Jared's POV
"Abot langit talaga ang galit nya sa'yo. No wonder na hindi ka talaga makatawid papuntang langit. Nakita mo ba iyong mga mata nya kanina nang sabihin nya iyon? Parang may lumalabas na apoy sa mga mata nya, man. Isa lang masasabi ko. You're as good as a roosted jerk in hell." wika ni Ray. Nasa isang cafe kami at nilibre nya ako ng kape. Nakaka tatlong kape narin sya simula kanina.
"It's all my fault kung nakuntento lang ako noon at pinaramdam ko kung gaano ko sya kamahal, sana hindi sya ganito kagalit sa'kin ngayon." wika ko pa.
"Exactly, at di sana wala ka sa katawan ni Drake ngayon. At hindi namomoblema ngayon. Ang dami mong piniperwisyo alam mo ba?" ang sarap lang talagang tapunan ng kape nitong si Ray. Talagang may galit sya sa'kin.
"Here, you can used it. Used it only for the benefit of Drake. Okay?" inilatag ni Ray ang limang atm cards ni Drake Montefalcon.
"Talaga?" mangha kong tanong habang nakatingin sa mga atm cards.
"Only for Drake's benefit. Hindi naman maramot si Drake he'll understand everything kapag bumalik na sya." wika nito. "The only thing you should do is to win your wife's heart."
"Jiro, Riu sa tingin nyo magugustuhan ni Mommy 'to?" itinuro ko sa dalawang ang human size teddy bear na kulay pink. Nasa mall kami at gagamitin ko ngayon ang mga cards na pinahiram ni Ray.
"No, Tito Drake. I think mommy wants a smaller gift." wika ni Jiro. Napaisip ako. Smaller?
Jewelries na lang kaya ang bilhin ko kay Clyde? Masasangla pa nya iyon kapag nangailangan sya.
"Birthday po ba ni Mommy Tito?" tanong ni Riu. "Why are you buying gifts for mommy tito?" tanong ulit nito.
"Ha? Because your Mom is so kind and she deserved all of this. Halinga kayo anong gusto nyong toys?" tanong ko sa dalawa. Napalundag naman sa tuwa ang dalawa. Pumunta kami sa toy kingdom. At muntik ko nang pagsisihan na dinala ko sila doon.
Pikit mata kong binigay ang atm card ni Drake sa cashier. Sa tantya ko umabot ng limang libong piso ang laruang nabili namin. Naku, patay ako neto kay Ray.
Nakatulog na sa loob ng sasakyan sa kakulitan ang dalawa . Gusto kong surpresahin si Clyde. Naghintay ako na lumabas sya ng company. Nakita kong nakadikit si Sir Simon dito. The way he look at her. Alam kong may matindi syang pagkagusto kay Clyde. Pero iba ang kutob ko kay Simon. Mukha talagang hindi sya mapagkakatiwalaan. Tabas pa lang ng mukha. Mukhang marami ng babaeng binabahay.
Lumabas ako ng sasakyan.
"Dra-Drake?" nagulat si Clyde nang makita ako.
"Gusto ng mga bata na sunduin ka. Kaya lang nakatulog sila sa loob ng sasakyam." paliwanag ko.
"May team dinner kami ngayon. Hindi mo ba nabanggit sa babysitter ng mga anak mo?" tanong ni Simon kay Clyde.
"Pa-pasyensya na. Nakalimutan ko kasi kanina busy ako. Pwedi bang ihatid nyo na lang ako sa restaurant tapos ihatid mo nanlang muna ang mga bata sa bahay?"
"Sige." tipid kong sagot habang nakatingin kay Simon na ngisi ng tagumpay ang pinakita sa'kin.
"Oi, Clyde. Sino yan? Mukhang ang gwapo naman." kinikilig iyong ka officemate ni Clyde.
"Ah, Ingrid. Sya nga pala si Drake. Sya ang nagbabantay sa mga bata. Drake si Ingrid, officemate ko." pagpapakilala ni Clyde.
"Hi," iniabot ni Ingrid ang kamay nya. Nakipagshake hands sya sakin pero mukhang ayaw na nyang ibalik ang mga kamay ko. Dahan dahan kong hinila ang kamay ko sa kanya para di sya mapahiya sa mga kasama nilang nakapalibot sa'min.
"Sama ka sa'min sa team dinner namin." Aya nito.
"Pa-pasyensya na magbabantay kasi ako sa mga bata. "
"Ay ganoon sayang naman."
"See you sa Matina Town Square." wika ni Simon. Inis ko syang tinignan.
"Sige sir."
Sumakay na si Clyde sa sasakyan.
"Mag-iingat ka doon. Huwag kang iinom. Lalo na at may mga lalaki kayong kasama." wika ko habang nagda-drive.
"Para ka namang tatay ko kung makapaalala." wika ni Clyde.
"Basta mangako ka sa'kin. Huwag kang iinom." tinignan ko sya.
"Don't worry. Nga pala kapag natagalan kami pwedi ka ng matulog.
Magta-taxi na lang ako pauwi."
"Susunduin kita." wika ko.
"No, matulog ka ng maaga. Kaya ko na ang sarili ko."
Kahit na nga ano ang pagpupumilit ko ay hindi pumawag si Clyde na sunduin sya. Nang makauwi na kami ng mga bata ay hindi ako mapalagay. Pgkatapos konsilang pakainin at paliguan ay pumunta na ako sa silid ko para magpahinga. Pero kahit anong gawin ko ay hindi akonmakatulog. Wala akong tiwala kay Simon. Iba kasi ang pagkakatingin nya kay Clyde. Lalo nang makita ko kung paano nya ako ngisihan kanina.
Kaya tumawag ako kay Ray na nag rent sa isang hotel malapit sa village. Nakiusap akong bantayan nya sina Jiro at Riu na natutulog na.
"Alam mo ang galing din ng timing mo ano. Nagpapahinga na ako. Nasa dream land na ako pero tumawag ka pa."
"Pasyensya na. Susunduin ko kasi si Clyde. Wala akong tiwala sa supervisor nya." wika ko.
"Nagseselos ka ba?" tanong nya sa'kim.
"Alam mo normal lang naman iyon dahil byuda na si Clyde. Natural may mga lalaking magkakagusto sa kanya. Dahil maganda naman sya -"
Hindi ko na pinatapos si Ray sa pagsasalita agad akong pumunta sa garahe at pinaandar ang sasakyan.
Clyde's POV
"Here," iniabot ni Sir Simon ang isang baso ng alak.
"Hi-Hindi po ako umiinom." pagtanggi ko.
"Minsan lang naman. Tsaka andito tayo para mag celebrate."aniya.
"Sige na Clyde. Isang baso lang naman." singit ni Ingrid. Maingay narin ito at panay ang pagkapit sa braso sa isa naming kasamahang lalaki. Ilang bote ng alak narin ang nainom nya.
"Iinom na yan! Iinom na yan! Iinom na yan!"
Wala na akong nagawa nang sabay sabay silang sumigaw habang sinasabi na uminom na daw ako ng alak.
"Ipapahiya mo ba ako sa mga kasamahan natin, Clyde?" tanong ni sir Simon. Kinuha ko ang baso sa kanya.
Isang baso lang naman ng alak ang ininom ko pero hilong hilo na ako. Nagpaalam akong pupunta sa banyo. Sobrang hilo na ako at kamuntikan nang natumba mabuti na lang at maagap akong nahawakan ni Sir Simon.
"Clyde, where are you going?" tanong nito. Nakangiti siya at inilapit ang mukha sakin. Umatras ako.
"Sa banyo lang po sir."
"Heto uminom ka pa ng isa." iniabot nya sakin ang isang basong alak na hawak hawak nya.
Magalang akong tumanggi. Pero ang kulit ni sir.
"Hindi kita papadaanin kung hindi mo ito iinumin." wika nya. Dahil ihing ihi na ako ay kinuha ko na ang baso at ininom iyon.
"That's my girl." wika ni sir Simon. Kinuha nya ang baso at dumiretso na sa mesa namin. Ako naman ay dumiretso sa banyo. Matagal akong nanatili sa banyo bago ako lumabas dahil sobrang nahihilo ako. Sobrang pinagsisihan ko tuloy na uminom pa ako ng alak.
Napagdesisyunan kong lumabas at tawagin si Ingrid dahil hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko. Bigla na lang uminit ang katawan ko. Hinanap ko si Ingrid pero bigla na lang sumulpot si Sir simon at hinapit ang beywang ko.
"Mukhang nahihilo ka. Gusto mo bang ihatid na kita sa inyo?" tanong ni Sir Simon. Sobrang lapit na ng mukha nya sakin kaya bahagya ko siyang itinulak.
"May problema ba?" nakangisi niyang tanong habang hinahaplos ang pisngi ko.
"Nahihilo po ako ng sobra sir. Si Ingrid po-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang dumilim ang paningin ko.
Jared's POV
"Putcha, bakit ba hindi sinasagot ni Clyde ang mga tawag ko." Hindi ako mapalagay at kinakabahan ako na ewan. Kinukutuban ako ng masama.
Pagkatapos kong iparada ang kotse ay dumiretso na ako sa loob ng Matina Town Square at hinanap si Clyde. May bandang kumakanta at maraming mga taong gumigimik. Inisa isa ko ang bawat lamesa at stall na naroon. Hanggang mamukhaan ko ang mga ka officemate ni Clyde. Nakita ko si Ingrid na lasing na lasing na habang kumakanta at sinasabayan ang bandang kumakanta sa stage.
"Excuse me, nakita mo ba si Clyde?" tanong ko kay Ingrid.
"Wow, andito si Pogi! Hi andito ka ba para sunduin ako?hik" pinulupot nya ang kamay nya sa braso ko.
"Si Clyde, nasaan si Clyde?"
"Hinatid na sya ni sir simon pauwi kanina. " wika ni Ingrid. "Hindi ba sya hik . Tumawag sayo?" tanong nya.
"Naku, mukhang hindi pa nakauwi si Clyde tama ba?"singit ng isa nilang kasama na lalaki. "Naku baka dinala na ni sir simon si -"hindi ko na pinatapos itong magsalita at dali dali akong tumakbo pabalik ng parking lot. Tinawagan ko ulit si Clyde pero hindi ito sumasagot.
Isa isa kong pinuntahan ang mga motel na malapit sa matina town square. Tinignan ko ang plate number ng mga sasakyan na naka park dahil kanina pa lang matapos kong ihatid si Clyde ay kinabisado ko na ang plate number ng sasakyan ni Simon.
Nanlumo ako at sinabunutan ko ang buhok ko. Paano kung may masamang mangyari kay Clyde. Paano kung mahuli ako ng dating? Hindi ako mahilig magdasal dati pero ngayon nagdasal ako na sana tulungan ako ng Panginoon na makita si Clyde.
Ayokong mapahamak sya. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong takot sa buong buhay ko.
Dininig ng Panginoon ang panalangin ko dahil nakita ko ang sasakyan ni Simon na nakaparada sa isang talyer na malapit sa Matina Town Square.
"Kuya, saan ang may-ari nitong sasakyan?" tanong ko sa lalaki.
"Andun kasama ang kasintahan nya nag check in ata sila dyan sa hotel. Nasiraan kasi sila ng sasakyan at kaka rescue lang namin sa kanila. Matutulog na nga sana ako eh. Kung di lang talaga ako tinawagan ng kaibigan ko di ako sisipot. Gabing gabi na."
"Nakausap nyo po ba ang babae kuya? tanong ko.
"Hindi. Mukhang lasing na lasing nga ang girlfriend nya." wika pa nito.
"Sige kuya salamat." agad akong tumakbo papunta sa hotel na itinuro ng lalaki.
"Miss may nag check in ba dito na isang lalakinh matangkad. Maputi at nakasuot ng kulay blue na polo shirt? May kasama ba syang babae na lasing na lasing? Nakamaong at white shirt ang babae." tanong ko sa receptionist.
"Sorry sir. Pero hindi po kami nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga customers namin. "
"Nilasing niya ang asawa ko at dinala dito. Ibigay mo sakin ang room number nila at ang susi ng kwarto kung ayaw mong pati ikaw ay ireklamo ko sa mga pulis!"
Agad na binigay sakin ng babae ang room number nila at ang susi ng kwarto.
Puno ang elevator kaya naghagdan ako. Hingal na hingal ako nang makarating sa fifth floor. Hinanap ko ang room 209 at binuksan iyon.
Dumilim ang paningin ko ng makita si Simon na nakapaimbabaw ky Clyde. Agad ko siyang hinila at sinuntok sa mukha.
"Gago ka anong ginawa mo kay Clyde." nandilim ang paningin ko at pinagsusuntok ko sya.
"May kalalagyan ka. Kakasuhan ka namin ng r**e!" sigaw ko.
"Baliw ka ba eh pareho naming ginusto 'to!" balik na sigaw nya sakin. Putok na ang nguso nya.
"Pagsisihan mo'to." gigil kong wika sa kanya.
"Clyde, Clyde gising..."
"Drake?" namumungay ang mga mata ni Clyde at parang wala sa sarili.. "Aalis na tayo dito."
Binuhat ko si Clyde palabas ng kwarto. Dumiretso ako sa parking lot at pinasok sya sa back seat. Pupunta na sana ako sa frontseat nang magsalita sya.
"Dito ka lang....please."
Hindi ko napaghandaan ang sunod nyang ginawa. Hinawakan nya ang magkabila kong pisngi at hinalikan ako sa aking mga labi.