Clyde's POV
"Sigurado ka ba dito?" tanong ko kay Drake. Nasa loob kami ng SUV nya. Sya raw muna ang magmamaneho dahil mas kabisado nya raw ang Maynila keysa sa'kin.
"Sympre naman. May bibilhin lang naman ako sa mall. " sagot nya pa.
"Nagpaalam ka ba kay Sir Ray?" tanong ko.
"Stop calling Ray sir pati narin ako para namang iba ka sa'min." wika niya pa.
"Pero-"
"Walang pero pero. Okay? Mag seatbelt ka na." wika nya pa. Naglagay ako ng seatbelt. Pinaandar na nya ang sasakyan. Sobrang traffic sa Manila. At di ko namalayan na nakatulog na ako.
Ginising ako ni Ray nang makarating na kami sa parking lot ng mall.
"Clyde, andito na tayo sa MOA." sabi niya. Lumingon lingon ako sa paligid ko.
"Paano kung may makakilala sa'yo?" tanong ko sa kanya.
"Sus, huwag ka ngang nerbyosa dyan. May sumbrero at facemask ako..Hindi nila ako mapapansin. Tsaka tignan mo tong get up ko." Ou nga naman sino ang mag-aakala. Sobrang luwang ng simpleng itim na tshirt at itim na pants nya. Pero dahil itim ang kulay ng damit nya ay mas tumingkad ang natural niyang maputing kutis. Bigla tuloy ako na concious sa kulay ko.
"Samahan mo na ako. May bibilhin lang ako. Saglit lang 'to." wika nya. Lumabas kami ng sasakyan. At sabay kaming naglakad papasok sa Mall of Asia.
Madaming tao ng araw na iyon. Siguro dahil weekend rin. Pansin kong medyo kumukuha parin ng atensyon ng tao si Drake kahit na nga balot na balot na ito.
Pumasok kami sa Apple Store. At namili sya ng mga gadget doon..Nakabuntot naman ako sa kanya.
"Hi sir may I help you?" lumapit ang isang sales associate sa kanya. At talagang lantaran ang panlalandi nito kay Drake.
"Bibili sana ako ng laptop." tipid na sagot ni Drake.
"Halika dito sir. Andito po ang mga latest gadgets namin." nginitian pa nito ng malandi si Drake at ginaya sa sulok kung nasaan ang mga laptop.
Sya na ata ang sales associate na nakita kong kuntudo sa pag endorse ng product nila at ng sarili nya. Intentionally ay nilalapit nya ang katawam nya kay Drake tapos kapag nagkakabunggo sila ay humihingi sya ng dispensa rito. Napailing na lang ako.
"Clyde, check this out. Maganda ba?" tanong ni Drake sakin. Isa iyong kulay gray na laptop na may kulay pink na keyboard.
"Ou maganda." sagot ko.
"Sige, ito ang kukunin namin ng wifey ko." nagulat ako ng kabigin ako ni Drake.
Tatanungin ko sana sya pero sinenyasan niya akong tumahimik at sakyan na lang ang mga sinabi niya.
Nakita ko namang nagulat at hindi makapaniwala iyong babaeng lumalandi sa kanya kanina. After sabihin ni Drake na Misis nya ako ay hindi na ito ay dumistansya na ito sa kanya.
Matagal din kaming naghintay sa Apple Store para i set up ang laptop na binili ni Drake. Pagkatapos akala ko ay uuwi na kami pero may dinaanan pa siya.
"Gusto mo bang subukan iyan?" tanong niya sa'kin. Isang arcade game iyon na kailangan niyong gayahin iyong sayaw ng isang anime figure sa isang malaking monitor.
Napailing ako. Nakakahiya. Lalo na at nasa labas ito ng Arcade House.
"Ano ka ba-huwag kang masyadong seryoso sa buhay Halika."
At dahil mapilit si Drake ay naglaro kaming dalawa. Noon ko lang naramdaman na minsan kailangan din nating mag-enjoy sa buhay kahit na marami tayong problema.
Napahiyaw pa'ko ng matalo ko si Drake. Nagrequest sya ng rematch pero natalo ko parin siya.
"Grabe magaling ka palang sumayaw. May tinatago kang talent." puri niya pa sakin.
"Di naman. Nasali kasi ako sa dance troop dati noong highschool pa ako." wika ko.
"Talaga? Bakit hindi mo man lang naikwento sakin iyan?" tanong niya.
"Ha?"
"Ah, dito ka lang ah. Magc-Cr lang ako saglit. "
"Sigurado kang hindi kita sasamahan?" tanong ko sa kanya.
"Ano ka ba. Bawal doon ang mga babae. Stay put ka lang dito."
Nakinuod ako sa bandang nasa ibaba ng mall habang hinihintay si Drake. Ang ganda ng boses ng kumakanta kaya halos lahat ay nanunuod.
"Clyde."
.Lumingon ako sa likuran ko. Bumalik na si Drake pero pansin ko na parang may kakaiba sa kanya.
"Mahilig ka rin ba sa musika?" tanong niya sa'kin. Mas pormal iyong kilos at pananalita nya ngayon keysa kanina.
"Ou, mahilig talaga ako sa music. Lalo na kapag nagsusulat ako. Minsan kasi ginagawa kong inspirasyon ang musika sa mga kwento ko."
"Halika." hinawakan niya ang kamay ko. Nakatingin parin ako sa kamay kong hawak hawak niya habang pababa kami ng escalator.
Nakipagsiksikan si Drake sa mga taong nakikinuod.
"Drake, umuwi na tayo. Baka magalit si Ray." wika ko.
"Dito ka lang. Pakihawakan ito." binigay niya sakin ang laptop. "This song is for you, Clyde."
Nawala bigla si Drake. And the next things I know. Nas itaas na sya ng stage habang hawak hawak ang microphone.
"This song is for a very special person." wika niya pa.
Nagsimulang pumailanlang ang musika ng I Love You So Much You'll Know It.
"I like your eyes you look away when you pretend not to care
I like the dimples on the corners of the smile that you wear
I like you more, the world may know but don't be scared
'Cause I'm falling deeper, baby be prepared"
Napamaang ako sa ganda ng boses ni Drake. Ang lamig sa tenga ng boses niya. Naghiyawan ang mga nanunuod at nakisabay pa sa pagkanta nya ng chorus. Hindi ko akalain na ganito pala kaganda ang boses ni Drake.
Buong kanta naman siyang nakatingin lang sa'kin. Napahawak ako sa puso ko. Bakit bumilis ang t***k ng puso ko.
"Drake Montefalcon?!" sigaw ng isang babae habang itinuturo si Drake na nasa stage. Nanlaki ang mga mata ko. Paano niya nalaman na si Drake ito?
Kaagad na bumaba ng stage si Drake at tumakbo papunta sa direksyon ko.
"Ano okay ba ang pagkanta ko?" tanong niya sakin kahit na nagkakagulo na ang mga tao sa paligid namin.
"Well silence means yes." hinila niya ako palabas ng mall habang habol habol kami ng mga tao. Nakipagsisikan siya at pumasok kami sa isang botique.
"Sir bawal po dyan sa fitting room." sigaw ng sales associate.
Pumasok kami doon at nilock nya ang pinto. Masikip at mukhang pang isang tao lang ang fitting room ng botique.
Tulala ako habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Drake. Pareho kaming habol ang paghinga dahil sa pagtakbo. Nakasandal ang likod ko sa pader habang nakaharap naman sya sakin at natukod ang isang kamay nya sa pader.
"Di-Dito muna tayo. Habang hinihintay si Ray." wika niya. Tumango lang ako.
Magsasara na ang mall ng makalabas kami. Wala ng ginawa si Ray kundi ang pagalitan kami buong oras na nandoon kami sa botique.
"Bakit ba ang tigas tigas ng ulo mo ha? Diba ang sabi ko sa condo ka langag stay at huwag kang lalabas." wika ni Ray. Binayaran pa nya ang sales associate at ang may-ari ng botique para huwag lang ipag-ingay na andun kami. Pinasarado din niya ng maaga ang shop habang nasa loob kami. Tulala at nakatingin lang kay Drake ang sales associate at ang may-ari ng botique na isa ring babae.
"Gusto nyo po bang magpapicture sa kanya?" tanong ko nang pauwi na kami. Dahil naawa nako at kanina pa silag nakatitig kay Drake. Masigla namang tumango ang dalawa at kinilig pa.
"Drake pwedi bang-"
"Sure, basta ba sabi mo." nakangiting wika ni Drake. Nagkita kong nagtaas ng kilay si Ray.
Game na game namang nagpapicture si Drake sa dalawa. Binigyan niya pa ito ng autograph. Pinangako naman ng dalawa na hindi mag-iingay sa pagsulpot ni Drake at itatago lang bilang remembrance ang picture nila sa kanya.
"You look very happy." pansin ni Ray kay Drake na kanina pa nakangiti at pasipol sipol.
"Why? Masama ba? I'm just happy to go out and have fun. Diba Clyde?"
"Ha? A-Ano kasi..diba sabi mo may bibilhin lang tayo." napakagat ako sa labi ko. Tyak na papagalitan ako ni Ray dahil sa pagkunsente ko kay Drake.
"Isa ka pa. Diba ang sabi ko itetext moko kapag kinulit ka ng mokong na 'to?" baling sakin ni Ray.
"It's my fault. Don't blame her. Nagugutom na ako. Saan ba tayo pweding kumain? I'm craving my favorite lechon kawali."
Mukhang natuklaw ng ahas si Ray dahil sa sinabi ni Drake.
"Lechon what?" tanong niya rito.
"Lechon Kawali. Ilang taon na tayong magkasama hindi mo pa ba alam ang paborito ko?" he asked.
"Dra-Drake?" tanong ni Ray na tila first time niya pa itong nakausap sa loob ng napakaraming buwan.
"Drake ikaw ba talaga iyan!" niyakap niya ito ng mahigpit. At sobrang nawe-weirduhan ako sa kanilang dalawa.
"Bakit ka kasi bumili ng laptop? May laptop ka naman." tanong ni Ray. Nakasakay na kami ng sasakyan ni Ray at papunta sa restaurant na pagmamay-ari daw ng kakilala nila. Ayaw kasi ni Ray sa madaming tao lalo na't mabilis pagkaguluhan si Drake ng mga fans niya.
Matapos kumain ay may iniabot sakin si Drake,iyon ay ang binili naming laptop.
"Para sa'yo ito Clyde. I hope that this will help you in fulfilling your dreams . Andito lang ako palagi sa tabi mo." Drake said while smiling. He look so sincere at mas lalo akong kinabahan.