Chapter 4

1883 Words
Jared's POV "Bawal si Jiro alikabok at sa amoy ng pintura. Hindi rin siya pwedi sa matatapang na amoy ng perfumes, pati na sa usok ng sigarilyo or ng e-cigarette. May allergic rhinitis siya. Naninigarilyo ka ba?" Umiling ako. Ang totoo niyan naninigarilyo ako noong nabubuhay pa ako kahit ilang ulit na nga akong pinagbawalan ni Clyde para daw sa kalusugan ko at ng mga bata. Pero dahil nga may katigasan ang ulo ko ay patago akong naninigarilyo. Lalo na kapag nasa malayo ako. Hindi ko kasi talaga maalis noon ng matagal sa sistema ko ang paninigarilyo lalo na kung na ste-stress ako. Ang ipinagtataka ko lang ngayong nasa katawan ako ni Drake ay hindi ako nakaramdam ng matinding urge na manigarilyo. "Si Riu naman medyo maselan siya sa pagkain. Hindi siya pweding masobrahan sa pagkain ng itlog at manok. Lumalabas ang skin allergy niya." "May ceterizine syrup naman sa may medicine cabinet pwedi mo silang painumin ng isang kutsara nun kapag sinumpong sila ng allergies. " "Familiar ka ba sa itsura ng gamot?" tanong ni Clyde sa'kin. Umiling ako. Kinuha niya ang kanyang cellphone pagkatapos niyang mag search sa google ay ipinakita niya sa'kin ang itsura ng gamot. "Ah, okay. May label naman din kaya madali lang naman tandaan," wika ko pa. "Na save mo na ba ang cellphone number ko at ang address ng kompanya? Natandaan mo ba iyong mga sinabi ko kanina? Wala ka namang sakit sa puso or high blood? Minsan kasi sobrang pasaway ng dalawang iyan." Tanong ni Clyde. Nakanganga lang ako habang nagsasalita siya. Ang bilis niya kasing magsalita at parang nagra-rap. Madami na siyang binilin sa'kin simula kaninang umaga at parang isang libro na iyon kung ililista ko. "Draven?" She snapped her fingers in front of me. " "O-oo. Na save ko na," wika ko. "Okay ka lang ba dito? Pasyensya ka na ha. Wala na kasing bakanteng silid sa loob ng bahay," aniya. Nakita kong nilibot niya ang paningin sa kabuuan ng silid. "Okay lang kaunting linis lang naman ang kailangan dito." wika ko. Dito ako matutulog sa dating tambakan ng mga gamit namin. Isa iyong maliit na kwarto malapit sa tabi ng garahe namin. Alam kong medyo alangan parin si Clyde sa'kin at hindi naman talaga magandang tignan na sa loob ako ng bahay titira lalo nga't ang buong akala niya ay isa akong estranghero. "Nag-iwan ako ng pera sa itaas ng ref. Kung may kailangan ka or may tanong ka don't hesistate to call me. Ilagay mo sa speed dial iyong number ko." aniya. "Sige, anong oras na baka ma late ka pa sa trabaho." wika ko. "Naku, mag alala syete y medya na pala. Oh sige. Ikaw muna ang bahala sa mga bata ha? Kailangan ko kasi talagang magtrabaho. Tatawag ako mamaya!" Nilapitan ni Clyde sina Jiro at Riu na abala sa paglalaro sa garden. Hinalikan niya ang dalawa. "May problema ba?" takang tanong ni Clyde nang humarang ako sa kanya. "Eh ako wala ba akong kiss?" tanong ko. "Ha?" Minsan talaga nadudulas ako at nakakalimutan kong ako si Drake. "Wala ba ako ki-kiskising kaldero dito sa bahay? O kawali?" palusot ko. "Naku, huwag ka ng mag-abala pa sa mga gawaing bahay. Iyong mga bata na lang ang asikasuhin mo. " "Sigurado ka ba dyan? Nasa mood kasi talaga ako ngayong magkiskis ng kaldero ngayon." "Mamaya na lang siguro pagkauwi ko. Teka, you look familiar, saan nga ba kita nakita?" Tinitigan ako ni Clyde. Nangunot ang noo nya. Tila kinakapa sa isipan niya kung saan niya ako nakita. " Jiro! Riu! Mga bata! Mag-almusal na tayo! Ingat po kayo Ma'am! Sige po baka ma late pa po kayo!" pagtataboy ko kay Clyde. Baka kasi maalala pa niya si Drake Montefalcon at tiyak palalayasin niya ako ng wala sa oras. Kinuha ko ang dalawang bata at pumasok kami sa bahay. Sumilip ako sa bintana. Nakalabas na ng gate si Clyde. Nakahinga ako ng maluwag. Pinahugas ko ng kamay sina Jiro at Riu at pinaupo sa upuan sa may dining area. "Let's eat breakfast, okay? " Tinignan ko ang pagkaing nakahain sa mesa. Nagluto ng fried rice, bacon at hotdog si Clyde kanina. Nilagyan ko sila ng pagkain. Marunong naman ako sa mga gawaing bahay at mag-asikaso sa mga bata kaya wala namang problema. Pero first time kong asikasuhin ang mga anak ko na kagaya neto. Wala kasi akong oras noon para tumulong kay Clyde sa mga gawaing bahay. Parati kasi akong nag-aalibi na may trabaho pero ang totoo nambabae lang ako. Pagkatapos kong paliguan ang mga bata ay binihisan ko sila at pinanuod ng cartoons sa TV. "Tito Drake, I want apple po." wika ni Riu. "Sige saglit ha kukuha ako." Tumayo ako at napahinto ng madaanan ang isang salamin. Tinignan ko ang aking sarili sa salamin. O mas tamang sabihin na tinignan ko si Drake Montefalcon. Hindi na ako nagsusuot ng mask dahil hindi naman kilala ni Clyde si Drake. Nakakapagtaka nga dahil mukhang si Clyde lang ang hindi nakakakilala sa artistang si Drake Montefalcon. Hindi ba siya nanunuod ng TV? "Tito Drake ikaw po ba iyong nasa TV?" nagulat ako sa tanong ni Jiro. Agad akong lumapit at tinignan ang pinapanuod nila. Commercial iyon ng Coke. At langya! Si Drake Montefalcon nga iyong nasa TV! "Naku, hindi! Kamukha ko lang iyan ! Hindi ako iyan! Gusto niyo bang maglaro tayo? " tanong ko sa dalawa. Agad kong pinatay ang TV. "Sige po!" sabay na wika ng dalawa. Kinuha ko ang basketball net na nakita ko sa bodega kanina at inilagay ikinabit iyon sa pader sa may garahe. Nilinisan ko ang bolang nakita ko lang din sa bodega at nagsimula na kaming maglaro ng basketball. Tuwang tuwa ang dalawa. Dahil sa pagod sa kakalaro, matapos kumain ng tanghalin ay nakatulog na ang dalawa. Naging pagkakataon ko naman iyon para libutin ang bahay. Wala akong nakitang kahit isa kong larawan sa loob ng bahay. Tinanggal rin ni Clyde ang wedding picture namin na nakalagay sa sala. Ganoon ba talaga katindi ang galit sa'kin ni Clyde kaya nagawa niya sa'kin 'to? Ang alisin ako sa buhay nila? Nagkalkal ako sa bodega at may nakita akong isang malaking karton. Binuksan ko iyon at tumambad sa'kin ang mga gamit ko. At ang mga pictures namin na andun ako. Siguro nga nasaktan ko ng labis si Clyde. Habang tulog sina Jiro at Riu ay naglinis ako sa buong bahay. Nilinisan ko rin ang silid na tutulugan ko at itinapon sa labas ang mga gamit na sa tingin ko ay kailangan ng itapon. "Pssst...." "Pssst...." Ganoon na lang ang gulat ko ng makita ang isang matandang babae sa gilid ko. Nakasuot lang ako ng facemask. At labis na kinabahan dahil baka makilala nya ako. "Aba, kay gwapong binata. Dyan ka ba sa loob nakatira?" tanong neto. Nakasuot siya ng duster at may curlers sa kanyang ulo. May katabaan siya. At kapansin pansin ang tila ginuhit sa lapis na kilay niyang mukhang parating nagtataray. "O-Opo. " wika ko at inayos ang mga basura na nasa garbage bag. "Talaga? Kamamatay lang ng asawa ni Clyde ikaw ba ang bago niyang jowa?" pangungulit pa ng Ale. Nakangisi siya habang nakatingin sa'kin. "Ang bilis naman niyang makakita ng ipapalit kay Jared pero sabagay tama lang iyon kasi alam mo babaero iyong dati niyang asawa. Ilang beses ko iyon nakita sa mall na may kasamang ibang babae!" wika pa nito sa'kin. "Ang swerte naman ni Clyde at sobrang gwapo ng jowa niya! Matagal na ba kayong magkakilala? Ang bilis niya kasing makahanap ng kapalit. Ako nga sampung taon na akong biyuda pero hindi talaga ako nakahanap ng ibang mapapangasawa. Pakunwari pang pa demure itong si Clyde pero may tinatago rin palang talent sa panlalalaki." "Alam niyo po mali po ang makialam sa buhay ng may buhay. Lalo na po ang mamintang.Mas mabuti pa po umuwi na po kayo sa bahay nyo at magnovena. Simulan nyo na pong magdasal at humingi ng kapatawaran sa pagiging tsismosa nyo." "Huy! Bastos ka ah! Hindi mo ba ako kilala ha? Kagawad ako sa barangay natin! " "Kung kagawad po kayo dapat maging huwaran po kayo ng mga taga Barangay natin. Huwag nyo po sanang ipangalandakan ang pagiging Marites nyo. Wala po kaming relasyon ni Clyde. At isa pong matinong babae si Clyde. Mali po ang ibinebentang nyo sa kanya. Sige po maglilinis pa ako ng bahay." Mabilis akong pumasok ng bahay at nagsara ng gate. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kung ano na ang nasabi ko dahil pinaparatangan na nito ng kung anu ano si Clyde. Pagdating ng alas kwatro ng hapon ay ipinasyal ko sa park sina Jiro. Nakita ko si Michael na kasama si Lucy. "Okay ka lang ba talaga doon? Mas okay siguro na kumuha pa ng isang katulong para may kasama kang taga asikaso ng mga bata." suhestyon ni Michael. "Mukhang hindi kaya ni Clyde ang magpasahod ng isa pang katulong. Nagtataka nga ako. Ang alam ko may makukuha siyang pera mula sa'kin dahil siya ang beneficiary ko. " "Wala ka bang iniwan na utang sa kanya?" tanong ni Michael. "Wala naman. Kaya nga nagtataka ako because she said that she badly needed that job. " "Why don't you ask her? In that way malalaman mo kung ano ang problema niya. Baka may nangyari na hindi mo alam." sagot ni Michael sa kanya. Tinignan ko sina Jiro, Riu at Lucy na naglalaro sa may playground. Matapos makapagpahinga ng mga bata ay pinaliguan ko sila at nagluto ako ng tinolang manok sa hapunan. Bumilis ang t***k ng puso ko nang marinig ang pagtunog ng gate. Sumilip ako sa bintana at nakita ko si Clyde. Sobrang saya ko at muntik ko na siyang mayakap. "Ang mga bata?" tanong ni Clyde. Ang mga kamay kong nakahanda sanang yakapin siya ay ipinangkamot ko na lang sa balikat ko. "Nasa may sala nanunuod ng TV. Nagluto na pala ako ng para sa hapunan. Sabay na tayong kumain?" masigla kong tanong. "Sige," tipid na wika ni Clyde. Nilapitan niya ang dalawang bata at niyakap ang mga ito ng mahigpit. "Kumusta? Na miss nyo ba si Mama?" tanong nya sa mga ito. Pinaghahalikan nya ang mga ito at kiniliti. Nakasandal naman ako sa pader habang masayang pinapanuod ang mag-ina ko. "Kumain ka muna tapos pwedi ka ng magpahinga sa silid mo." wika ni Clyde. "Maraming salamat sa pag-aalaga kina Jiro ngayong araw. Mukhang nag enjoy sila sa company mo." wika ni Clyde. Papasok na sana si Clyde sa silid nya ng magsalita ako. "Bakit hindi ko nakikita ang larawan ng tatay nina Jiro dito sa loob ng bahay?" tanong ko. Nahinto si Clyde. Matagal bago siya nagsalita. "Sana huwag mo ng panghimasukan pa ang personal na buhay namin at pagtuonan mo na lang ng pansin ang pag-aalaga kina Jiro at Riu." wika ni Clyde at pumasok na sa loob ng silid niya. Matapos kumain ay dumiretso na ako sa silid ko. Humiga ako folding bed at tinignan ang wedding picture naming dalawa. Sobrang ganda ng pagkakangiti ni Clyde. "Patawarin mo'ko kung nasaktan kita ng labis Clyde. " niyakap ko ang larawan namin. Pagod ako sa buong araw na paglinis ng bahay. Hindi pala talaga biro ang ginagawa ni Clyde. Sa pagod ko nga ay nakatulugan ko na ang ganoong posisyon habang yakap yakap ang wedding picture namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD