Chapter 18

903 Words
Clyde's POV "A-Anong ginawa mo?" tanong ko kay Drake. "Okay ka lang ba?" tanong nya sa'kin. "Bakit mo ginawa iyon? Baka pagalitan ka ni Ray. " nag-aalala kong tanong sa kanya. "Paano iyong babae kanina? Sigurado ka ba talagang mag ba-backout ka na sa The Bodyguard?" "Pero hindi ko kayang manuod na lang habang inaapi ka nila." sagot nito. "Ano ka ba. Di mo dapat ginawa iyon sir. Paano na lang ang pangalan mo sa showbiz." Bigla na lang parang nahilo si Drake. Lumapit ako at inalalayan sya. "Okay ka lang?" tanong ko. "Clyde, ano kasi may kailangan ka-" bago paman sya makapagsalita ay nawalan sya ng malay. Jared' s POV Nagising ako sa isang silid. Napabalikwas ako ng bangon. Tinignan ko ang kamay ko. Hinawakan ko ang mukha ko. Tumayo ako at dumiretso sa salamin na nasa gilid ng kwarto. "Nanaginip ba ako kahapon? Bakit bigla na lang akong umalis sa katawan ni Drake?" "Mabuti naman at gising ka na. Ngayon handa na kitang sermonan." nakita ko ang inis na inis na si Ray paglingon ko saking likuran. "Why did you make a choice without telling me! Diba ang sabi ko itikom.mo lang ang bibig mo lalo na sa sitwasyon na hindi mo alam ang sasabihin mo!" "It's not me. It's Drake." sagot ko. Pero kahit na ako iyon, iyon din ang gagawin ko. Hindi ko hahayaang apihin na lang nila si Clyde. "Gumagawa ka ba ng palusot para di kita upakan ngayon?" tanong ni Ray. "Putcha. Bakit naman ako magsisinungaling sayo? Ang natatandaan ko lang. Tumayo ako. Tapos bigla na lang akong kumalas sa katawan ni Drake. At nakita kong kusa nyang nilapitan si Clyde at sya ang humila dito palabas sa event." paliwanag ko kay Ray. "What?!" "Hindi ko naman kilala iyong babae kahapon kaya kung ako iyon hindi ganoon ang magiging linya ko para ipagtanggol si Clyde." wika ko pa. Matagal akong tinignan ni Ray. Tapos lumapit sya sakin at niyugyog ako ng niyugyog. 'Drake! Drake! Lumabas ka! Drake!" Tinulak ko sya. "Ano ka ba ba! Nahihilo ako sa ginagawa mo!" reklamo ko kay Ray. "Talaga bang ikaw si Jared? " "Ou nga, putcha naman oh." "Ikaw nga. Walang taste kang magmura. At hindi ganyan magmura ang isang Drake Montefalcon. Hindi rin sya nagmumura." wika pa ni Ray. "Kaya mo bang palabasin si Drake ngayon?" tanong nya sakin. "Susubukan ko." Ipinikit ko ang mga mata ko. Huminga ako ng malalim. At ikinumpas ko ang mga kamay ko. Umere ako at pilit pinapalabas si Drake Montefalcon. Pero iba iyong lumabas. "Ambaho, ano ba yon?" tanong ni Ray habang inaamoy amoy ang paligid. "Ha? May naaamoy ka ba? Wala naman ah . Ewan ayaw naman nyang lumabas. Subukan na lang natin sa susunod na araw. So ano ang mangyayari ngayon? Talaga bang hindi na tuloy ang shooting ng The Bodyguard?" I asked him. "Hindi pumayag ang producer. Ang option nila ay papalitan ang iyong leading lady." wika ni Ray. "Sinasabi mo bang mag-aartista ako?" Seryoso akong tinignan ni Ray. "Baliw ka ba? Ako mag-aartista?" tanong ko sa kanya. "Wala akong choice. Kinukulit na nila ako sa pagbabalik ni Drake." Natawa ako ng malakas. "Hahahaha. Hindi ko ma imagine ang sarili ko na mag-aacting ako. Comedy baka pwedi pa. Pero acting? Hahahah. Loko loko ka ba?" Masama akong tinignan ni Ray. "Kailangan mong panindigan ang pagtatanggol ni Drake kay Clyde. If hindi dahil sa clumsiness ni Clyde hindi sana kami mamomoblema ng ganito." wika ni Ray. "She's not clumsy aksidente iyong nangyari." "Clumsy or accident nangyari na ang nangyari. Its your wife's fault so you'll face the consequences." wika ni Ray. "Sigurado ka ba talagang ipapa artista mo'ko?' tanong ko kay Ray. "As if I had a choice. Mag kunwari kunwarian ka na lang na masama ang pakiramdam hanggang sa lumipas ang araw at bumalik na si Drake." "Walang sisihan ha." wika ko kay Ray. "Drake, pinapabigay ni Ray.' iniabot sakin ni Clyde ang isang folder. "Ito na ba iyong script?" tanong ko sa kanya. Tumango sya. "Gusto mo bang bilhan kita ng kape?" tanong nya sakin. "Sige para kasing inaantok ako." wika ko. "Alam mo na ba kung saan bibili? Gusto mo samahan na lang kita?" "Huwag na. Hindi ka pweding lumabas baka pagkaguluhan ka ng mga tao." wika nya. Lumabas na si Clyde sa tent. At naiwan ako habang binabasa ang script. Nakakatatlong page pa lang ako ng makaramdam ako ng antok. "Sir Drake gising. Sir Drake." nagising ako sa pagyugyog ni Clyde. "Ba-bakit?" antok kong tanong. Kinusot ko pa ang mga mata ko. "Tawag ka na ni Direk. Magsisimula na daw kayong magshooting. Nawala ang lahat ng antok ko sa katawan. At napabalikwas ako ng bangon. "Ha?" "Tawag ka na po ni Direk." Nanlaki ang mga mata ko. "Putcha, nakatulog ako." wika ko kay Clyde. Maging sya ay tila kinabahan dahil sa sinabi ko. "Na-nabasa mo naman iyong script diba?" Umiling ako. "Asan si Ray." tanong ko. "Hi-Hindi ko alam . Hindi ko sya makita sa set." "A-Ako na lang ba ang hinihintay nila?" Sumilip si Clyde sa siwang ng tent. "Ou, mukhang handa na silang lahat" wika nya. "Naku, patay na." sinapo ko ang aking noo. Mahina pa naman akong magmemorya at lalo wala akong talent sa pag-aarte. Ako ba ang dahilan kung bakit babagsak ang isang Drake Montefalcon? Ang number one leading man ng bansa? Diyos ko. Bigyan nyo po ako kahit ng kaunting talento man lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD