 Words
Jared's POV Tinignan ko si Clyde na natutulog na sa kama nya. Natakot akong isipin na paano kung huli akong dumating? Paano kung nagtagumpay si Simon sa binabalak nya? Sigurado akong may pinainom syang gamot kay Clyde. Lumapit ako kay Clyde at hinawakan ang pisngi niya. Ramdam ko parin ang paghalik nya sa'kin kanina. Gusto kong tugunan ang halik nya at iparamdam sa kanya na mahal na mahal ko siya. Gusto kong sabihin sa kanya na ako si Jared. Pero tuwing kaharap ko sya at sinusubukang gawin iyon ay natatameme ako. Siguro narin dahil takot akong baka iwasan nya ako at baka hindi niya pakinggan ang mga paliwanag ko. Lumabas ako ng silid nya at pumunta na ako sa silid ko sa may garahe. Kailangan ko pang matulog dahil bukas sasamahan ko si Clyde sa company nila. May kalalagyan ang Simon na yan. Clyde's POV Sikat na sikat na ang araw nang magising ako kinabukasan. Sobrang sakit ng ulo ko at mukhang mabibiyak iyon. Pinagsisihan ko kung bakit uminom pa ako. Nag-unat ako at sinubukan kong alalahanin ang nangyari kagabi. Agad akong bumangon nang maalala ito. Naligo ako at pagkalabas ko nang kwarto ay kamuntikan na akong mabangga kay Drake. "Sorry." aniya. "May kailangan ka ba?" tanong ko. Umiling sya. "Okay ka lang ba?" tanong nya sa'kin. "Pupunta ako sa office." sagot ko. Kinuha ko ang sling bag ko na nakasabit lang sa pader. "Pero Clyde, sasamahan-" "No, dito ka lang asikasuhin mo ang mga bata. Kaya ko na ang sarili ko." wika ko. Lumabas ako ng bahay at pumara ng taxi. Galit. Matinding galit ang nararamdaman ko ngayon. Nangangati ang mga kamay kong sampalin si Sir Simon. Binastos nya ang p********e ko. May kung anong nilagay sya sa inumin ko at dinala ako sa isang hotel para pagsamantalahan. Hindi ko aakalain na magagawa nya iyon sa'kin. Pagkarating ko sa company ay dumiretso ako agad sa department namin. "Clyde, totoo ba?" tanong ni Ingrid. "Nasaan si Sir Simon." tanong ko. Tinignan ako ng mga kasama ko at mukha silang nandidiri sa'kin. "Kausap nya si Ma'am Levi, kanina pa sila nag-uusap." sagot ni Ingrid. "Clyde, hindi ako naniniwala kay Sir Simon. Alam kong hindi ka ganoong klaseng babae." medyo naguguluhan ako sa sinabi ni Ingrid. Pero hindi ko na sya tinanong pa. Gusto kong makita si Sir Simon at Si Ma'am Levi para personal ko silang kausapin at komprontohin. Sakto namang papasok sana ako sa office ni Ma'am Levi nang lumabas si Sir Simon. Isang malakas na sampal ang ginawad ko sa kanya. Napanganga at nagulat ang lahat nang naroon sa ginawa ko. "Paano mo nagawa iyon? Akala ko pa naman isa kang mabuting tao." wika ko kay Sir Simon. "What the hell are you talking about? Pareho nating ginusto ang nangyari. You flirted with me in the first place." wika nya pa. Gusto ko siyang suntukin ng mga oras na iyon. "Hindi totoo yan. " gigil kong sabi sa kanya. "Clyde, let's talk " wika ni Ma'am Levi. Matalim ang tinging ipinukol ko kay Sir Simon bago ako pumasok sa office. "Nasasayangan ako sa'yo Clyde.You have the potential and the talent to lead a team. Pero hindi ko pweding i tolerate ang ganitong attitude. You can't play victim Clyde." aniya. Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Ma'am Levi. "Ho?" tanong ko dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Ma'am Levi. "Sorry but you're fired Clyde." nagulat ako at hindi makapaniwala. Kakapasok ko lang sa trabaho. Hindi pwedi. Paano ang mga daily expenses namin? Paano ang mga bata. Kakarampot lamang ang binibigay ni Mama na pera sa'min mula sa buwanang makukuha bilang beneficiary ni Jared. Paano kung kunin sa'kin nina Mama ang mga bata? Dahil hindi ako capable na buhayin sila? "Ho maam? Ano po bang pinagsasabi ni Sir Simon? Mali po ata ang pagkakarelay nya sa inyo ma'am. Ako po ang ginawan ng masama ni Sir Simon. May nilagay po sya sa inumin ko." paliwanag ko. Umaasahang makikinig si Ma'am Levi sa'kin. "Nakita mo ba na may nilagay sya?" tanong ni Ma'am Levi sa akin. Umiling ako. "Pero maam" "Ten years nasa company si Simon at ngayon lang nangyari ito. He's an asset to our company compared to you na isa pa lang baguhin. I prefer to keep Simon instead." "Pero ma'am, hindi nyo po ba ako pakikinggan? Alam nyo po bang binalak akong gahasain ni Sir Simon?" "You flirted with him. Witness din ang mga kasama nyo. na nilapitan mo si sir simon kagabi. At nagpahatid ka sa kanya pauwi." "Nasabi narin ni Simon na sumugod ang karelasyon mong babysitter ng mga anak mo. Hindi ka ba nahihiya sa mga anak mo? Ginawa mo pang babysitter iyong lalaki mo. At doon pa kayo nakatira sa bahay na pinatayo ng asawa mo." "Ma'am, hindi ko po alam na mapanghugas po pala kayo. Sana hinayaan niyo po muna akong makapag-explain bago nyo po ako paratangan ng mga bagay bagay na sa ibang tao nyo lang po narinig. Pero mukha nga pong wala kayong balak na pakinggan ang isang gaya ko dahil baguhan pa lang po ako sa kompanya. Isa lang po ang masasabi ko, sobrang dissapointed po ako dahil sa kanilang lahat kayo po ang inaasahan kong makikinig sa'kin." wika ko. Magalang akong nagpaalam kay Ma'am Levi at lumabas na ng silid niya. Pagkabukas ko naman ng pinto ay kamuntikan nang matumba iyong ibang mga ka officemate ko na nakikipag chismisan pala. Isa isa silang bumalik sa mga upuan nila. Dumiretso naman ako sa table ko at niligpit ang mga gamit ko doon. "Clyde, aalis ka na ba. Mamimiss kita." wika ni Ingrid. Sa kanilang lahat si Ingrid lang ang alam kong totoo sa'kin. Kahit na nga regular na si Ingrid sa kompanya ay kailanman hindi niya pinaramdam sa'kin na iba ako sa kanya. "Ou, huwag mo'ko kakalimutang itext ha." wika ko sa kanya. "Paano ka?" tanong niya sa'kin. "Mag-aapply ako sa iba. Ganito talaga ang buhay." sagot ko sa kanya. "Sana masaya po kayo at sa ginawa nyo sir. Hiling ko lang po sana na hindi kayo balikan ng karma." wika ko kay Sir Simon na hinarang pa ako bago ako umalis. Matamlay akong umuwi ng bahay. Ang dami ko pang plano para sa susunod na sahod ko. Niyakap ko ng mahigpit sina Jiro at Riu. "Mommy, maaga po kayong umuwi?" tanong ni Riu. "Ou, anak. Maaga kasi akong pinauwi ni sir. Kumusta ang school?" tanong ko sa kanya. "Masaya po mommy. Marami po kami natutunan. Alam nyo po bang maraming may crush kay Tito Drake sa school mommy? "Talaga?" tinignan ko si Drake. "Pwedi na ata akong magtayo ng fans club sa school." panggagatong ni Drake. Natawa ako. "Wala ka bang naaalala na ginawa mo noong nasa sasakyan ka na kasama kita?" tanong ni Drake sa'kin. Inaayos ko ang mga bulaklak sa hardin namin. Nag-isip ako. Sinukahan ko ba sya? Or ang sasakyan? Wala akong maalala. "Pasyensya na wala talaga akong maalala." sagot ko. h "Okay lang, mas mabuti na ngang huwag mo na lang alalahanin. Teka, bakit maaga ka yatang umuwi ngayon? Nireklamo mo na ba si Simon? Ano ang sabi ng Manager nyo?" "O-oo. Kaso hindi ako pinakinggan ng Manager namin mas naniwala sya kay Simon kaysa sa'kin." wika ko. "At tanggal na ako sa trabaho." wika ko pa. "Huwag mo ng alalahanin iyon. Marami pa namang trabaho dyan na pwedi mong pasukan." sabi ni Drake. "Kaya nga bukas na bukas din maghahanap ako ng trabaho. " "Ganyan nga. Pagsubok lang iyan. Huwag kang susuko. Andito lang kami. Pwedi kitang samahan bukas kung gusto mo." "Naku, huwag na baka masapak ka na ni Manang Luz dahil parati mo ng iniiwan ang mga bata sa kanya." wika nito. "Kay Ray ko iiwan ang mga bata." "Marunong ba mag-alaga ng bata iyon?" tanong ko. "Masasaktan si Ray kapag narinig nya iyan." wika ni Drake. Nagtawanam kaming dalawa. Jared's POV "May kakilala ka bang pweding pasukan ni Clyde?" tanong ko kay Ray. "Kaya mo ba ako tinimplahan ng kape? Dahil may kailangan ka sakin?" Nginitian ko sya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD