Chapter 17

1317 Words
Jared's POV Nalula ako sa ganda ng kwarto ni Drake. Majority ng kulay na nakikita ko ay grey at black. Maayos at walang kalat. Sobrang organized ng lahat. Nahiya tuloy ako sa silid kong sobrang kalat. May malaking cabinet din kung saan halos mapuno na ng mga trophies at plaques niya. May malaking picture nya rin ang nakakabit sa kwarto. Tinignan ko ang walk in closet nya at mas lalo akong nalula kung gaano kamahal ang mga damit at sapatos na mayroon siya. Lalo na nung nakita ko ang mga relos niya. Putcha. Kung iisipin nakakapagtaka na magpapakamatay sya gayong nasa kanya naman ang lahat. Humiga ako sa kama niya. Dahil sa pagod ko sa pagbyahe ay nakatulog ako. "Drake?" "You'll regret this. Hindi ako papayag na ako lang ang babagsak sa lupa. Hihilain din kita pababa." "Ang lakas ng loob mong kausapin mo ako matapos ang lahat? Hindi pa ba sapat ang kawalang hiyaan na ginawa nyong dalawa? Pinagkatiwalaan ko kayo." "If I can't have you back. Di mas mabuti ng wala ng makinabang sayo." Bigla na lang may tumulak sa'kin at nahulog ako sa ilog. Nangapos ako ng hininga. Nilalamon ako ng malakas na agos ng tubig. At kahit gaano ako kagaling lumangoy ay wala akong nagawa at tuluyan na akong nilamon ng ilog. "Huwag!" napabalikwas ako ng bangon. Nabungaran ko ang nag-aalalang mukha ni Clyde. Niyakap ko siya ng mahigpit. "Okay ka lang ba?" tanong niya sa'kin. Ngayon lang ako na takot ng ganito sa buong buhay ko. "Drake?" narinig namin ang tawag ni Ray mula sa labas. Agad akong kumalas ng yakap kay Clyde. "Sorry, sobrang sama kasi ng panaginip ko." paumanhin ko sa kanya. "Okay ka lang. Kanina ko pa kasi naririnig ang pag-ungol mo mukhang masama nga ang panaginip mo." aniya. Hindi na kumatok si Ray. Basta na lang nya binuksan ang pinto. "Oh, andito lang pala kayo." anito. "Naghanda ka na ba ng breakfast ni Drake? Maaga sya ngayon may press conference sya." wika ni Ray kay Clyde. "Ah, sige." agad na lumabas ng silid si Clyde. Nang masara ni Clyde ang pinto ay nagsalita si Ray. "Let me warn you. Don't do something stupid habang nasa katawan ka ni Drake. She maybe your wife pero nasa katawan ka parin ng ibang tao. Lalo na isa pang sikat na artista-" "What if hindi talaga nagpakamatay si Drake?" putol ko kay Ray. Seryoso akong tinignan ni Ray. "What if may pumatay sa kanya?" tanong ko. "Ano ba iyang pinagsasabi mo. Sino naman ang gagawa noon?" "May kakilala ka bang nakaaway ni Drake?" tanong ko sa kanya. Umiling siya. "Honestly, pangalawang beses ng magtangkang magpakamatay si Ray. Una, noong na pressure sya sa showbiz pero napigilan ko siyang uminom noon ng sandamakmak na sleeping pills. It was five years ago." wika ni Ray. "Committing suicide once doesn't mean na gagawin niya iyon ulit." "I'm having a bad dream at natatakot ako para kay Clyde paano kung nasa panganib pala si Drake at madamay siya?" tanong ko kay Ray. "Ano ka ba, tumayo ka na at maligo. May press conference ka ngayon. Panaginip lang yan. May mas importante kang gagawin ngayong araw." wika ni Ray. Ipinakita nya sakin ang schedule ko today. "Ano? Bakit? Wala akong alam dyan ano ang isasagot ko?" "Maligo ka na dahil magpra-practice tayo ng isasagot mo. Nakausap ko na si Leni, isa sa mga press. Andito na iyong itatanong nya sa'kin." "Kailangan ko ba talagang gawin 'to?" tanong ko. "Yes, for the meantime. It's the least you can do sa pagpapahiram ni Drake ng katawan nya sayo." Clyde's POV Kanina pa ako kinakabahan. Hindi talaga ako mapalagay habang nasa sa sasakyan. Hindi ako sanay sa maraming tao. Lalo na na puro bigatin at nasa showbiz ang makikita ko. "Relax, pareho lang tayong kinakabahan." binigyan ako ng bottled water ni Drake. "Clyde, may starbucks na malapit sa event bilhan mo kami ng dalawang Chocolate Cookie Crumble Creme Frapuccino ni Drake. " "Ako na." wika ni Drake. Pinandilatan sya ng mata ni Ray. "Pero hindi niya pa nya kabisado ang Maynila." wika ni Drake. "Okay lang, pumasok na kayo. Malapit lang naman daw ang starbucks dito." wika ko." Tsaka para masanay narin ako sa Maynila." "Sige mag-iingat ka." wika ni Drake. Pumasok na sila sa loob ng building at naglakad na ako para bumili sa starbucks. Nakapila ako sa starbucks at nakita ko sa TV doon na nagsisimula na ang interview ni Drake. "Babalik na nga ba sa showbiz si Drake Montefalcon?" tanong ng isang press na naroon. "Yes, I am back for good. " sagot ni Drake na nakangiti. "Does that mean na ipagpapatuloy mo ang naudlot na shooting ng My Bodyguard?" tanong ng isa pa. "Yes, actually naka set na ang lahat. We will film this weekend. This is an awesome movie na ayaw kong palampasin. It is one of my favorite masterpiece." sagot nito. Halos lahat naman ng naitanong kay Drake ay galing sa questionnaire na binigay ni Ray. Hinihintay ko ang inorder kong iced coffee nang out of nowhere ay may nagtanong na wala sa script. "They say you accidentally drown in the river. Is that true? Or Did you commit suicide?" Nanlaki ang mga mata ko. Lahat ng nasa starbucks ay napatingin sa screen ng TV. "That's not true. Hindi ako nagpakamatay. Why would I waste my precious life if ganito ako ka gwapo?" Nakita kong nanlaki ang mata ni Ray sa naging sagot nito. Tawanan naman ang press. "Totoo bang sa Davao kayo namalagi para makapag relax?" Tumango si Drake. "Davao is the best place for me to take a break." "Totoo po ba ang bali-balita sa social media na ang kasama nyo sa Davao noong nakaraan ay ang girlfriend nyo?" Umiling si Drake. "Hindi. Wala akong girlfriend sa Davao." tipid nyang sagot. May nagpapatibok ba ngayon sa puso ni Drake Mondragon?" tanong ng press. Dumating na ang order ko at naglakad na ako papunta sa venue. Lalapit na sana ako sa mesa nina Ray para ibigay ang kape nang may bumangga sa'kin. Natapon ko ang ice coffee sa kanya. "Sorry po Maam " paumanhin ko. Kumuha ako ng tissue sa bag ko at pupunasan ko sana sya kaso nag hysterical sya. "Alam mo ba kung magkano itong suot kong damit ha!" sigaw nya sa'kin. "This is more than your life you idiot!" itinulak nya ako kaya nadapa ako sa sahig. Natuon na sa'min ang atensyon ng lahat ng naroon. "What happen Audrey?" narinig kong tanong ng isang bakla sa babaeng natapunan ko ng kape. "This b***h just ruined my day. Sinira nya ang damit ko." "Goodness ang tanga mo alam mo bang one hundred thousand pesos ang halaga nito! " tili ng bakla. "May pambayad ka ba! Kilala mo ba si Audrey Romero?! Alam mo bang isa siyang sikat na artista tapos gaganitohin mo?" Jared's POV Nakahinga ako ng maluwag nang makita si Clyde na nasa venue na. Kaso bigla na lang may nakabangga syang babae. Naghe-hysterical ang babae dahil sa damit nyang natapunan ng kape. Tumayo ako at lalapitan sana sila pero bigla na lang akong may naramdamang kakaiba sa katawan ko. "Ako ng bahala. Just stay here." wika ni Ray. Pinagkakaguluhan na si Clyde ng press. Bahagya akong nahilo at napahawak sa lamesa. What is this weird feeling. Ang ikinagulat ko ay ang biglaan kong paglabas sa katawan ni Drake Montefalcon. Mas lalo akong nagulat sa sumunod na nangyari dahil naglakad sya papunta kay Clyde. Tinulungan nyang makatayo si Clyde. At lahat ng naroon ay nagulat sa ginawa nya. "Tell Director Lee that I'm backing off as leading man in The Bodyguard. Hindi ko kayang makipag trabaho sa isang babaeng naghe-hysterical ng dahil lang aksidente syang matapunan ng kape." Pagkatapos nyon ay hinawakan nya ang kamay ni Clyde at hinila ito palabas ng venue. Putcha. Teka. Nanaginip ba ako? Tama ba ang nakikita ko? Kusang pinagtanggol ni Drake Montefalcon si Clyde?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD