Chapter 19

1284 Words
Jared's POV Dinig na dinig ko ang malakas na kalabog ng puso ko. Pakiwari ko nga ay tila lalabas na sa ribcage iyong puso ko. Nakapalibot kasi sa'kin ang lahat ng staff ng 'The Bodyguard' habang mine-make upan ako ng isang make up artist. May nag-aayos naman ng buhok ko. Si Clyde naman ay nakatayo sa gilid at hinihintay na may iutos ako sa kanya. Pakiramdam ko nga pati paghinga ko ay binabantayan nilang lahat. "Drake ipapakilala ko sa'yo ang bago mong leading lady sa movie na'to si Ingrid Quinco. " wika ni Direk. Isang babaeng matangkad at maputi ang nasa harapan ko ngayon. Abot beywang ang buhok nya at mestisa. Kung titignang maiigi mukha siyang isang babaeng hindi makabasag pinggan. But there is something with her na mukhang kinikilabutan ako.  "Hi Drake, long time no see." tinignan nya ako. May kung ano akong naramdaman sa puso ko. Pero hindi ko iyon mawari. "Alam kong magiging madali na lang sa inyo ang magtrabaho dahil magkakilala naman kayo." wika ni Direk.  "Of course, Direk. We were ex lovers remember?" napaubo ako sa sinabi ni Ingrid. Putcha Ex pala ito ni Drake. Kaya siguro ganoon na lang ang pakiramdam ko. "I'll give you five minutes bago tayo magsimula." wika ni Direk. "Okay ka lang ba? Gusto mo ng tubig sir?" tanong ni Clyde sa'kin. "Sige nga pahingi ng tubig. "mabilis kong naubos ang bottled water at humingi pa ako ulit kay Clyde. Pansin ko namang parati akong tinitignan ni Ingrid. At kapag nahuhuli ko siyang nakantingin sa'kin ay nginingitian niya ako. Teka. Parang nakita ko na sya. Saan nga ba? Nanlaki ang mga mata ko.  Sya ba iyong babae sa panaginip ko? Pumunta ako sa salamin a loob ng banyo at tumingin sa malaking salamin na naroon. "Sya ba ang babae sa panaginip mo?" tanong ko kay Drake. Kahit na nga alam kong malabo naman niyang sagutin iyong tanong ko. May kung ano kasi sa paraan kong paano nya ako titigan. Parang kinikilabutan ako. Iyong pagkakangiti niya kasi sakin parang hindi totoo. "Drake, andito ka lang pala. Five minutes break lang ang binigay sa'yo ni Direk anong ginagawa mo dito sa CR?" tanong ni Ray. Dumating na pala sya. "Kanina ka pa nila hinahanap doon sa set." dagdag pa nito. "Iyang Ingrid kilala mo ba sya?" tanong ko kay Ray. "Ex sya ni Drake." tipid na sagot nito. "Wow ang casual. Ex lang ni Drake. Bakit sya ang ipinampalit na leading lady?" "Ano ka ba just act like a professional." wika nito. "Sabagay ganoon naman talaga kapag artista diba? Pero ano kasi. Iyong Ingrid kinikilabutan ako sa kanya. " "Ano ka ba! Mabait si Ingrid. Huwag kang masyadong judgemental dyan. Ano nabasa mo ba ang script? Magkunwari kang nahihilo pagkatapos ha." wika pa nito. "Bakit kasi kailangan ko pang gawin 'to. Paghintayin mo na lang sila hanggang sa makaalis ako sa katawan ni Drake." reklamo ko. Bumuhag ata ang buntot ko at gusto ko na lang magtago sa condo buong araw. "Huwag ka ngang maarte. Halika na." hinila ako palabas ni Ray kahit na nga kumapit ako ng mahigpit sa lababo ng CR. Nang may dumating ay taka niya kaming tinignang dalawa. "Ah, na-nagpra-practice lang kami ng script. Sige!" agad kaming lumabas ni Ray. Naglakad na kami papunta sa set dahil mukhang kakainin na ako ng buo ni Ray sa mga titig niya sakin. "Babaliwalain mo na lang ba ang lahat ng pinagsamahan natin?" "Hindi mo ba ipaglalaban kay Dad ang pag-iibigan natin Baste?" Tinignan ako ni Ingrid. Tila may hinihintay syang sabihin ko. Maging ang mga staff ay nakatutok sa'kin. Sumesenyas naman si Ray na magsalita na raw ako. Ano bang sasabihin ko. Putcha. NAkalimutan kong i memorize iyong sasabihin ko. Hindi ako magaling sa ganito. KAya nga may kodego ako dati kapag exam diba. Pero madali namang intindihin iyong sinabi niya. Kaya i babase ko na lang doon ang sagot ko. "Sympre naman...ipaglalaban kita hanggang kamatayan. " nilakasan ko ang boses ko. "Kaya relax ka lang dyan mahal ko..." nakanganga ang mga staff habang nakatingin sa'kin. Si Ray naman ay mukhang magkaka stroke. Lumapit si Ingrid sa'kin at hinawakan ang kamay ko. "Baste .." Bigla na lang may nagflash na mga pangyayari sa isipan ko.  Nakita ko sa isipan ko na lumuhod si Drake habang nagmamakaawang huwag syang iwan ni Ingrid. Pero hindi nakinig si Ingrid. Nagmatigas sya at umalis bitbit ang isang maleta. Sinundan ni Drake si Ingrid. Nakita ni Drake ang lalaking umakbay kay Ingrid. Lumingon ito pero- Napahawak ako sa ulo ko. Sobrang sakit niyon at mukhang mabibiyak. "Drake are you okay?" tanong ni Ingrid sa'kin. "I'm sorry Drake. But I need to do this." may mga senaryong naglalaro sa isipan ko. Putol putol iyon kaya hindi ko maintindihan. Bigla na lang umikot ang paligid ko at ang huli kong narinig ay ang pagtawag ni Ray sa pangalan ko. "Gising ka na pala. Ang ganda ng acting mo kanina.Pinaniwala mo talaga akong nahilo ka." bungad sakin ni Ray. Nasa loob ako ng sasakyan ni Drake. Isang iyong customized van na parati nya raw ginagamit tuwing may taping sya. Malaki iyon at pwedi ka pang humiga para matulog. "Baliw. Anong nag-iinarte. Talagang nahilo ako kanina matapos akong hawakan ng Ingrid na iyon." wika ko. "Talaga? Pero magandang balita dahil bibigyan ka ni Direk ng ilang araw para makapagpahinga. " nilingon ni Ray si Clyde. "Paabot nga nung tubig." utos nito. Kinuha ni Clyde ang bottled water at iniabot kay Ray. "Hindi siya iinom ng malamig na tubig. Ice cream or anything na malalamig at matatamis dahil may practice sya sa susunod na araw para sa concert nya." "Tang*na, alam mo ba iyang pinagsasabi mo?" napamura ako sa sinabi ni Ray. "Ano ka ba. Hinaan mo lang ang boses mo baka isumbong tayo ng Driver sa press. Ang lutong mong magmura." wika ni Ray habang nakatingin sa Driver na mukhang wala namang narinig. "Pasyensya na. Nabigla lang kasi ako. Alam mo bang sa banyo lang ako nagpra-practice lately kumanta?" "Basta. Pwedi naman nating gawan iyan ng paraan mag lip sing ka na lang. May copy naman ako noong kanta habang nagpa-practice si Drake noon. Iyon na lang ang gamitin natin." naging busy na si Ray at hindi na nya pinagtuonan ng pansin ang pangungulit ko sa kanya. Dumiretso kami sa condo para magpahinga. Umalis din agad si Ray dahil aasikasuhin pa daw nya ang mga negosyo namin. At dahil doon tuwang tuwa ako dahil magiging payapa ang buhay ko buong maghapon. "Anong ginagawa mo?" tanong ko kay Clyde. Naabutan ko syang nagsusulat sa notebook. "Wala sinusubukan ko lang magsulat ulit. " wika nya. "Nakakuha kasi ako ng inspiration kanina habang nanunuod ako sa set." dagdag pa nya. "Subukan mong magsulat pagkatapos sabihan moko kapag tapos mo na dahil ipapasa ko yan sa mga kakilala ni Ray na mga editors." "Naku, nakakahiya naman po sir." "You have the potential Clyde malay mo isang araw kwento mo na ang gagawan ko ng pelikula." Natawa si Clyde habang nagsusulat sa kanyang notebook. Umalis na'ko para hindi ko sya madisturbo. Nakita ko ang mga nakalatag na wallet at cards ni Drake sa sidetable ng kanyang kwarto. Nakaisip ako ng magandang ideya para tulungan si Clyde. Nagbihis ako ng simpleng damit. Naglagay ng facemask at nagsuot ng sumbrero. "Clyde, tara samahan mo'ko sa labas." aya ko sa kanya. "Saan tayo pupunta? Alam ba ni Si Ray ito?" nag-aalala niyang tanong sa'kin.  "Ou, sympre." pagsisinungaling ko. Hinila ko sya palabas. Pupunta kami ng mall dahil bibilhan ko siya ng laptop para mas mapadali sa kanya ang paggawa ng kwento. Nakangiti ako habang naglalakad at hila hila si Clyde. Sobrang gaan sa pakiramdam habang hawak hawak ko ang kamay niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD