Clyde's POV
They say the people we loved will hurt us the most...
Ilang beses na nga ba akong sinaktan ni Jared? Ilang beses ko na nga ba siyang nahuling may babae? Ilang beses ko na nga bang narinig ang kanyang paulit ulit na sorry? Ilang beses na ba akong umasang magbabago siya?
Heto ako ngayon nakatayo habang sinasampal ng realidad na kahit kelan ay hindi magbabago si Jared. That he will never ever be contented in me.
"Mhie,let me explain..." aniya. Nataranta siya at tila nawalan ng kulay sa katawan. Ang babae namang kasama niya ay nagmamadaling umalis ng restaurant. She was not a beauty pero pansin kong mas bata siya sa'kin. If Jared wants a younger spouse bakit niya ako niligawan at pinakasalan? Alam naman niyang mas matanda ako sa kanya ng isang taon.
"Mhie, please magsalita ka naman. Pag-usapan natin 'to." aniya. Andun iyong pagsusumamo sa mga mata niya. He wanted me to say a word pero ano nga ba ang sasabihin ko? Paulit ulit na lang iyong mga linyang kumakawala sa bibig ko everytime na mahuhuli ko siyang may babae. Paulit ulit din iyong mga tanong sa isip ko kung bakit niya nagawa sa'kin ito. Did I deserved all of this?
"Mhie...let's talk..."
Ano ba ang gusto niyang marinig mula sa'kin? Na okay lang sige mambabae ka na lang ulit. Immune na ako. Ganun ba? Marami akong gustong sabihin. Marami akong gustong isigaw sa pagmumukha niya pero ayaw iyong lumabas mula sa bibig ko. Maybe I was too tired. Maybe I was too hurt or maybe because my body, mind and heart felt so numb because of the pain.
"Mhie,wala iyon. Ikaw lang ang mahal ko. Mahal na mahal ko kayo ni Riu at Jiro" nakikita ko ang nagbabadyang luha sa kanyang mga mata. Mahal daw niya kami. Then why did he have to hurt me this bad? Kapag mahal mo ba ang isang tao authorized ka bang saktan siya? Bakit? Dahil kampante kang in the end mapapatawad ka lang niya? That whatever mess you do at the end of the day you'll find your wife's unconditional and forgiving love?
Pero paano kung dahil sa paulit ulit na sakit ay unti unti nitong pinaparupok ang puso mo hanggang sa tuluyan ka ng bumigay? My patience with Jared's cheating games is over. Pagod na ako sa paulit ulit at walang katapusang set up na ito. Habang tinitignan ko siya unti unti kong na realized that I regretted every single moment I spent with him. Nagsisisi ako kung bakit minahal ko siya ng husto. I was a good wife to him. Never cheated pero ito pa ang kapalit sa lahat ng pagmamahal at sakripisyo ko para sa kanya.
Huli na ba para maranasan kong sumaya? Hindi ko naman hiniling kay Jared na ibigay sa'kin ang lahat. Iyong loyalty at pagmamahal niya lang ang hinihingi ko pero mukhang hirap na hirap siyang ibigay sa'kin iyon.
"Mhie, please mahal kita..." umiling ako. Hindi niya ako mahal. Mali na makinig ako sa kasinungalingan niya. Kung mahal niya ako hindi siya gagawa ng bagay na alam niyang masasaktan ako.
I stepped back when he stepped forward. This is too much Clyde. You're done with it. You can change everything by doing one last step backwards.
Kaya ko ba? Or takot ako? Takot akong baka di ko kayaning mawala siya sa buhay ko?
Ang gusto ko lang gawin ng mga oras na iyon ay takasan ang sakit na nararamdaman ko. And I can't do it with Jared infront of me.
It's now or never Clyde. Don't stepped back and you'll surely live with this curse relationship forever.
And so...
Tumakbo ako palabas ng restaurant without looking back. Ang sabi niya 10am ang flight niya pa Manila, iyon pala may ka date lang siya. Hindi niya ba alam kung gaano ko siya namimimiss tuwing umaalis siya. Kung gaano ko gustong mayakap siya tuwing nasa malayo siya. I was a fool in love I admit. Pero sagad na sagad na ako. Ang sakit sakit na.
Bumuhos ang malakas na ulan pero hindi parin ako huminto sa pagtakbo. Nahinto lang ako nang may marinig akong malakas na busina sa harapan ko. Isang itim na kotse ang kamuntikan na akong mabangga.
"Huy! Magpapakamatay ka ba! Pwedi ba huwag kang nandadamay! Alam mo ba kung sino ang sakay ko sa loob ng sasakyan?!"
"Isa siyang napakaimportanteng tao at pwedi mong masira ang buhay niya dahil sa pagiging selfish mo!" bulyaw sa'kin ng driver ng sasakyan. Nanatili lang akong nakayuko habang sumisigaw siya sa harapan ko. Nawalan ako ng lakas na magsalita. Nawalan ako ng lakas ng loob na ipagtanggol ang sarili ko. I've felt broken at hindi ko alam kung paano ko ulit bubuuin ang sarili ko. Tatlong taon pa lang sina Jiro at Riu. Anong gagawin ko.
"That's enough, Ray. Miss, okay ka lang ba?" tanong ng lalaking kabababa lang ng passenger's seat. Iniangat ko ang aking ulo. At mula sa nanlalabo kong paningin ay tinignan ko siya. Pero bago ko paman makita ang itsura niya ay bigla na lang akong nawalan ng ulirat.
Agad akong napabalikwas ng bangon. Panaginip. Dinalaw na naman ako ng masamang panaginip mula sa nakaraan. Nanginginig pa ang mga kamay ko at nakapa ko na namamasa ang mga mata ko. Kinapa ko ang cellphone sa aking kama. At tinignan ang oras. Ala sais na pala ng umaga. Automatic akong napatalon sa kama.
Mabilis akong naligo sa banyo na nasa loob ng kwarto ko. Nagmamadali akong magbihis. Pagkatapos ay lumabas ako ng silid bitbit ang aking bag.
"Nagluto ako ng agahan. Magbreakfast ka muna bago pumasok sa trabaho." wika ni Drake sa'kin. Nakasuot siya ng kulay pink na apron at masiglang nagluluto ng almusal. Natakam ako sa amoy ng Bacon at fried rice na nasa mesa. Lalo na sa amoy ng niluluto niyang daing kaso kailangan kong umalis ng maaga ngayon.
Naglalaro sa may sala sina Jiro at Riu. Nakaligo na ang dalawa. Ala syete pa lang ng umaga. Mukhang maagang nagising si Drake.
"Sa labas na ako kakain. May pupuntahan kasi akong importante ngayong umaga." wika ko. Nakita kong nanlumo siya sa mga sinabi ko.
"Pwedi bang magbaon na lang ako? Mukhang masarap ang mga niluto mo." wika ko. Umaliwalas ang mukha niya. Agad siyang naghanap ng tupperware sa may cabinet at nilagyan iyon ng pagkain. Pagkatapos ibalot sa cellophane ay nilagay niya ang mga pagkain sa maliit na paperbag.
"Breakfast is the most important meal of the Day." wika niya pa. Wait, the line seems familiar. And the way he smiles upon saying it mukhang nakita ko na iyon. Saan ko nga ba sya nakita? It feels like deja vu.
Nagkita na ba kami noon?
"Mommy, Mommy look oh. Inayos ni Tito Draven ang Toy Car namin ni Riu. Magagamit na namin 'to mamaya kapag papasyal kami sa park." masiglang wika ni Jiro.
"Wow, salamat. Alam mo bang matagal na nilang hindi nagagamit ito dahil mag-iisang taon na itong sira."
"Wala iyon. Nasayangan kasi akong itapon. Mukhang mapapakinabangan pa naman kasi. Oh heto pala ang baon mo." iniabot ni Drake ang pagkain sa'kin. Kinuha ko iyon. Hinalikan ko sina Jiro at Riu. Paalis na sana ako ng magsalita si Riu.
"Tito Drake! Ikaw po ba itong nasa magazine?" tanong ni Riu. Mabilis pa sa alas kwatro na lumapit si Drake kay Riu at tinignan ang hawak nitong magazine.
"HaHaha. Naku, ano ba iyang pinagsasabi mo Riu. Hindi si Tito Drake iyan! Artista iyan ano ka ba. Akin na nga ito at nang may panggatong ako mamaya. " wika nito sabay kuha sa dyaryo.
"Sige magpakabait kayo dito kay Tito Drake nyo ha. Kailangan munang magwork ni Mommy. "
"Don't worry Mommy behave naman po kami kay Tito Drake. Tsaka mabait naman po si Tito Mommy, huwag po kayo masyadong mag-alala at magfocus na lang po sa work." wika ni Jiro. Mature na siya magsalita para sa edad niya. Mukhang mabilis nakagaan ng loob ni Drake ang mga bata.
Tinignan ko si Drake. Hindi ako madaling magtiwala sa tao lalo na kung hindi ko pa kilala. Pero kay Drake, magaan ang loob ko at nakakaramdam ako ng assurance na hindi niya pababayaan ang mga bata.
"Sige, ikaw muna ang bahala sa mga bata ha. Alis muna ako."
Lumabas ako ng bahay at naghanap ako ng jeep na masasakyan papunta sa isang cafe na malapit lang din sa pinapasukan ko. Nakita kong naghihintay na roon ang katagpo ko.
"Pa-pasyensya na po kayo at ngayon lang ako nakarating." paumanhin ko.
"Ano pa bang aasahan ko sa'yo? Oh heto hindi rin naman ako magtatagal. " mataray na wika niya.
Itinapon niya sa mesa ang isang puting mailing envelope. Kinuha ko iyon at sinilip ang laman.
"Pero Ma, magsisimula na pong pumasok sa school sina Jiro at Riu. Baka naman po-"
Nagtaas siya ng kilay.
"Kini-question mo ba ang perang binibigay ko sa'yo?"
"Hindi po Ma..."
"Pasalamat ka nga at binibigyan kita ng pera! Pera iyan ng anak kong namatay! Kaya nasa akin kung bibigyan kita o hindi!"
Hindi na ako umimik. At kinuha ang puting envelope na naglalaman ng tatlong libong piso. Kailangan kong kapalan ang mukha ko para kina Jiro at Riu. Kailangan kong lunukin ang pride ko kahit na nga tinatapak tapakan na ako ng ibang tao. Kinuha ng ina ni Jared ang dapat sana ay para sa'min ng mga anak niya.
"Salamat, Ma." wika ko na lang.
"Haist naku, bakit kasi hindi mo na lang ibigay sa'kin ang mga apo ko? Mas maalagaan ko sila kung nasa akin sila. Jiro and Riu deserved a better life. Ano ba ang kaya mong ibigay sa kanila? You are nothing, Clyde. "
"Ma, kailangan ko na pong umalis. May trabaho pa po ako." wika ko na lang. Ayaw ko siyang patulan dahil kahit papano ay may respeto ako sa kanya. Ina siya ng lalaking pinakasalan ko.
"Tsss. At may tumaggap sa isang gaya mo? Inakit mo ba ang boss mo at napasok ka sa trabaho? Haist, ewan ko ba kay Jared at kung bakit ikaw ang pinakasalan niya. Hindi ko.rin talaga makabisa ang taste ng batang iyon." wika niya matapos akong tignan.
Kumikinang kinang ang mga alahas na gamit gamit niya. Sadya naman niyang inilapag ang mamahalin niyang shoulder bag sa lamesa. Maarte niyang kinuha ang baso ang coffee mug at sinimsim ang kape.
"Oh, siya alis na ako. May lakad pa kami ngayon ng mga amiga ko." Tumayo siya at naglakad na palabas ng cafe.
Kinuyom ko ang mga kamay ko. Tiis lang Clyde hindi habang buhay ay ganito ang magiging sitwasyon mo. Kailangan mo lang magsumikap at ipakita sa kanilang lahat na kaya mong buhayin ang mga anak mo.
Lumabas na ako ng cafe at dumiretso na sa trabaho. Busy kami buong araw sa opisina lalo na't may hinahabol kaming deadline.
"Wow, inihanda ba iyan ng mister mo?" tanong ni Ingrid. Iyong officemate ko. Isa rin siyang graphic artist. Tatlong taon na siya sa kompanya at sya ang una kong nakagaanan ng loob. Tinutukoy niya ang baon na dala dala ko. Kumakain kami ng tanghalian sa cafeteria.
"Hi-Hindi, isang taon ng wala ang asawa ko." paliwanag ko.
"Naku, sorry hindi ko alam." paumahin ni Ingrid.
"Wa-Wala iyon." wika ko.
"Hi, Clyde. Can I seat beside you?" tanong ni Sir Simon. Siya iyong Supervisor ng Department namin. Ang department namin ang incharge sa mga designs and editing.
"Sure sir, " malanding wika ni Ingrid. Sabay kindat sa'kin.
"Ano ba iyang baon mo, pang-agahan. Ano bang gusto mong kainin, my treat." he asked.
"O-Okay na po ako."
"Anak niya po ata ang naghanda ng pagkain sir. Tignan niyo naman po may pa kurti pang hear iyong itlog. Ang swerte mo naman sa kambal mo. Ang sweet." wika ni Ingrid. Alanganin akong nangiti sa sinabi niya.
Wala nga sigurong magawa sa buhay si Drake kaya pati pagkain ay pinagtritripan na niya.