Chapter 8

2221 Words
Lunch time. Lunch time nang magising si Daichi at sinabing okay na ito. Inaya ko naman na siya palabas ng clinic at saka sinamahan kung nasaan ang team. Nanalo sila laban sa Wakutani. They played 3sets kaya naman hindi na ako nagulat nang makitang gutom na gutom ang mga ito. They need to restore their muscles. "Manonood ba tayo ng game ng Aoba Josai at Date Tech?" Tanong ni Chikara habang nakatingin sa akin. 'O bakit ako ang tinatanong mo?' Gusto ko sanang sabihin 'yun pero nilingon ko si Daichi at saka tinanong. Umoo naman ito dahil kung sino ang manalo sa dalawang team ay siyang makakalaban ng Karasuno. Pagkatapos nilang kumain ay saka na kami nagligpit at pumunta sa court kung saan maglalaban ang Date Tech at Aoba Josai. Nang makahanap kami ng upuan ay agad na kami umupo. Inilabas ko ang phone ko saka nag text kay Oikawa na nanood ako. Humingi rin ako ng sorry dahil nangyari kanina. Nilingon ko naman ang gawi kung nasaan siya. Nagwawarm up ang iba nilang members habang siya ay nagtotoss sa mga wingspiker nila. Iba ang itsura ni Oikawa ngayon, malayo sa kaninang hindi ko mabasa at nakakatakot. Nagagawa nitong makipagbiruan sa baba sa mga kateam niya. I guess, okay na siya. Nagsimula na ang laban. Kalmado lang ang gameplay ng Seijo kahit grabe ang pressure na nilalabas ng date tech mula sa service at blocks. Ito yata ang dabest sa Aoba Josai dahil kahit anong gawin mo mananatili silang kalmado at maghihintay ng opening. Phew. Service ni Oikawa, ngayon palang ako manonood ng game niya kaya hindi ko alam masyado ang game play nito. Hinagis nito ang bola at saka malakas na pinalo ang bola. Huhuuu, talk about the sound. "Service Ace" Napuno ng tilian ng mga kababaihan ang buong gymnasium. E' madami na palang supporters 'to e. Nakadalawang service ang Seijo bago maayos na nadig ng date tech ang Seijo. Nakaramdam ako ng gutom kaya nagpaalam akong aalis para bumili saglit. Hindi kasi ako nag umagahan at nagtanghalian. Naalala ko may pinabaon palang almusal si Oikawa kaninang umaga. Lumabas ako ng building at nagpunta sa lilim ng puno kung saan may table at chair. Mas malamig dito at hindi masyadong sinag na sinag ng araw. Nag text ako kay Shimizu na imessage ako kung anong oras uuwi para makabalik ako kaagad. Nagsuot ako ng earphones at saka nagpatugtog bago kumain. Hindi ko na tinapos ang game nina Oikawa dahil mukhang sila naman ang mananalo. Hanggang ngayon worried parin ako, sino ba namang hindi? May motibong pinapakita sa akin si Oikawa, kagaya kanina. Mahigit dalawang linggo narin kaming nag-uusap, dalawang beses narin itong natulog sa akin. At... at... ano nga ba kami? Ano bang tawag sa ganito? Bff ganun? Wala naman kaming feelings sa isa't - isa ano bang hinahanap ko? Siguro masaya ako sa kaniya kasi sa wakas ay may kasama na ako at alam kong ganun rin siya na sa wakas ay may karamay at kasama narin siya sa mga panahong kailangan nito ng masasandalan. Diba~diba? Medyo nasasanay narin ako sa palagian naming paguusap o tuwing maaga natatapos ang practice nila saka siya didiretso sa bahay ko at tatambay hanggang sa dumilim. Sa loob ng higit dalawang linggo ganun na lang ang routine namin. Ako namang engot mukhang nasasanay. Pero mas sanay akong mag-isa. Hindi ko pa naman lubos na kilala si Oikawa. Tama! Hindi dapat ako bumigay sa mga ganitong pagsusulit. Sigh. Natigil naman ang tugtog sa cellphone ko ng tumawag si Kotarou bigla. "Hello? Napatawag ka?" Bihira lang kasi tumawag 'to kaya nakakapagtaka. "Nasan ka? Nandito ako sa Sendai Gym sa may parking kasama si Mama. Kain daw tayo saglit! Namiss kana namin!!!" Inilayo ko ng bahagya ang earphone sa magkabilang tenga ko dahil sa lakas ng boses nito. Narinig kopa ang suway ni Auntie na hinaan ang boses nito. "Sige punta ako jan, paalam lang ako sa team ha" sabi ko saka binaba ang tawag. Sunod kong ginawa ay ang tawagan si Shimizu agad naman nitong sinagot. "Hello! Nandito po kasi sa Sendai ngayon ang tita ko sinundo ako. Pupwede bang mauna na ako sa inyo? Imemessage ko rin si Sir Takeda" paalam ko rito. Pinayagan naman ako nito at nagsabing siya na ang magsasabi sabay sabing ingat. Dala ko naman ang bag ko. Wala naman na akong nakalimutan sa loob e' kaya dumiretso na ako kung saan nakapark sila Kotarou. "Hey, hey! My lovely cousin! Hey, hey!" Sa sobrang lakas ng tawag nito sa akin, kahit nasa dulo pa sila kitang kita ko na agad ang kwago nitong buhok. Nilampasan ko si Kotarou at niyakap si Tita. "Tsk e bakit kaya nilampasan ako!" Tignan motong batang 'to akala mong ilang taon e' Sinuway naman siya ni tita dahil dun. Si Kotarou ang nagmamaneho ng sasakyan. Sa backseat ako sumakay katabi si Tita, nagchikahan pa kami saglit habang nasa byahe papunta sa isang buffet resto. "Himala Kotarou wala kang training?" Tanong ko rito nang makapasok kami ng resto. Nagkibit balikat lang ito at sinabing rest day nila ngayon. Napadaan lang raw sila dito sa Sendai dahil nagpadrive si Auntie sa branch nila malapit sa Sendai. Uuwi rin daw sila mamaya pagtapos kumain. Napuno ng kwentuhan ang hapag, hindi rin mawawala ang mapamwisit na banat ni Kotarou. 5:00 PM na nung napagdesisyunan na nilang umuwi. Nag iinsist pa silang ihahatid ako pero tumangi na ako dahil may kalayuan pa ang bahay ko at magtataxi nalang ako. Kumaway ako sa mga ito hanggang sa hindi ko na makita ang sasakyan nila na humalo na sa high way. Pumara naman ako ng taxi at sinabi ang address ko. Binuksan ko ang cellphone ko at himalang walang message kay Oikawa. Mukhang badtrip parin sa akin. Nireplyan ko naman si Hinata na tinanong kung nasaan ako. Mahaba haba ang byahe. Masaya akong nakita ko ulit sila Aunti at Kotarou, yun man lang ay sapat na para makapagpa cheer up sa akin. Bakit ba ako down na down ha. Nagring ang phone ko sa incoming call galing kay Oikawa. Ngayon tatawag tawag ka? Bahala ka jan. Hindi ko sinagot ang tawag at hinayan lang na mamatay ang call. Nagring ulit ito kaya inoff konalang ang phone ko dahil naririndi ako sa tawag. Napatanong naman ako sa isip ko, 'ano bang kinaiinis ko?' Para naman kasi akong tanga na nanghuhula sa bagay na malinaw! Inabot ko ang bayad ko kay manong driver nang ibaba ako nito sa tapat ng gate. Antok na antok akong umakyat ng apartment ng biglang may yumakap sa akin sa likod. Kilala ko ang amoy ng pabango na ito kaya hindi na ako nag-abalang mag tanong kung sino. Humigpit ang yakap nito at saka isinandal ang ulo sa balikat ko. Damang dama ko ang hininga ni Oikawa sa balikat ko, nakikiliti ako shet. "I'm sorrry, I got mad. Tinanong kita kay Kageyama kanina pero ang sabi niya umuwi kana raw. Pumunta ako dito pero wala ka. Saan ka nanggaling?" Malambing nitong tanong. May nakita na naman akong panibagong side ni Oikawa ngayong araw. Sigh, ano bang gagawin ko. Nanghihina ang tuhod ko! Mahabagin! Huminga ako ng malalim saka sumagot. "Sinundo ako nung tita ko na galing Tokyo kasama 'yung pinsan ko" maikling paliwanag ko. Nakayakap parin ito sa akin kaya hindi ko mabuksan ang pintuan. Hinarap ako nito sa kaniya, hindi ako makatingin sa mata nito dahil parang may hot sauce. Nakakapaso. "Galit kapa?" Ako na ang nagtanong sa kaniya. Nang umiling ito ay saka siya muling yumakap sa akin, siniksik nito ang mukha niya sa leeg ko at saka ako isinandal sa pintuan. "May nangyari ba?" Nabibigla naman ako sa lalaking 'to. Naging malambing! "Malamig dito sa labas, bubuksan ko na ang bahay. Inaantok na ako." Sabi ko sa kaniya, pinakawalan naman ako nito para buksan ang pintuan. Inilapag ko ang gamit ko sa sofa saka siya pinaupo sa tabi ko. Gaya kanina ay yumakap lang ito sa akin. "Ano bang nangyari? Iba yata ang aning mo ngayon ha" "Tch, wag kang maingay. Inaantok na ako." Aba! "Edi matulog kana, magbubuhos na ako kumuha ka nalang ng higaan sa loob." At saka ko na siya iniwan duon para magbuhos sandali. May dala naman na akong damit pantulog kaya sa banyo nalang ako nagbihis. Nang matapos ay saka na ako pumasok ng kwarto at nadatnan ko si Oikawa na nakapirming nakahiga sa kama ko at natutulog na ng mahimbing. "Huy! Bakit jan ka natulog!!!" Bulalas ko pero wala akong nakuhang sagot. Humihilik na ito at mukhang pagod na pagod. Nakasuot pa ang medyas nito at ang jacket niya. Tinanggal ko nalang ang medyas niya saka ang jacket para makatino siya matulog. Nanalo sila sa Date Tech kanina kaya sa susunod na match ay Karasuno vs. Aoba Josai na. Inayos ko naman sa sala ang bag at duffle bag nito saka ko inilagay ang medyas at jacket na tinanggal ko sa kaniya. Malinis maggamit si Oikawa, hindi kalat kalat ang laman ng bag. Nilock ko na ang pintuan ng apartment saka pinatay ang ilaw sa kusina at sala. Ano pabang magagawa ko dito na nakatulog sa kama, hays. Pinatay ko narin ang ilaw ng kwarto at tanging ilaw nalang mula sa lamp na nasa bedside ang nakabukas. Humilata na rin ako sa tabi ni Oikawa saka siya kinumutan. Nagscroll down muna ako sa social media sandali nang biglang yumakap ulit sa akin si Oikawa. "Tulog kana" bulong nito. Medyo hindi naman ako makahinga hano kasi 'yung mukha niya ay nasa bandang leeg ko habang ang braso niya ay nasa tiyan ko. Gusto ko siyang tanungin kung para saan ang yakap kanina hanggang ngayon. Para saan ang pag-aalala kanina. Para saan lahat ng ito at ano ba ako sa kaniya? Kaso tae nakakatakot. Hindi ako natatakot magtanong. Natatakot ako sa sagot. "Para saan 'tong yakap? Para saan ang pag aalala. Para saan Oikawa?" Kahit hindi ako siguradong may sasagot, hinayaan ko nalang ang sarili kong magtanong. "Para saan? Kasi medyo nagugulo ang utak ko." Bumigat ang hininga ni Oikawa sa leeg ko, alam kong gising ito at nag-iisip rin. Inalis ko ang yakap nito at saka umupo. Nang hindi ako makatanggap ng sagot sa kaniya ay saka kona siya iniwan sa loob at saka nagtungong kusina. Masyado bang exclusive ang tanong ko kaya hindi masagot? Nagtimpla ako ng kape dahil sa inis. Ano 'yun niyakap niya ako dahil feel niya lang? Ganun ba'yun!? Sumampa ako sa kusina at duon nag-upo. Masyado akong naiinis, gabing gabi. Sa sobrang inis ko kumuha ako ng jacket saka lumabas ng bahay. Makapaglakad lakad muna para mapagod ang katawan ko at makatulog. Nawala ang antok ko kay Oikawa. Tinawagan ko naman ang number ni Kenma na naka save sa phone ko. Nasa dulo na ako ng street namin nang sagutin niya ito sa ikalawang tawag. 'Hindi yata naka register ang number ko' Umupo ako sa may playground at saka duon nakipag-usap kay Kenma. "Kumusta kayo jan?" Tanong ko rito. Kinuwento naman nito ang nangyari mula umpisa ng spring tournament. Natawa naman ako sa kawalang kwentang mag kwento ni Kenma. 'Tinamad na ako, next' ano kaya 'yon! "Bakit ka pala tumawag? Anong oras na ah." 10 PM palang naman e. Sinabi ko naman sakaniyang hindi ako makatulog kaya naglakad lakad muna ako sa malapit. Tinanong ko naman kung ano ang number nila Suna at Kourai saka ko pinasend kay Kenma sa akin. Nagpaalam na si Kenma na maglalaro na ulit matapos niya itong itext. Tumayo na ako atsaka naglakad pauwi nang makaramdam ng antok. Pwede na siguro ako matulog ng walang iniisip. Binuksan ko ang pintuan ng apartment, tumambad naman sa akin si Oikawa na nakaupo sa sofa at mukhang masama ang timpla. "Saan ka galing? Anong oras na Mikazuki ano bang iniisip mo? Paano kung mapano ka sa daan!" Nainis naman ako sa salubong niya sa akin. Ngayong inaantok na ako saka ka magsasalita! "Ano bang ikinagagalit mo ha, naglakad lakad lang ako kasi hindi ako makatulog-" "Hindi mo man lang inabalang sabihin sa akin" pagputol niya. "Ang kapal naman ng mukha mo Oikawa Tooru. Tanong ako ng tanong sayo kanina ni isang sagot wala akong matanggap tapos ineexpect mo akong magpapaalam pa sayo?" E' napaka kapal na talaga ng mukha mo nun. "Sige nga, isipin mo. Tinatanong kita kako para saan 'yun? Para saan yung yakap? Para saan lahat ng motibo mo!" Pasigaw kong dagdag. "Hindi paba halata sayong gusto kita?" Wow "Pasensya naman Oikawa, hindi kasi ako yung tipong nagaassume. Malay koba kung anong meron satin!!!! Ikaw tong biglang nakitulog nalang sa akin nung una tapos ganito na ang pinaparamdam mo!!!" Hindi ko na mapigilan ang emosyon ko. "Pasensya naman ha, hindi ko kasi alam kung ano tayo dahil wala naman akong pinanghahawakan sayo!!!! Minsan magugulat nalang yata ako hindi na kita makontak-" Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko ng buhatin ako nito at saka dinala sa kwarto. "Ano ba! Ibaba mo ako!!!" Pagpupumiglas ko. "Magagalit mga kapitbahay sa ingay mo" tsk! Inihiga ako nito saka ako tinabihan. Hanggang ngayon naiinis parin ako-hindi galit ako! Pakiramdam ko para akong laruan. "Gusto kita, huwag kang mag-isip ng kung ano. Pinaparamdam ko naman pero hindi- h-hindi ako marunong sa m-mga sa-salitaan. H-hiya ako." What the? "Ewan ko sayo Oikawa!" "Tsk, gusto mo rin pala ako. Dapat sinabi mo 'wag mong kinikimkim. Paano tayo magmamahalan niyan."    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD