Jared's POV
"So you are telling me that Drake Montefalcon is possessed by a Jerk Ghost?" wika ni Ray kay Michael. Matapos iyon ay tinignan nya ako mula ulo hanggang paa.
"Wow, salamat sa salitang Jerk. I really appreciate it. " sarcastic kong wika kay Ray.
"Pero kung titignan ko naman, parang wala namang nagbago sa kanya." anito.
"Maybe physically. Pero hindi ka ba nagtataka? Sa mga kinikilos nya? Ibang iba sya keysa kay Drake. Masyadong ingat si Drake sa mga kilos at pananalita nya. Di gaya ni Jared na bulgar. Isa pa hindi hilig ni Drake , ang ice cream."
"Well, you have a point Michael. He's acting differently and weird nang magising sya sa ospital. It's either he's mentally ill or talagang nalagyan lamang ng maraming tubig ang utak niya."
"Alam kong mahirap paniwalaan. Pero ito ang realidad. Talagang may mga bagay at pangyayari sa mundo na mahirap i-explain." saad ni Michael. "I'd been there kaya naniniwala ako kay Jared."
"Okay kung sya nga si Jared may ibang paraan pa ba para maalis ang jerk na iyan sa katawan ni Drake?" tanong ni Ray. Consistent iyong pagtawag nya sa'kin ng Jerk. Ang sarap nya lang sapakin.
"Yes at mangyayari lamang iyon kapag natapos na niya ang mission nya sa mundo." sagot ni Michael.
"And your mission is?" bumaling sa'kin si Ray.
Ikinwento ko sa kanya ang lahat lahat. Napailing si Ray.
"Deserved mo talaga ang maparusahan. Siguro ihanda mo na lang ang sarili mo sa impyerno dahil tyak na doon ang bagsak mo."
"Ray, that's harsh." wika ni Michael.
"Eh sino ba namang matinong babae ang kayang patawarin ang tulad nya?" tanong pa nito.
"Masyado ng mahaba ang 45 days para kay Drake. Kailangan nyang bumalik sa Showbiz pagkatapos ng isang linggo." wika pa ni Ray.
"Kung ganoon kailangan na nating tulungan si Jared na mapatawad na ni Clyde para narin makaalis na sya sa katawan ni Drake." saad ni Michael.
"Pero paano? Kapag sinabi ng Jerk na ito na sya si Jared, tyak na palalayasin sya ni Clyde sa bahay nila. At kapag nangyari iyon kailangan nya pang maghintay ulit ng 45 days para lang makaalis sya sa katawan ni Drake." wika ni Ray.
"I can't wait that long. Kinukulit na ako ng mga company na naka line up para sa tv commercials ng mokong na 'to. Isa pa, may movie sya for this year at kailangan na nyang sumipot sa shooting, kung hindi ay baka mapalitan na ang leading man sa movie na iyon."
Tinignan ako ni Ray. "May pag-asa ba ang Jerk na'to?" he felt hopeless na para bang isang himala na lang ang magiging daan para mapatawad ako ni Clyde.
"He must do everything to impress her. He must do his very best. At kapag natagumpay sya, kapag nakuha na nya ang loob nito, pwedi na niyang sabihin na siya si Jared Sandoval. In that way, hindi na mahihirapan si Clyde na patawarin siya. Dahil mararamdaman nitong sincere sya dahil narin sa tindi ng effort nya."wika ni Michael.
"Stop giving him false hopes Michael dahil mukhang malabo naman siyang mapatawad ng asawa nya." pambabadtrip ni Ray.
"Who knows? Baka makatulong na andyan sya sa katawan ni Drake Montefalcon para mapatawasd sya ng asawa nya."
"She doesn't even recognize Drake Montefalcon. At kapag tinitignan ko sya mukha wala namang syang interes kay Drake Montefalcon. Hindi man lang sya kinikilig sa presensya nito. May pakiramdam ba sya? "
"My wife is perfectly normal, talaga lang na hindi nya type si Drake at ako lang ang mahal nya."
"Talaga?" mapang-asar na wika ni Ray. "Well, let's find out in a couple of days No woman can't resist Drake Montefalcon. Kahit nga mga Nanay na ay kinikilig parin ang mga obaryo kapag nakikita sya. He's the living legend of his generation. Kaya kung ako sa'yo, sulitin mo na habang andyan ka pa sa katawan nya."
"Bwesit talaga. Lamang lang naman ng ilang paligo sa'kin ang mokong na 'to ah." Wika ko habang sinusuri sa salamin sa may sala ang mukha ni Drake Montefalcon. Umitim lang naman ako dahil sa training namin sa pagsusundalo ko at dahil narin parati akong na di-dispatch kung saan saan.
Under kasi ako sa Civil Military Operations Unit at marami kaming ginagawang mga aktibidad na kasama ang mga civilian.
"Tito okay lang po ba kayo?" tanong ni Jiro sa'kin. Siguro nagtataka sya dahil kanina pa'ko nakatingin sa salamin.
"Ou, naman. Tinitignan ko lang kung may tigyawat ako sa mukha ko."
"Wala naman Tito ,puro kalmot lang po ang nakikita ko."
Hinawakan ko sa magkabilang balikat si Jiro.
"If wala akong kalmot sa mukha. Sino ang mas pogi sa'min ng Daddy Jared mo?" he asked.
"Ka-Kayo po." sagot nito tapos tumakbo na para maglaro sa labas. Tinignan ko ulit ang mukha ko sa salamin.
"Lamang ka lang naman talaga ng ilang paligo sa'kin eh. Tapos tambay ka pa sa clinic ni doctora Belo. "
Tumunog ang cellphone ko at kinuha ko iyon sa bulsa ko. Nagtext si Clyde at sinabing kakain daw kami sa labas mamaya kasama ang bata dahil sahod nya ngayon.
"Jiro, Riu. Kakain daw tayo sa labas mamaya. Nagtext ang Mommy nyo."
"Wow, talaga Tito Drake?" tuwang tuwa ang dalawa at hindi na makapaghintay na dumating ang ala singko ng hapon.
Clyde's POV
"Congrats, Clyde. I enjoy mo ang una mong sahod." wika ni Ingrid.
"Lalabas nga kami ngayon ng mga bata." wika ko pa.
"Clyde, uuwi ka na ba? Gusto mo bang mag dinner muna tayo? I mean team dinner kasi unang sahod mo ngayon." wika ni Sir Simon.
"Naku sir may lakad daw si Clyde ngayon." singit ni Ingrid.
"Ganoon ba. Sige some other time na lang." wika ni Sir Simon.
Nang lumabas ako nang company ay nakita ko si Drake at ang mga bata. Agad na tumakbo sina Jiro at Riu papunta sa'kin.
"Mommy, saan tayo pupunta?" Jiro asked.
"Gusto nyo ng ice cream diba? Dali punta tayo sa Ice Giant."
Si Drake ang nagmaneho ng sasakyan dahil hindi pa ako nakakuha ng Driver's License.
"Masarap ba?" tanong ko kina Jiro at Riu na hindi na umiimik at nilantakan na ang ice cream na inorder nila.
"Well, silence means yes." sagot ni Drake.
"Hindi ka ba kakain?" takang tanong ko dahil mukhang matutunaw na ang ice cream sa harapan niya.
"Ayaw mo ba ng ice cream?" tanong ko sa kanya.
"Sa totoo lang paborito ko ito. Kaso..." tumingin siya sa paligid niya. Medyo maraming tao ng oras na iyon.
"Nahihiya ka ba? Kaya ka ba parating nakasuot ng facemask kapag lumalabas tayo? It's okay, i take out na lang natin. Sa kotse mo na kainin." wika ko.
Pagkauwi namin ay nag-uunahang tumakbo papasok sa bahay sina Jiro at Riu. Pagkatapos ayusin ni Drake ang sasakyan ay papasok sana siya sa loob ng bahay. Kaso pinigilan ko siya.
"Drake." tawag ko sa kanya. Lumingon sya.
"Sahod mo." iniabot ko sa kanya ang isang envelope na naglalaman ng tatlong libo piso na kalahati ng sahod niya sa isang buwan. Tinignan niya iyon.
"Alam kong maliit lang yan kumpara sa ibang trabaho na -"
"Hindi mo kailangan bayaran ako kaagad Clyde, unahin mo muna ang mga bagay na mas importante. At mga bagay na gusto mong bilhin. Alam kong marami kang mga bagay na gustong bilhin noon pero hindi mo nagawa dahil mas inuna mo ang pamilya mo."
Napatingin ako kay Drake. There's something with him that reminds me of Jared. When I am reminded of Jared, naaalala ko ang huling gabi na makita ko siya. Sa huling araw niya sa mundo na gawa niya parin akong pagtaksilan. Siguro nga ako lang ang nagmahal noon at naniwalang kaya niyang magbago para sa'kin. Para sa'min. Siguro nga hindi kami mahalaga para sa kanya.
"Clyde?" nabalik ako sa realidad.
"Pasyensya ka na may bigla lang may sumagi sa isipan ko. Anyways, itago mo na yan. PAsasalamat ko iyan sa pagtulong mo sa'min ng mga bata." wika ko. Matapos maligo ay natulog na ako. Pagkagising ko kinabukasan ay nagulat ako dahil tila may handaan sa dami ng pagkain na nakahain sa mesa.
"Good morning, Miss Clyde." lalo akong nagulat nang makita si Ray. Di kaya sobrang aga nya para magbisita?
"A-anong okasyon?" tanong ko. Nakita ko pang nagluluto si Drake sa kusina. Sa takot kong baka inubos nila ang pinang grocery namin kahapon bago umuwi ay mabilis akong pumunta sa may ref. Nakahinga ako ng maluwag nang makita na andun parin ang lahat ng pinamili ko. Ibig bang sabihin.
"Ako ang may dala nitong mga lulutuin, nagpaluto ako kay Drake dahil nag crave ako ng luto nya. He's the best cook." wika pa nito.
"Talaga? Ibang klase ka palang mag crave?" pakiramdam ko hindi namin mauubos ng dalawang araw ang mga pagkaing nakahain sa lamesa.
Hindi ko halos malunok ang pagkain dahil wala ng ginawa si Ray kundi ang ihain sa plato ko ang lahat ng pagkain na naroon.
"Mamatay na ba ako bukas? Bakit pinapakain mo'ko nang husto?" Di ko napigilan ang sarili ko at tinanong ko si Ray.
"Nahalata mo ba?" tanong ni Ray. Nakita kong siniko ni Drake si Ray.
"Huwag mo syang pansinin Clyde."
Nagpatuloy lang ako sa pagkain.
"Masarap ba?" tanong ni Drake sa'kin. Tumango ako.
Pero ang luto nya kapareho sila ng luto ni Jared.
May kung anong kumirot sa puso ko.
"Talaga? Nasarapan ka?" tanong ni Ray. "Well, does that mean na..."
"Pwedi bang ako na lang ang magluto ng agahan at hapunan?" tanong ko.
"Bakit? Akala ko ba nasarapan ka sa luto ko." nakita kong nalungkot si Drake.
"Because it reminds me of someone, I hated the most. "