Jared's POV
"Ha? Ah-eh. Nabasa ko lang iyong pangalan mo sa form na finill-upan mo kanina dito sa ospital." palusot ko. Mukhang naniwala naman si Clyde sa palusot ko.
Pansin ko na hindi siya mapalagay. Panay ang tingin niya kay Riu tapos sa cellphone niya.
"Gusto mo bang samahan ka na lang namin ni Jiro? In that way magiging panatag ka. May mga nurse at doctor naman na magbabantay kay Riu dito sa ospital."
Napaisip si Clyde.
"I really need to get this job. Pasyensya ka na kung kailangan pa kitang abalahin lalo today. Wala kasi talaga akong ibang mapagbibilinan sa mga bata." wika niya.
"Wala iyon. Wala naman akong importanteng gagawin ngayong araw." sagot ko.
Nilapitan ni Clyde si Riu. Tulog parin ito. Hinalikan niya ito sa noo.
"Alis muna si Mama ha."
Ramdam ko kung gaano kamahal ni Clyde ang mga anak namin. Ayaw niyang mawalay kahit saglit sa tabi ng mga ito. She was a full time Mom. At ni minsan hindi ko narinig na nanghinayang siya or nagreklamo sa pagiging ina niya.
Kinausap ni Clyde ang nurse na naroon at nakisuyong bantayan na muna si Riu.
Kasama namin si Jiro ng bumalik kami sa bahay. Agad na nagbihis si Clyde. Pinapanuod ko naman si Jiro na abala sa pagbi-bike sa may garahe.
"Tara na." wika ni Clyde. Namangha ako ng makita si Clyde. Ngayon ko lang siya ulit nakitang nakasuot ng corporate attire. Naka white polo blouse siya, itim na palda at nakasuot ng itim na sapatos na may heels. Pinusod niya rin ang abot beywang niyang buhok.
Napakaganda ni Clyde. Pero sobrang tanga ko dahil nabulag ako sa tukso at dahil doon hindi ko nakita na may isang maganda at mabait na babaeng nasa tabi ko.
"Okay ka lang ba?" takang tanong ni Clyde. Tumango ako. Ilang segundo rin akong nakanganga sa harapan niya.
Ako ang nagmaneho ng sasakyan. Si Clyde naman ang nagturo sa'kin ng direksyon dahil di ko kabisado kung saan ang BSS Hub Port.
Huminto kami sa isang napakalaking building. Isa daw iyong IT Company. Nag apply bilang isang Graphic Artist si Clyde. Graduate siya ng Information Technology. Isang taon lang siyang nakapagtrabaho noon dahil nabuntis ko siya at nagpakasal kami.
Ramdam kong kinakabahan siya habang nakatingin sa napakataas na building na nakatayo sa harapan namin.
"May barya ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Mayroon. Magkano ba ang kailangan mo?" tanong ni Clyde.
"Isang piso lang." wika ko. Kumuha siya sa wallet niya ng isang piso at ibinigay sa'kin.
Kinakagat kagat niya ang mga daliri niya sa kuko. Isa iyon sa mga mannerism niya kapag kinakabahan siya.
"Huwag kang kabahan. Hindi ka makakapag-isip ng mabuti during interview kapag kinakabahan ka."
Lumuhod ako sa harapan niya. Inilagay ko ang isang kamay niya sa balikat ko. At tinanggal ko ang suot niyang sapatos. Naglagay ako ng piso roon at isinuot balik sa kanya ang sapatos.
Huli na nang napagtanto ko ang ginawa ko. Tulala si Clyde habang nakatingin sakin.
"So-Sorry. Ang sabi kasi ng nanay ko, kapag kinakabahan ka maglagay ka raw ng barya sa sapatos mo at mawawala na ang kaba mo."
Napapikit ako. Bwesit. Ano ka ba Jared. Hindi ka si Jared. Ikaw si Drake. Ano bang pinaggagawa mo. Kagyat na lumayo si Clyde. At inayos ang sarili niya. Tumayo naman ako at tinignan ang mga taong dumaraan.
"Mom, diyan ka na ba magwo-work?" tanong ni Jiro. Tumango si Clyde.
"Soon anak. Pray mo si Mommy ha na makapasa ako sa interview para makabili tayo ng ice cream." Tuwang tuwang namang tumango si Jiro.
Sabay kaming naglakad ni Clyde papasok sa kompanya. Nahirapan pa ako sa guard dahil sinita niya ako. Mabuti na lang at napakiusapan ito ni Clyde. Sinabi nitong nagka allergy ako kaya balot na balot ang mukha ko. Mabuti na lang at naniwala naman ito kaya pinapasok na kami.
Nasa may labas lang kami ng interview room habang naghihintay kay Clyde. Naglalaro ng cellphone si Jiro.
"Girl, tignan mo kamukha niya si Drake Montefalcon." Rinig kong sabi ng katabi ko sa kasama niya.
Agad akong yumuko.
"Ou nga no? Pero baka kamukha lang kita mo naman may kasama siyang bata." sagot naman ng kasama niya.
"Balita sa showbiz na on leave si Drake ngayon matapos niyang maaksidente sa ilog. Di kaya anak niya ang batang iyan.Di kaya palabas lang na nahulog siya sa ilog?"
"Naku ang sabi sabi pa nga eh hindi naman daw naaksidente si Drake sa ilog. Nagpakamatay daw ito. Hindi kaya nagpakamatay siya dahil nalaman niyang may anak pala siya sa labas?"
"Di kaya anak niya iyan doon sa babaeng naka one night stand niya?
Bilib din ako sa mga pinagsasabi ng mga babaeng katabi ko. Masyadong mga judgemental. Mga kampon ni Marites!
"Excuse me kuya?" hindi pa talaga sila nakuntento at nilapitan pa ako.
Hindi ko sila pinansin at nagkunwari akong natutulog.
"Kuya?" kinalabit niya ako. Inunat ko ang mga kamay ko pagkatapos ay humikab ako. Kunwari inaantok pa.
"Oh, bakit?" tanong ko.
"Pwedi mo bang tanggalin ang facemask na suot mo?"
"Ha?"
"Kamukha mo kasi iyong kakilala namin." aniya.
Naku patay na! Agad akong nag-isip ng paraan para hindi nila ako paghinalaan na si Drake Montefalcon.
"Nagkakamali ka ata..." ipinasok ko sa loob ng facemask ang hinliliit ko at nangulangot ako tapos isa isa kong pinitik iyon sa harapan nila. Kitang kita ko ang pandidiri sa mga mukha nila.
Pinasok ko ulit sa ilong ko iyong hintuturo ko. "Saglit lang ha mukhang kasing may nakabara sa ilong ko."
"Ay wag na lang pala Kuya."
"Sabi ko sayo eh hindi si Drake Montefalcon iyan. Mukhang gwapo sana kaso ewww kadiri." Pagkatapos nun ay hindi na ako ginambala ng dalawa.
Umabot din ng 30 minutes ang interview ni Clyde. Abot abot ang ngiti niya ng lumabas ng interview room.
"Magsisimula na akong magtrabaho bukas." wika niya. Kinarga niya si Jiro at pinaghahalikan.
"Wow, congrats. Masaya ako para sa'yo Clyde." puri ko sa kanya.
"Salamat ha? At pasyensya na talaga sa abala."
"Wala iyon. "
Hinatid ko sila pabalik sa ospital. Nagsabi ang doctor na pwedi ng i-discharge si Jiro sa ospital mamayang gabi dahil okay na ang mga lab test nito. Gising na rin si Riu at masigla na.
"Pasyensya na kung hindi kita pweding kuning kasambahay. Babae kasi talaga ang hanap ko." paliwanag ni Clyde sa'kin.
"Naiintindihan ko naman. Sige, salamat."
Naglakad na ako palayo. Ang totoo niyan ayaw ko pa talagang umalis at gusto kong ipagpilitan ang sarili ko kay Clyde. Kaso ramdam ko ang pagod niya. Siguro may iba pang paraan para mapalapit ako sa mag-iina ko. Sa ngayon uuwi muna ako kina Michael matapos kong ihatid ang sasakyan sa bahay namin. Hindi pa kasi marunong magmaneho ng sasakyan si Clyde. Magta-taxi na lang daw sila mamaya.
Tinawagan ko si Michael at nagpasundo ako sa kanya. Kinuwento ko sa kanya ang nangyari ng araw na iyon.
"Matutulungan mo kaya akong makahanap ng yaya para kay Clyde?" tanong ko sa kanya habang nagkakape kami sa terrace nila.
"May kakilala akong agency. Pwedi kong 'tong tawagan para makapagpadala ng yaya bukas doon."
"Salamat Michael,"
Kinabukasan sinamahan namin ni Michael iyong yaya na binigay ng agency.
"Ate, alam mo na ang gagawin mo. Wala kang pagsasabihan na galing ka sa'min." wika ko sa kanya.
"Opo sir." Bumaba na ng sasakyan si Ate bitbit ang kanyang bag. Ala sais pa lang at kumatok na ito sa gate nina Clyde. Nagmamasid lang kami ni Michael dahil nga hindi pa'ko kampante na iwan sa kahit kanino ang mga anak namin. Kahit na nga ang sabi ni Michael ay masusi namang daw sinasala ang mga aplikante ng agency na pinagkunan niya.
Lumabas si Clyde at pinapasok si Ate sa loob ng bahay.
"Ano sa tingin mo,mukha naman siyang mabait diba?" tanong ko kay Michael.
"Huwag kang mag-alala. Sinasala nina Jeron ang mga applikante nila." he assured me.
Pero dahil nga praning ako ay nagpa-iwan ako at binantayan ko ang mga anak ko. Ilang oras akong nakatambay sa tindahan na malapit sa bahay namin. Nakailang ulit akong bumili ng chichirya at coke para lang hindi paalisin ng ginang roon.
Nakita kong lumabas ng bahay si Clyde at nakasuot na ng corporate attire. Pumara siya ng taxi at pumunta na sa trabaho.
Buong araw lang akong nagbantay sa labas ng bahay. Gusto ko mang pumasok sa loob para masigurong okay ang mga anak ko ay di ko magawa. Dahil baka mabanggit pa nina Jiro ang pagpunta ko sa Mom nila.
Alas kwarto y medya ng hapon nang makita kong inilabas ni Trining ang mga bata sa bahay. Sinundan ko sila hanggang sa may playground. Maraming mga batang naglalaro roon kasama ang kanya kanyang mga yaya at magulang.
Nawili ako habang tinitignan sina Jiro at Riu na naglalaro. Maya maya lang ay nakita kong busy na sa kanyang cellphone si Trining. Hindi na niya tinitignan ang dalawang bata at hinahayaan na niya itong maglaro.
Maya maya lang ay may kinausap na ito sa kanyang cellphone. Kinikilig ito at nawala na ata sa isip na may kasama siyang dalawang bata. Tinignan ko sina Jiro naglalaro sila sa may swing. Lalapitan ko sana si Trining para sitahin nang may biglang humawak sa braso ko.
"Kuya, alam mo bang may kamukha kang artista?" tanong ng isang dalagita.
"Talaga? Naku, mukhang nagkakamali ka isa lamang akong hamak na kargador ng mga gulay." pagsisinungaling ko.
"Talaga? Pwedi bang magpapicture? Pwedi bang tanggalin mo iyong suot mong sumbrero at facemask?"
"Ha? Teka..." nanlaki ang mga mata ko ng hindi na makita sa may swing ang mga bata. Si Trining ay abala parin sa kausap niya sa cellphone. Inilibot ko ang paningin ko sa playground. Wala na roon ang mga bata. Kinabahan ako.
"Kuya saan ka pupunta?" Hindi ko na pinansin ang dalagita at tumakbo ako para hanapin sina Riu. Ganoon na lang ang kalabog ng puso ko. Paano kung may kumuha sa mga bata? Paano kung kinuha sila ng mga sindikato? Paano kung nawala sila at hindi na nila alam ang daan pabalik?
"Riu! Jiro!" tawag ko. Hinanap ko sila kung saan saan pero hindi ko sila nakita. Sinabunutan ko ang buhok ko. Paano kung may mangyari sa dalawa dahil sa pakikialam ko?
Nilibot ko ang lahat ng establishments na malapit sa park. Nagtanong ako sa mga taong nagtitinda sa may sidewalk . Pero wala silang napansing dalawang kambal na lalaki.
"Aba, kabata bata mo pa tapos magnanakaw ka na? Hindi ka ba tinuruan ng parents mo ng tamang asal?"
"Hindi po magnanakaw ang kapatid ko."
Kinutuban ako kaya lumapit ako sa kumpulan ng mga tao sa isang tindahan ng prutas. Nakita ko si Jiro na hawak hawak ng isang matandang babae. Umiiyak naman si Riu sa isang tabi.
"Anong nangyari?" kaagad na tanong ko nang malapitan sila.
Tinapunan ako ng matalim na tingin ng matandang babae.
"Ikaw ba ang tatay nila? Pagsabihan mo iyang mga anak mo ha. Alam mo bang nagnakaw sila ng prutas sa'kin."
"Jiro, totoo ba iyan?" tanong ko sa anak ko na takot na takot sa ginang.
Umiling si Jiro. "Hindi po. Pinulot ko lang naman po iyong prutas na nahulog sa kalsada." paliwanag nito.
"Aba, sinungaling na bata! Magnanakaw na tapos sinungaling pa!"
"Baka naman po mali lang kayo ng pagkakaintindi. Baka naman po hindi naman talaga ninakaw ng bata ang prutas, Nay."
"Anong Nanay ? Huy! Dalaga pa ako!" nagulat ako sa biglang pagsigaw ng matanda sa harapan ko. Gigil na gigil siya at kulang na lang ay sakmalin ako. Mas galit pa siya sa mga sinabi ko.
"Pasyensya na po Nay este Miss po pala. Heto tanggapin nyo po itong limang daang piso. Pasyensya na po talaga."
Iniabot ko sa kanya ang limang daang piso para matigil na siya. Masigla niya itong kinuha at binitiwan na si Jiro.
"Oh, siya sa susunod pagsabihan mo iyang mga anak mo, ha? Tsaka huwag niyo kasi pabayaang magpakalat kalat lang sa daan ang mga anak niyo! Ano ba kayong klaseng mga magulang." hindi ko na pinansin ang mga pinagsasabi pa ng matandang babae
"Okay lang ba kayo?" tanong ko. Umiyak ang dalawa sa harapan ko. Niyakap ko sila ng mahigpit.
"Tinakot niya ba kayo?" tanong ko. Tumango ang dalawa.
"Dali punta tayo ng 7-eleven. Bibili tayo ng ice cream."
Masigla silang kumain ng ice cream at mukhang nakalimutan na nila iyong nangyari kanina. Karga ko si Riu na mahimbing na natutulog sa balikat ko habang si Jiro naman ay hawak hawak ang kamay ko. Madilim na at marami ng tao ang naglalakad sa kalsada.
"Jiro! Riu!" tumakbo palapit sa'min si Clyde.
"Saan ba kayo galing nilibot ko ang buong village sa kakahanap sa inyo." wika nito. "Sobra akong nag-alala."
Kinuha ni Clyde si Riu at kinarga.
"Nawala po kami kanina, Mommy. Mabuti na lang po at dumating si Tito Draven. Niligtas niya po kami kanina, Mommy..." wika ni Jiro.
Tinignan ako ni Clyde. "A-anong nangyari?" tanong niya.
"Napagkamalan silang magnanakaw kanina doon sa may tindahan ng prutas." paliwanag ko.
"Salamat at niligtas mo uli sila. Sobra akong natakot kanina ng tumawag sa'kin si Marites at sabihing nawawala ang mga bata."
"Mommy, pwedi po bang si Tito Drake na lang po ang magbantay sa'min ni Riu? Please mommy?" pangungulit ni Jiro.
"Hero po kasi namin siya ni Riu." dagdag pa nito.
Tinignan ako ni Clyde.
"Okay lang. Huwag mong intindihin si Jiro alam ko namang mahirap magtiwala basta basta-"
"Kailangan mo ba talaga ng trabaho ngayon?Wala ka ba talagang ibang mapupuntahan?" tanong ni Clyde. Tumango ako.
"Papayag akong maging babysitter ka ng mga anak ko kung ipapakita mo sa'kin ang mukha mo."
Tulala ako at di ako makakilos. Paano kung makilala ni Clyde si Drake Montefalcon?